19

6.5K 133 7
                                    

"Sana ikaw na lang ang namatay. Sana ikaw na lang ang nawala. Sana hindi na lang si Megan. Sana ikaw na lang umalis. Dhil hndi namn ako masasaktan kung ikaw ang mwawala sa paningin ko e. Hndi ikaw ang kailangan nito"

Paulit ulit sa isip niya ang sinabi ng asawa. Masakit para sa kanya iyon. Sobrang sakit. Ang akala niya pagkatapos ng nangyari nung nakaraan ay unti unti na silang magkakaayos nguniy nagkamali siya. Umasa siya. At nasaktan siya dahil ang kaligayahan na inaasam niya na sana magtuloy tuloy at wag ng magwakas ay nasira lang isang iglap.

Tumayo si Chris mula sa sofa at umakyat sa taas. Samantalang si Maggy ay nanatiling nakaupo doon. Hindi niya alam kung pano iyon tatanggapin ng kanyang puso. Ang masasakit na salita mula sa lalaking, wala siyang gawin kundi ang mahalin ito ng buo.

Tulala at hindi mapigil ang pag agos ng mga luha mula sa kanyang mata. Tumayo siya at muling binigyan ng huling tingin ang hagdan kung saan umakyat ang asawa atsaka umalis ng bahay.

Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Kulang pa siguro ang maraming kutsilyo na tumutusok sa puso para ipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon.

Gusto niya ng sumuko. Ilang beses na siyang nakiusap. Pero parang balewala lang ito. Akala niya magiging maayos na ang lahat dhil sa mabuti niyang pakikitungo noon saknya pero bakit ganun. Bumalik na naman siya sa dating Chris. Si Chris na kinamumuhian si Maggy.

Napahawak siya sa tiyan . Eto na lamang ang natitirang pag asa para mabuo sila. Ang kaisa isang pag asa na pinang hahawakan niya. Para maging maayos pa sila.

Wala sa sarili. Ni hindi makapag isip ng maayos dahil ang mga sinabi lang ng asawa ang paulit ulit na tumatakbo sa kanyang isip.

Sobrang dilim sa labas. Malamig ang simoy ng hangin. Ni hndi niya naiisip na baka kung ano ang mangyari sa knya sa labas basta patuloy lang siya sa paglalakad. Hndi alam kung saan patungo basta nagpapadala na lamang ito sa kanyang sariling mga paa.

"Mag..gy?" Napatingala ang dalaga sa taong tumawag sa kanya.

Nagniningning ang mga mata neto gawa ng kanyang luha.

Walang sabi sabi ay niyakap niya ang lalaking nasa harapan niya at doon binuhos lahat ng sakit na nararamdaman. Hinayaan lang ng lalaki na umiyak si Maggy hanggang sa magsawa eto.

Dinala siya kotse upang makapag pahinga. Ang tagal niyang umiyak. Kaya naman alam niyang nanghihina eto pagkatapos.

"Pa..paano-- anong ginagawa mo dito Ian?"

Ngumiti si Ian sa kanya atasaka pinunasan ang natitirang luha sa mata ni Maggy.

"Nakaramdam ako na may masamang mangyayari sayo. I mean may kakaiba"

Napangiti si Maggy. Daig pa niya ang 911 sa bilis rumescue sa knya.

"Sa..salamat Ian. Pasensya na sa abala"

"Okay lang yun" ginulo niya ang buhok ni Maggy. "Parati akong nasa tabi mo. Minsan naman na sa likod mo. O di kaya bigla mo na lang akong makakasalubong kung saan kahit anong oras basta kelngan mo ko"

Nakarmdam ng saya si Maggy. Sana kung mas naunang dumating si Ian sa buhay.. sana eto na lang ang lalaking minahal niya.. malamang sobrang saya niya sa piling neto. Pero huli na ang lahat. Masyadong malalim na ang nararamdman niya para sa asawa.

Sandaling natahimik ang dalawa. Lumalalim na ang gabi kaya napag isipan ni Ian na ihatid si Maggy.delikado na din kasi ang maglakad ng mag isa.

"Hatid na kita. Baka hinahnap ka na ng gago mong asawa."

Hindi ako hahanapin nun. Baka nga mas masaya pa siya kung nalaman niyang umalis ako  e. Nsaktan naman siya sa naisip niya. Pero baka nga tama siya. Baka nga maging masaya eto kung mawawala siya. Diba siya na nga mismo ang nagsabi na hndi siya kelangan neto. Na sana siya na lang nawala hindi ang kakambal niya.

"Ayos ka lang? Umiiyak ka na namn."

Napatingin si Maggy kay Ian. Oo nga umiiyak na namn siya. Hindi niya kasi mapigilan ang masaktan. Isa'tkalahating gago kasi asawa niya. Parang walang puso.

"A..ayoko pang umuwi Ian. Pleasee. Ilayo mo ko sa lugar na ito khit ngayong gabi lang."

Walang sabi ay dinala ni Ian sinMaggy sa condo niya. Doon na muna niya ito pinatuloy ng isang gabi.

Kung pwede lang sana habang buhay na. Kasi gusto niyang alagaan ang dalaga. Dhil khit hndi man sabihin.. mahal niya ito simula nung una pa lang.

Purposed MarriageWhere stories live. Discover now