9

7.2K 107 8
                                    

Maggy

Naglilinis ako ngayon ng bahay namin ni Chris. Oo, BAHAY NAMIN NI CHRIS. Natuloy yung kasal namin. Kinausap kasi ni Daddy si Tito tungkol sa nangyari. At hindi ko alam kung paano nila napapayag si Chris.

Sinabi ko kay Daddy na wag na nilang ipilit kung ayaw, pero kasi si Daddy, siya yung tipo na kapag sinabi niya, kaialngan masunod o di kaya kailangan mangyari. 

Kinausap ako nung araw na nasa hospital ako ni dad. Gusto niyang ipaalam ang totoo kay Chris na hindi ko pinatay si Megan. Pero pinigilan ko siya. Kilala ko si Chris, kung ano ang pinaniniwalaan niya, yun lang talaga ang paniniwalaan niya. Nalaman ko din na hindi talaga totoo na pintay ko ang sarili kong kapatid. nakita ni Manang ang buong pangyayari at pinaliwanag nila ang lahat sa akin, tulad ng dahilan ng pagkamatay ni Megan.

Pumasok ako sa kwarto namin ni Chris. Una kong inayos ay ang kama namin. Sumunod ang cabinet niya. Tiniklop ko yung ilang damit niya na hindi nakaayos. Habang nagtitiklop ako, hindi ko maiwasan ang amoyin ito. Ang bango, napaka manly ng amoy, bagay na bagay sa kanya.

Naalala ko na naman yung araw ng kasal namin. Napakagwapo niyang tingnan sa suot niyang suit nun. Hindi ko maiwasan mapangiti sa oras na inaalala ko yung kasal namin. Hindi tulad ng dati na madaming bisita. Hindi na kasi nag imbita sila dad at tito, yung mga ilang kamag anak na lang dahil sa nangyari nung nakaraan. 

Nagtiklop ulit ako. Habang nagtitiklop ako, hindi naiwasan ng mata ko yung kumikinang na bagay sa may gilid ng cabinet.

Singsing

Our Wedding Ring

Biglang napawi ang saya na nararamdaman ko at napalitan iyon ng kalungkutan. Tinanggal na naman niya pala ULIT yung wedding ring namin. This is the second time na nakita ko na inalis niya yung singsing. Yung una ay nung nasa honeymoon kami sa London.

Flashback

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko lang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang saya. Sobrang saya ko kasi ikinasal na din ako sa lalaking mahal ko.

Nandito kami ngayon sa pinakamagandang hotel sa London. First time ko sa London kaya sobrang saya ko.

"Ahm..Chris, a-ayaw mo bang lumabas para maglibot? Fi.first time ko lang kasi dito gust-" napatigil ako sa sasabihin ko dahil sinamaan niya ako ng tingin. Yumuko ako para hindi niya makita na malungkot ako. Gusto ko lang naman maglibot e. Hays mahirap bang ibigay sa asawa niya yung simpleng hiling na yun? Hays.

Pumasok siya sa CR, siguro maliligo. Ako naman naupo sa kama at sumandal sa headboard. Kinuha ko yung ipad atsaka ng internet. Sinearch ko na lang yung mga magagandang lugar dito sa London. Napabuntong hininga ako atska pinatay yung ipad, mas lalo ko tuloy gustong lumabas. Gusto ko maglibot kaso ayaw ni Chris. Ayaw ko naman lumabas na mag-isa kasi baka mawala ako atsaka mas maganda kapag kasama ko siya.

Lumabas si Chris sa banyo na nakaayos. Ngumiti ako sa kanya. Nagbago na ba siya ng isip? Maglilibot na kami? Yehey!

Biglang kumunot yung noo ni Chris na pinagkataka ko.

"Staring is rude and smiling makes you stupid" malamig niyang sabi atsaka umiwas ng tingin.

Pumunta siya sa tapat ng pinto at hinawakan yung doorknob. "Stay here."

Yun lang ang sinabi niya atsaka lumabas ng kwarto.

Naiwan ako sa kwarto. Nakakalungkot, akala ko pa naman magiging masaya ang pag stay namin dito. Yun pala maiiwan ako ditong mag isa at mag mumukmok.

Purposed MarriageWhere stories live. Discover now