8

6.8K 124 4
                                    

Ngayon yung kasal nila Maggy at Chris.. gustuhin ko man na hindi pumunta dahil hindi ko kaya na makita ang babaeng gusto ko na naglalakad sa altar papunta sa lalaking papakasalan niya at yung oras na magpalitan sila ng vow, hindi ko magawa dahil kailangan ko talagang pumunta. Ako kasi yung inassign ng daddy ni Chris na to be his best man..

Ilang oras na pero wala pa din si Chris...

Biglang may nagstop na engine ng car, siguro ayan na si Chris.. Parang siya yung bride, kung hintayin.. grabe talaga yung lalaking yun.. Hindi ba siya na eexcite na ikasal, kung ako sa kanya baka gabi pa lang nandito na ako sa simbahan dahil sa sobrang excited akong ikasal.. ikasal sa sobrang gandang babae na nakilala ko.. si Maggy..

Biglang napuno ng ingay ng mga tao sa loob ng simbahan.. mga bulungan simula nung lumabas yung tao sa kotse.. dahil sa curious akong tao, sumilip na ako..

Laking gukat ko ng nakia ko na si Maggy ang lumabas ng kotse.. I was expecting na si Chris yun, pero bakit naman mas nauna pang dumating yung bride..

Papalapit pa lang ako sa kanya pero halata sa mukha niya ang pag aalala at pagtataka..

Ang ganda niya sa suot niyang gown sana ako na lang yung lalaking ikakasal sa kanya..

"Hello?" napatingin ako sa kaibigan ni Maggy na si Grin na may kausap sa telepono..

"What?!" napasigaw sya kaya naman napakunot ako ng noo sa kanya.. Is there any Problem?

Lumingon ako kay Maggy, mukhang nagulat siya sa reaksyon ni Grin sa kausap niya sa phone..

Biglang napalitan yung ekspresyon ng mukha niya, halata na kinakabahan siya..

"Grin.. A..anong nangyari?" pautal na utal niyang tanong kay Grin.. nilapitan ni Grin si Maggy atsaka hinawakan ang kamay nito..

"Malalate daw si kuya.." sabi ni Grin, at biglang lumungkot ang mukha ni Maggy..at parang gusto niyang umiyak ngayong oras... "Sshh.. dadating si kuya.. baka.. baka nasiraan lang yun ng sasakyan.. o di kaya natagalan sa pagbibihis" niyakap ni Grin si Maggy, at nakita ko na gumaan ng kahit kaonti ang loob niya..

Sht you Chris! Ang tanga mo para paghintayin ang katulad ni Maggy!

...

30 mins na ang nakalipas pero wala pa din si Chris.. bawat minuto o kahit segundo hindi ko inalis ang mata ko kay Maggy dahil nag aalala ako sa para sa kanya at para sa baby niya.

Nagsimulang nagtubig ang mga mata ni maggy at tumulo ito mula sa mga mata niya.. niyakap siya ni Leila.. gusto ko siyang yakapin at the same time gusto ko patayin si Chris dahil sa ginagawa niya kay Maggy.. Maggy doesn't deserve to be treated like this..

Kumalas sa yakap si Maggy, atsaka tumakbo.. Sht! saan siya pupunta?

Susundan sana siya ni Grin kaso pinigilan siya ni Leila..

Sinundan ko si Maggy kahit na pinigilan nila ako.. kailangan ko siyang puntahan, baka kung ano ang mangyari sa kanya..

Sinundan ko siya kung saan man siya pumunta.. kamuntik pa nga siyang masagasaan buti na lang hindi.. hindi  ko mapapatawad si Chris kapag may nangyaring masama kay Maggy..

Nakarating kaming pareho sa sementeryo..

Tumigil siya sa isang puntod.. Hindi ko makita kung kaninong puntod yung pinuntahan niya.. Tiningnan ko siya, halata sa mukha niya ang pagkagulat at lungkot.. tiningnan ko yung tinitingnan niya... at yun nakita ko si Chris na kinakausap yung puntod.. so kaya pala hindi siya sumipot sa kasal..

Ngayon alam ko na kung kaninong puntod iyon.. its Megan's tomb...

Nagtago si Maggy saa likod ng puno... pinakikinggan niya yung mga sinasabi ni Chris... hindi ko iyon marinig dahil malayo ako sa kanila...

Purposed MarriageWhere stories live. Discover now