16

7.3K 122 5
                                    

A/N: Since sa ilang chapter puro paghihirap ni Maggy ang nakalagay e, gawin naman natin masaya siya nabibilang na chapters. Enjoy Reading guys! :)

Maggy

Simula nung pakikiusap ko kay Chris, n asana ay maayos namin ito ..ay mukang onti onti na itong natutupad. Nababawasan na ang pagiging mainitin ng ulo niya at hindi na kami masyado yung tulad ng dati na nag aaway. Sa bahay na siya palagi natutulog at kinakain na niya yung mga luto ko na inihahanda ko para sa kanya.

“Weh?” kainis naman tong mga to, ayaw maniwala na ayos na ang pakikitunguhan naming ni Chris sa isa’t isa. Andito ako ngayon sa unit ni Leila sa sampaloc kasama si Eman. Kinukuwento ko sa kanila ngayon na nagkakamabutihan na kami ng asawa ko.

“Oo nga kasi! Bakit ba kasi ayaw niyong maniwala sa akin ha?”

“hahaha e kasi naman no girl napaka imposible naman yang sinasabi mo!” sabi ni Eman. Inirapan ko siya. Hays! Dapat pala hindi ko na lang iniwan sa bahay mag isa si Chris para lang mapuntahan tong mga to! Ayaw naman maniwala kaasar.

“Hahaha wag ka ng malungkot diyan oo na naniniwala na kami sayo”

“oo na nga girl!” tsaka nag apir sila.. tumayo si eman sa harapan naming na nakapamewang.

“Tsaka no! Dapat lang na itrato ka niya ng maayos, ang ganda ganda mong dyosa para hindi itrato ng maayos diba girl”

“tama! Tsaka kapag sinaktan ka pa niyang Chris na yan kami makakalaban niya”

Nagtawanan kaming tatlo habang nag uusap kami. Nakakatuwa talaga na magkaroon ng kaibigan na tulad nila.

Sana nga talaga magtuloy tuloy na yung ganito, nakakapagod kaya ang umiyak at masaktan. Sana naman bigyan naman ako ng permanenteng kaligayahan sa buong buhay ko.

….

“oy! Anong oras na babaita? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo? Nako kakaayos niyo lang ha. Baka mamaya mag away na naman kayo dahil gabi ka na umuwi”

“Ay! Hahaha oo nga nakalimutan ko na yung oras. Ang bilis naman parang kadadating ko lang kanina dito”

“tara na idadaan na kita sa inyo”

Eman

“Girl! Dali na ang bagal naman!” 

“Teka lang no! alam ng buntis ako e”

“Sus. Kaliit liit pa ng tiyan mo e. bilisan mo”

“opo.” Binilisan naman niyang maglakad. Nako kung hindi lang talaga buntis tong isang to baka napektusan ko na to.

Tahimik lang ang buong biyahe. Npatingin naman ako sa kaibigan kong nasa gilid ko. Hindi na siya tulad ng huling araw ko siyang nakita. Ang laki ng pinagbago niya. Ang malungkot na mukha niya noon ay napalitan ng ngiti. Ganun ba talaga kalaki ang epekto ng lalaking yun kay Maggy? 

Mas Masaya at nakakagaan na nakikita mo siyang nakangiti at walang problemang iniisip kaysa sa panahon at oras na umiiyak siya na akala mo pasan niya ang buong mundo. Sana magpatuloy na ganito siya. Sana ganyan na lang palagi ang mukha niya. Wag n asana siyang mahirapan at masaktan. Mabait na babae si Maggy. Kung tititigan mo, napakataray ng mukha pero kapag matagal mo na siyang kilala napakabuti ng kalooban, kaya hindi niya deserve ang masaktan ng sobra.

“Ma..may dumi ba sa mukha ko?” 

“wala na no. napansin ko lang ang pangit mo nap ala girl”

Purposed MarriageWhere stories live. Discover now