True Beauty

499 123 60
                                    


Sa panahon ngayon kadalasan binabase ang ugali ng isang tao sa panlabas na anyo nila.

Kesyo mabait sila dahil malinis sila sa katawan.

Maganda dahil makinis ang mukha.

Nakakabighani dahil sa kurba ng katawan.

Eto na ang nagiging basehan ng ilang tao.

Hindi literal na bulag subalit tila para na silang ganito dahil sa maling paniniwala.

I, Andrea Rose Blondeen. A girl that ain't pretty, attractive nor important because of my looks.

Fat, pimples, messy hair, yes that's my physical appearance. Nothing's interesting about me right? Yes, I know that.

I have a crush, I'm inlove with his voice.

Alam ko, he will never ever going to notice a girl like me.

Mayroon ngang ibang magaganda pero hindi naman niya napapansin. Ako pa kaya?

Still, I'm lucky to have a boy best friend. Siya, siya 'yung tipong dream bestfriend ng lahat. Mabait, gwapo, matalino, may sense of humor, mapang-asar din, protective..ah basta. Malatotal package na.

Naging crush ko siya at first pero nung naging magkaibigan kami. Parang mas fit kami sa pagiging mag bestfriend kaysa lover.

Today, may performance sila Caelan. My crush. I have something for him kahit pa alam kong hindi niya 'ko mapapansin. Wala namang masama kung magbakasakali.

"Dude bilisan mo magsisimula na sila tara naaaa..." excited kong sabi kay Lucas. My boybestfriend.

"Teka nga, mas gwapo pa naman kasi ako doon bakit ba nagkakandarapa kayo sa mokong na 'yun?" Nakakunot pa ang noo nito habang inaayos ang gamit niya.

"Ang yabang mo! Bilis!" Saka ko na siya hinila ng makapunta na kami doon. Napakatagal.

"Aray teka nga kapag ako napilay." Daing nito saka kami pumunta na sa quadrangle kung saan gaganapin ang performance nila Caelan.

---------

"Sheeeeet ang pogi mo Caelaaaan!" Sigaw ko saka nagtatalon habang hawak ang letter na ibibigay ko sakanya mamaya.

Tinakpan naman ng katabi ko 'yung bibig ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang sakit sa tainga eh!" Inirapan ko lang siya saka ulit sumigaw.

"Ganda ka?" Tanong pa niya pero hindi ko nalang pinansin.

Alam ko namang hindi. Kailangan ba ulit-ulitin?

Pagkatapos ng performance nila pumunta na 'ko sa room kung saan nandoon silang mga nagperform.

"Oy ikaw pala 'yan Andrea." Siya si Ned. Kabanda ni Caelan at kaklase ko kaya magkakilala kami.

"A-ano, si Caelan?" Kinakabahan kong tanong. Tumingin ako saglit sa bestfriend ko para kumuha ng lakas ng loob.

Nung una nakita ko siyang nagmemake face pero agad din siyang ngumiti sa'kin tapos nag thumbs up.

"Woi Caelan!" Sigaw ni Ned.

Ayan na, ayan na...

"Ahm, yes?" Tanong ni Caelan sa'kin.

Ang ilang babae na dumadaan eh tinatarayan at bumubulong pa. Pakealam ko sa inyo.

My hands are shaking. I'm so nervous but this is it!

"F-for you." Saka ko iniabot 'yung letter.

"Thanks." Saka siya ngumiti. Sa sobrang kilig tumakbo na 'ko saka hinila si Lucas.

Chapters of My Life (On-Going)Where stories live. Discover now