Chapter 5

53 13 1
                                    

Rysee Point of view

"Dalian mo rysee, ito oh" sabay about sakin ng script. Inayos ko naman ang buhok ko at hinawi ko sa may likod ng tenga ang buhok ko.

"Oo, sorry naman" nag madali ako pumunta sa gilid at pinuntahan ang club leader namin.


Nakapamewang ito sa gilid habang kausap ang main character namin. Lumapit kaagad ako rito.

"How's the script" inabot ko agad ito.


"Okay na" tugon ko.

"Nakakainis kase itong si jared" umupo ito sa may gilid " Bukas na 'to oh hindi parin kabisado yung script, ugh naiistress ako. 3 days is not enough for the rehearsal, hindi pa lahat umaattend. Kahit romeo and juliet lang 'to dapat dito palang mataas na at maganda na yung feedback sa'tin para sa susunod na play." hinawakan ko ito sa kamay.

"Iextend mo practice mamaya, how about the props kamusta?"

"Ayun matatapos na ni francine, hays ito pang si isabella laging late. Speakin-"

"Erin, sorry talaga nagkap-"

"na naman?" tumayo ito " Alam mo isabella, pagod na pagod na ako. 3 days prep lang 'to. Aarte nalang kayo halos lahat kami na kumikilos tapos tuwing rehearsal wala kayo? ano gagawin naman nganga? Bullshit!" umalis ito at sinisipa ang nasa gilid nya.

Tiningnan ko lang ito at iniwan ako sa may gilid. Bigla namang sumulpot si cassandra kaya napapikit ako.

"Ano ba yan cassandra, papatayin mo ba ako sa nerbyos?" tumawa lang ito at umupo sa gilid ko.


"Yung custome kase, 'di ko masukatan si isabella laging wala."

"Ha? bukas na yun 'diba?" tumango lang ito at bumusangot " paano yan?"


"Hindi ko alam, hindi ko pa pinapaalam kay erin. Alam mo naman mainit ulo nun."


"Tara, puntahan na natin si isabella. Bakaa magawan pa natin ng paraan" tumango lang ito at hindi naman umangal na hinila ko s'ya.


Lumubas na kami sa may theater club at hinahanap si isabella.

"Alam mo ba kung saan yun?"


"Nasa cafeteria lang lagi yun or sa may yellowcab sa unahan ng library."


"Osya tara na"


Tama nga si cassandra nasa yellowcab itong si isabella at kasamang kumain ang boyfriend nito. Dali dali agad kaming pumasok sa loob at tinungo ito sa lamesa.

"What?" iritadong tanong nito. " Pasabi d'yan kay erin, napaka arte nya s'ya pumalit sa'kin bilang juliet or ikaw nalang tutal ikaw scripwriter."

"May sasabihin pa ba kayo?" Tinitigan lang kami ng boyfriend ni isabella at nagpatuloy kumain.

"Hindi pwede yun isabella, bukas na ang play tapos ngayon ka pa aayaw?" tumingin ito ng masama kay cassandra.


"Eh, ayuko na nga diba kung gusto mo cassandra ikaw nalang."


"Kung hindi ka naman pala makikisama sa play sana" tumingin ito sa jowa ni isabella " hindi ka nag drama club, atupagin mo nalang yang jowa mo na tulad mo patapon"

"Ano?" bigla nitong hinila ang buhok ni cassandra inaawat naman namin sila ng boyfriend ni isabella.

"Ang kapal ng mukha mo cassandra, sino ka ba ha?"

The day you said goodbyeWhere stories live. Discover now