Chapter 11

44 1 0
                                    

Andrei's Point of View

"Bakit?" tanong nito nung nakalabas ng kwarto.

"Emergency nga" pag uulit ko rito at tine text parin kagrupo ko.

"Hindi, I mean anong emergency?" tinapunan ko ito ng tingin.

"Sa group activity namin yun, chinat ako ng mga kupal kong kagrupo. Andami kasing sinasabi,itext mo 'ko susunduin kita." napahinto ito sa paglalakad "Bumalik ka nalang dun" tumango lang ito sa'kin.

Nagmadali na akong lumabas ng hospital at ka agad na tumungo sa parking lot.

"Ano dre?" sagot ko mula sa kabilang linya.

"Ang kupal kase andaming sinasabi,alam mo ba na nagkwento pa kay prof na ikaw raw itong nag solo ng gawain."

Pumasok agad ako sa loob ng kotse ko at pinaandar ang makina.

"Eh anong sabi ni prof?"

"He need to hear your side daw since ikaw nagpasa nun. Gan'to sa labas ng faculty hintayin kita andun sina brandon."

"Ang kapal talaga ng mukhang mag sumbong, amp."

"Gago mga yun ano pa ba aasahan mo? pre hintayin kita rito." ani ni kobe.

Sa shortcut na ako dumaan at pinarada kaagad ang kotse ko saktong pagdating sa school. Nagmadali akong tumungo ng faculty for engineerings prof at natawan ko agad si kobe na nakaupo sa labas.

"Asan sila?" tinaas nito ang ulo nya mula sa pagkakayuko.

"Ayun oh" sabay turo " tara, sabay sabay tayong pumasok."

Hindi ko ito pinakinggan at kaagad na kumatok. Pinihit ko ang doorknob at sumenyas si prof na lumapit kami sa kan'ya.

"Kumpleto na ba?" tanong nito.

"Yes ma'am" kyle

"Your project last time na sinubmit ni Mr. Yap ay wala yung name n'yo Mr. Ejercito and Mr. Gracia and you're complaining na sino solo lang ni Mr. Yap ang gawain, tama?" tumango naman sila. "Now Mr. Yap, totoo ba?"

"Hindi ako selfish at-"

"I'm asking you if that is true simple yes or no, what?" sumandal lang ako sa upuan, can't stop explaining hays kalma.

"No."

"So sino nagsasabi sa inyo ng totoo?" nagpapalipat lipat ito ng tingin sa'min nina kobe at kina kyle. "Yes, Mr. Yu ano ganap mo rito?"

"I invited andrei after he refused to go with me after our classes. Sabi n'ya andami n'yang tatapusing presentation kaya nagulat ako nung pinilit at inaya ko s'ya ulit he agreed until we saw kyle and brandon at the bar. Ang kwento ni andrei sa'kin may usapan silang magkikita pero hindi sila sumulpot because of emergency and my friends understand it kase family issue daw but when we saw kyle and brandon at the bar he changed his mind that brandon used his family to excused his shitty wants." she nodded.

"Now, Mr. Ejercito and Garcia bigyan n'yo ako ng magandang palusot?"

"We're not there ma'am, nasa hospital kami 'diba kyle?" brandon.

"Yes ma'am, bakit naman kami sa bar hahaha."

Pinakita ko ang stories ko that day kung saan nahagip sina brandon at kyle nanlaki ang mga mata nito.

"Impossible!"

"Mr. Yu and Yap you can leave my office now and you Mr. Ejercito and Garcia call your parents now!"

Lumabas na kami ni kobe ng faculty. Bigla naman ako nitong siniko.

"Anong meron nasa labas ka pa ata gabi na?"

"Wala, bakit ba tayo pinatawag eh gabi na night shift ba sila?" naka cross arm akong naglalakad.

"8 pm naman nag co close school saka madaming sched na inaayos malapit pang mag sem break."

"Ah,"

"wew dude, saan ka nga ano tara kina patrick?"

"May babalikan pa ako."

"sino?" pag usisa nito.

Binuksan ko na ang pinto ng kotse ko ngunit humarang ito.

"Sino nga?" ngumisi lang ito "may tinatago ka ano?"

"Wala, sige na papahinga pa ako." pag sisinungaling ko.

"Sige sige, mr. indenial" tumawa lang itong pumunta sa kotse n'ya.

Baliw amputa, sumakay na ako sa kotse ko at inistart ang engine. Andun pa kaya s'ya? napatingin ako sa orasan sa kotse ko what 7:45 na? Hindi naman gaano ka traffic pero medyo malayo kase ang hospital dito sa school. Sana maabutan ko pa yun delikado pa naman umuwi at gabi narin. Mga thirty minutes lang ay nakarating ka agad ako, nabutan ko naman itong palabas nang hospital.

"Rysee!" tawag ko, lumingon naman ito at naglakad papalapit sa direksyon ko.

"Tatawag na sana ako ng taxi eh Akala ko kase hindi ka na babalik pero ayos lang din naman dahil masyado na kitang naabala" ngumiti ito ng bahagya at ramdam kong nahihiya na nga talaga s'ya. "Papahinga rin ako ng maaga aalis tayo bukas hindi ba?"

"Oo,saka rysee ayos lang naman kase magkaibigan naman tayo sigu-" umikot na ito at sumakay sa kotse ko habang natatawa.

"Hindi hahaha ay kamusta pala ang lakad mo?" tanong nito.

Inisinara ko na ang pinto at inistart ang engine.

"Eh? Ayos naman, e ikaw anong lagay ng kuya mo?"

"Joke lang oo naman, Nagising na s'ya kanina. Kakausapin ko lang yung kakilala ko sa dating subdivision na tinutuluyan nila para may matirhan ulit."

"Can I ask a question?" tumango lang ito. "I mean paano ka nagka condo kung-" tumawa ito ng malakas.

"Narinig mo na kaming nagtalo hindi mo parin gets. Sa aming magkakapatid ako lang kinuha ng tita ko para paaralin nung buhay pa s'ya, sya yung nag alaga at nagpagkain sa'kin natigil lang yung sustentinto sa magulang ko ay dahil sa ayaw rin naman nila. Inampon kase ako ni tita dahil sa gusto nya magka anak yung sumunod naman sakin ayaw mahiwalay sa parents ko. Kahit sa ayaw ko eh gusto kong makapagtapos at maiahon kami sa hirap." tumango lang ako.

"Im sorry for what I've said before."

"Wala yun, takot ko lang din mawala sa scholarship wala kase akong pambayad at yung condo sa tita ko yun sa'kin lang pinaubaya. Ang laki ng utang na loob ko sa family nya kahit kamag anak namin kaya ayun nag bu business ako ng pagkain at ibang items. Hindi naman nagiging hadlang nasasanay na rin ako saka ang laki rin ng tulong sakin sa bills at other fee."

"Ang tibay mo ano? nakokosyensya tuloy ako."

"Sira, hahaah baka naawa ka lang. Eh ikaw mukhang mayaman kayo eh?"

"Oo, pero wag mo sanang isiping matapobre ako ganun."

"hindi,judgemental lang." natawa naman ito habang nakabusangot naman ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The day you said goodbyeWhere stories live. Discover now