Chapter 10

30 2 0
                                    

Rysee's Point of view

"Umuwi ka na kaya muna?" umiling lang ito at nakayakap parin sa hoodie na binigay ko. "Bili lang ako Muna ng gamot, kumain ka lang d'yan." Bubuksan ko na Sana ang pinto ng hilahin ako nito at yakapin O_O

"Tulog nalang muna ako siguro." eh? paano naman ako? hays. Umayos na uli ako many pagkakaupo at isinandal ko ang ulo n'ya sa balikat ko para makatulog ito ng maayos."Hindi lang talaga ako sanay na magpuyat, galing din sa sa hospital nagdudugo kase ilong ko dahil dun."tumango lang ako "gusto ko lang magpahinga."
Huminga lang ako ng malalim.

Kumapit ito sa braso ko habang nakatitig lang ako rito. Teka ang bilis naman at hindi man lang ito nailang? bakit para namang ang tagal na naming magkakilala sus. Naramdaman ko na nakatulog na nga ito, ako rin ba dapat?!

"Here" sabay abot ng tubig kinuha ko naman ito at ininom agad 'yun. "Lumabas ako kanina habang natutulog ka kumain ako then uminom na rin ng gamot,ano tara na ba?" tumango lang ako at lumabas nang kotse.

"Anong oras na ba?" tanong ko rito habang naglalakad kami papasok.

"6 pm"

"What?" gulat kong tugon
"6 na teka,bakit parang ang bilis naman?" napasapo ako sa noo ko.Nagmadali na kaming pumasok sa loob at tumungo sa kwarto ni kuya. Naabutan naman namin sina mama na nag aayos ng gamit pati si ate kristine.

"Maupo kayo" aya ni mama.

"Ma, ito oh kumain na muna kayo."

"Uy,fried chicken ah. Galing dito ang ate mo nanghihingi ng pera." naglabas agad ako ng pera at nag abot kay ate kristine ng limang libo.

"Aayusin ko pa yung lilipatan n'yo malapit dito, ako naman magbabayad ng hospital bills ma."

"Hay,pasensya na talaga, wala rin kaming pera." ani ni mama.

"Ma,ayos lang yun." ngumiti lang ako rito.

Kumain lang sina mama at ate habang ito namang si basti eh todo ang pindot sa phone. Gusto ko mang tanungin kung bakit halos gusto na nito itapos ang cellphone n'ya ay hinayaan ko nalang. Mukha tuloy s'yang tanga.

"Ma,kelan kaya magigising si kuya?"pag basag ko ng katahimikan.

"Hindi ko alam eh,sana bukas o ngayon. Mas tumataas kase hospital bills."

"Sana nga ma,'wag n'yo na isipin yung bills ako na ho bahala roon."tugon ko.

"Teka, 'diba nag bu business ka hindi naman ba nagiging hindrance yun sa studies and grade maintaning mo?" tanong ni ate kristine.

"Hindi naman ate nababalance ko naman, pagka okay na si kuya sama ka sa'kin para naman may katulong ako sa pag ne negosyo saka narin para may pinagkakaabalahan ka."

"Oo mabuti nga,Naku gustuhin ko mang mag trabaho hindi ko rin maiwan anak ko. Okay ng nasa bahay lang."

"Basta,tatawagan nalang kita ate para ikamusta rin kayo."

Tumango lang ito. "Bakit pala kasama mo pa si pogi?" sabay turo nito kay basti gamit ang nguso natawa lang ako ng bahagya.

"Ihahatid daw ako eh pinapauwi ko na nga, nahihiya na rin kase ako at naabala ko pa." lumapit naman si ate sa'kin.

Nasa malapit s'ya kay kuya naka pwesto habang nasa kanan kami nina mama at naka upo sa sofa. Si basti naman ay medjo malayo sa'min medyo malapit sa banyo may lamesa kase roon at nakabukas lang ang tv.

"Asus,wala ba kayong" sabay palit na tingin saming dalawa.

"Ate," sita ko. "Nakakahiya ano ka ba!" baka ano nalang isipin nung tao.

The day you said goodbyeWhere stories live. Discover now