Chapter 9

25 3 0
                                    

Rysee point of view

" Ma, una muna kami ha?" paalam ko sa kanila.

Nasa loob na kami ng kwarto tulog na rin ang pamangkin at kapatid ko na nasa sofa. Stable na ang kalagay ni kuya pero tulog pa rin ito medyo malalim ang sugat nito dahil sa paulit ulit na saksak sa tagiliran, akala namin kanina hindi na sya lalaban pa.

" Ma, ito oh" sabay abot ko ng sampung libo. " Ito lang yung cash ko sa ngayon, mag huhulog ako mamaya o pagtapos ng exam ko ay didiretso ka agad ako dito."

"Ano ka ba, itago mo na yan baka bigay pa yan ni charlene."

"Ma hindi, nag start ako ng business. Patutulungin ko si ate kristine na mag assist para kahit sa bahay e na ayos nya yung order tutal nasa bahay lang sya." Suhestiyon ko.

"Teka ayos yan ah? online business kailangan ko rin ng trabaho e." komento ni ate.

"Oo ate, basta ma aalis na kayo sa squatter bago pa man maging okay si kuya e hahanap na ako ng malilipatan nyo na around qc lang din."

"Hindi naman kailangan nak, basta mag iinga-"

"Ma, hayaan mo na. Mag iingat kayo ah!"

"Galingan mo" nakangiting sambit ni mama at niyakap uli ako. " Ingatan mo ang anak ko ha?" sabay tingin ni mama kay andre napataas naman ako ng kilay.

"Ma, nakakahiya ka kaibigan ko lang-"

"Opo." sabay akbay sakin napaka plastik talaga.

"Asus, mabait naman pala ito eh. Kristine pala" sabay abot ni ate ng kamay inabot naman din ito ni andrei.
"Naku pasensya na ha magulo kanina lalo na nung naabutan mo. Alam ko naman na hindi ka sanay sa ganito kagulo obvious kase na anak mayaman ka, wag ka mag alala naku mabait yang si rysee-"

"Ate" saway ko at nag tawanan lang sila.

"Bleh" umirap lang ako at pinihit na ang doorknob.

"Una na po kami" paalam ko kumaway lang sila at tuluyan na kaming lumabas.

Alas dos na rin ng umaga hapon pa naman ang exam pero sobrang hiyang hiya na ako sa katabi ko kaya huminto ako sa paglalakad.

"May problema ba?" tumingin lang ako dito "Ano?" napaka sungit eh.

"Sorry uli."

"Okay nga lang, ilang beses ka ba pinanganak?" wow ha?

"Isa malamang."

"Paulit ulit ka kase magtanong, hays" nag madali na itong maglakad napaka ang moody talaga nito. Ano namang problema dun? Natural lang mag tatanong ako aba nagambala ko s'ya.

Sumakay na kami sa loob ng kotse nya at pinaandar na nya ito. Mamimiss ko talaga sina mama sa ganitong paraan pa kami nagkita uli.

" Tulog ka muna, gisingin nalang kita kapag andun na tayo."

" Kwentuhan mo'ko" tumingin naman ito sakin na nagtataka " Oo, kwentuhan mo'ko"

"To be honest, galing ako kina mama kanina. Sobra rin akong kinabahan akala ko naman e inatake sya sa puso arte lang pala n'ya para makita kami. Alam mo namsn 'diba kung gaano kasabik si mama na makasama uli ako, hanggang ngayon akala nya bata parin kami nina ate.Gusto mo sumama minsan?" bigla namang lumawak ang ngiti ko " I guess oo yan." ngayon ko lang ito nakitang ngumiti e ano naman.

"Teka masyadong mabilis tanungin mo muna ako kung papayag ba akong ligawan m-"

" I change my mind." Napahagalpak naman ako ng tawa. Madaling araw tuwang tuwa ako, exam pala mamaya pakshet! "what?" irritadong tanong nya.

The day you said goodbyeWhere stories live. Discover now