Ang sabi lang nila ay sabihin ko sa kanila kung sino ang hahalik sa akin.

Siguro para mapasalamatan nila dahil sa pagbigay ng mabuting kalusugan sa akin. Ang powerful pala ng halik.

"Puwede ko rin ba kayong halikan?"

Nagulat ako nang sabay nilang maibuga ang iniinom.

"Naku! Ayos lang ba kayo?" nag-aalalang dinaluhan ko silang dalawa.

Mukhang ayos naman sila dahil tawa lang sila nang tawa.

"Hindi mo kami puwedeng halikan, baka maaga kaming mamaalam sa mundong 'to. Atsaka isa pa, Arrow, kung sino yung unang nanghalik sa 'yo, siya lang ang puwede mong halikan. Hindi na kasi healthy kapag sa iba," paliwanag ni Homer.

Napatango naman ako. Ang galing pala nilang dalawa sa mga ganitong bagay. Sana med na lang ang kinuha nila.

"Sige, salamat sa inyo. Ngayon ko labg nalaman yung nga ganiyang bagay," nakangiti kong sabi.

Kitang-kita ko ang pagpipigil ni Juana sa pagtawa kaya pinagmasdan ko siya. Nginitian niya lang ako kaya ngumiti naman agad ako pabalik.

"Arrow, isa pang advice, para mas healthy. Mas mabuti kung araw-araw mong gawin kasama si Froze. Healthy talaga 'yon, hindi ka na dadapuan ng germs." Wow, ang galing talaga ni Homer.

"Naku, salamat talaga, buti na lang nandiyan kayo." Sobrang galing talaga nila.

"Oo naman, Arrow, magaling talaga kami," nakangising saad ni Juana.

Napaisip tuloy ako bigla. Kaya pala laging nagki-kiss si mommy at daddy, kasi healthy 'yon.

Hindi naman nagkakasakit si mommy at daddy kaya marahil ay totoo nga ang sinasabi nila Homer.

Pero nakakahiya naman kay Froze, kaso para sa kaniya rin naman 'yon, e.

Mabuti na ang malusog at malakas.

Napalingon kami sa pintuan nang bumukas iyon. Bumungad sa amin ang tatlo kong kaibigan na galing sa gymnasium.

"Hello, nandito sila Homer," nakangiti kong sabi.

Namumulang lumingon si Saiko at Sabrina sa mga tao sa harapan ko.

"Hi, babe. Beautiful as ever," malanding saad ni Homer kay Sabrina na tumayo pa talaga para halikan si Sabrina sa pisngi.

Napahagikhik ako nang makita kung paano kiligin ang kaibigan ko.

"T-Thank you," namumulang sagot ni Sabrina kay Homer.

Pero pinanlakihan ako ng mata nang biglang itulak ni Juana si Homer kay Sabrina kaya ang ending... Nag-kiss sila!

Parehas pa silang nagulat at agad na napahiwalay sa isa't isa.

"Bakit kayo naghiwalay? Hindi ba healthy 'yon?" nagtatakang tanong ko kay Homer.

"Oo naman, healthy talaga 'yon. Hindi ba, babe?" nakangising tanong ni Homer sa kaibigan ko na sobrang pula ng mukha.

"T-Tumigil ka nga! Pervert!" naaasar na sigaw ni Sabrina bago padabog ba tumakbo palayo.

Pervert?

Bakit naman magiging manyak si Homer?

Siguro hindi gusto ni Sabrina maging healthy. Gusto niya ang figure niya ngayon, siguro nga.

"Sige na, mauna na kami, Arrow. Baka mahimatay na 'tong katabi ko dahil sa kilig," natatawang saad ni Juana habang nakakapit sa braso ni Homer.

"Okay, ingat kayo, inom ka agad ng gamot Homer para gumaling ka agad," sagot ko.

Alanganin siyang tumango. "S-Sure, kispirin na lang ang iinumin ko para sure."

"Kispirin? Ano 'yon? Mabisa ba 'yon?" nagtatakang tanong ko sa kanilang lahat.

"Ayos, Arrow, kaonti na lang talaga makakaltukan na kita sa pagiging inosente mo!" frustrated ang boses na sigaw ni Saiko.

Napanguso na lang ako sa tabi.

"Alis na kami," paalam ni Homer.

Hinatid ko muna silang dalawa sa pinto bago kumaway.

"Ba-bye!" nakangiting sabi ko.

Kumaway din sila pabalik bago tuluyang mawala sa paningin namin.

"Anong pinag-usapan ninyo nila Juana, Arrow?" mabilis na usisa sa akin ni Saiko.

"Tungkol sa kiss," sagot ko.

Nangunot ang noo niya. "Kiss?"

"Sabi nila healthy raw iyon. Lalo na kapag kay Froze ko ginagawa. Dapat daw araw-araw," sagot ko.

Natatawang umiling silang dalawa ni Miyuki.

"Healthy nga talaga, Arrow."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now