Chapter 8: Illusion

49 28 0
                                    

"Kriiiiing!!!", malakas na tunog ng cellphone ni Jonathan habanh siya ay nagbabasa ng libro. Tinignan niya ito, si Erica. Pinagmasdan lamang ang niya ang tawag at hinayaang tunog ang kaniyang cellphone. Inabot ng tatlo ang tawag bago niya ito sagutin ngunit mayroon paring pag-aalinlangan. Nakakaramdam siya ng bigat ng loob kasabay ng kahihiyan na kaniyang pinakita kahapon. Hindi lamang sa klase at professor kundi pati na rin sa kaniyang kaibigan.

"Jonathan! Where are you?", mga tanong na bumungad agad kay Jonathan mula sa kabilang linya. Hindi siya sumasagot. Paulit na tinanong siya ni Erica.

"At home, why?", si Jonathan.

"Okay, pupunta ako jan!", sagot ni Erica sabay patay ng cellphone.

Laking pagtataka ni Jonathan sa inasal ng kaibigan samantala kahapon lamang ay galit na galit sakaniya ito. Sa ganong pagkakataon naman ay naisipan niya na iyon ang tamang pagkakataon para pormal na humingi ng tawad sa dalaga. Kaya naman ay hinintay na lamang niya ang pagbisita nito.

SA SALA. Habang nakikipagtawanan si Mrs. Rebecca sa kausap sa telepono ay nagulat sa isang katok na sakaniyang pakikipag-usap ay bumulabog. Pag-lingon niya sa pintuan ay agad niyang nakita ang isang dalaga.

"Tita?", agad na bungad nito. Samantala ay minumukhaan naman siya ng ginang.

"Erica?", pagkumpirma nito.

"Yes, tita!", ngiting sagot nito.

"Oh long time no see, hindi ka na kasi nagpupunta dito sa bahay!", pagbati nito sabay lapit at beso sa dalaga.

"Yes, Mama, almost 1 year na siyang hindi nagagawi dito!", boses mula sa kanilang likuran. Makikita na pababa ng hagdan ang binatang si Jonathan.

"Dahil 1 year na rin sila ng boyfriend niya", dagdag pa nito. Napatingin lamang si Erica sa binata at nagulat naman ang ina.

"Really, Erica? May nobyo ka na? 'Di yata nakukwento sakin ni Jonathan. Kaya wala ka siguro ng birthday niya last year hano!", birong sabi ng ina sabay kalabit sa bewang ng bata.

Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ng ina ng kaibigan. Hinitak naman agad siya ni Jonathan.

"Mama, punta kami sa k'warto, may gagawin kaming research!", pagpapaalam ng binata.

"Ganun ba? Oh sige, Hija, dito ka na magdinner ha, maghahanda ako!", ngiting sabi ng ina kay Erica. Tumango naman si Erica bilang pagtanggap ng alok ng ina ng kaibigan.

SA KWARTO. Ini-lock agad ni Jonatgan ang pinto at sumandal dito.

"Why are you here?", tanong niya sa dalaga. Tinignan lamang siya nito at naupo sa dulo ng kama sabay yuko.

"I'm really sorry for what happened yesterday, Erica!", paghingi ng tawad mg binata.

"But, what do you need?", tanong pa nito. Napalingon ang dalaga sa kaniya.

"You!", sagot nito.

Nagulat naman si Jonathan sa sagot ng kaibigan. Napalunok siya at pinagpawisan.

"What do you mean?", tanong niya.

"I need you... A friend", muling sagot ng dalaga. Nag-iba agad ang emosyon ng binata.

"Bakit? Anniversary niyo ngayon, hindi ba?", tanong ulit ng binata.

Hindi umimik ang dalaga subalit humagulgol na lamang. Nilapita siya ni Jonathan at niyakap.

"What's wrong, Erica?", pag-alalang tanong nito.

"Niloko niya ako, nagtaksil siya sa akin", iyak na sagot nito.

Just FriendsWhere stories live. Discover now