Chapter 4: Daniel

62 39 1
                                    

"You really love him, Erica" mahinang bigkas na lamang ni Jonathan. Maya-maya pa'y tumunog muli ang kaniyang cellphone, ngunit sa pagkakataong ito ay tawag naman ang kaniyang natanggap. Si Erica ay tumatawag. Sinagot niya ito.

"Hello Nathan?" pambungad ni Erica. Hindi nagsasalita ang binata.

"Okay ka na ba? Kamusta pakiramdam mo? Nasa iyo pala ang flashdrive ko. Kuhanin ko bukas ha!" tuloy tuloy na tanong at sabi ni Erica.

Sa 'di malayong segundo simulang sagutin ni Jonathan ang cellphone ay narinig niya ang boses ni Erica na tinatawag ang kaniyang pangalan. Napatingin siya sa kaniyang harapan, ang paligid ay nag-iba, ang dating kwarto ay naging maluwang na hallway.

.
.

"Nathan! Nathan!" sigaw ni Erica habang tumatakbo palapit sakaniya. Bumagal ang mga oras. Napatitig lamang siya sa magandang dilag na tumatakbo papalapit sa direksyon niya. Tumatalbog ng mga kulot na buhok. At tuluyan na nga itong nakalapit sa binata.

"May balita ako sa'yo!" ngiting sabi nito sa binata. Pinagmamasdan lamang siya nito.

"Sinagot ko na si Daniel!" masayang pamamalita ni Erica sa kaibigan. Ngumiti si Jonathan sa kaniya.

"Talaga? Mahal mo na ba?" tanong niya sa kaibigan. Napatawa ng bahagya ang dalaga.

"Sasagutin ko ba kung hindi ko mahal?" pagbalik na tanong nito.

"Sigurado ka ba sakaniya? Nito mo lang siya nakilala, 'di ba?"

"Mabait siyang tao, tsaka alam mo naman na crush ko 'yun simula nung makita ko siya dito sa Campus." si Erica.

Naglakad ang dalawa sa mahabang hallway habang nagkukwentuhan. Tahimik na nakikinig lamang ang binata sa pagkukuwento ng kaibigan. Bakas sa mga mata niya ang lungkot samantala kabaligtaran naman ang kay Erica.

"Sa dalawang buwan niyang panliligaw, sobrang purisgido niya. Kahit busy siya sa homework? 'Di niya magawang kalimutan akong i-text o kaya tawagan," dagdag pa niya.

"Tsaka kahit naman may boyfriend ako, sigurado akong 'di ko mapapabayaan ang study ko. Aba, Valedictorian yata toh!" pagmamayabang pa niya.

"Inspirasyon ko siya, sa maikling panahong nakilala ko si Daniel, nag-iba bigla ang buhay estudyante ko. Kung dati, bawal ng ganito, bawal ang ganyan, basta bawal kay Mommy ang lahat. Pero si Daniel kasi ang kauna-unahang nanligaw sa parents ko, alam mo naman, istriko mga 'yun. Pero close sila agad ni Daniel, lalo na si Daddy."

Napapalunok na lamang si Jonathan sa mga napapakinggan mula sa kaibigan. Patuloy lamang ito sa pagkukwento habang sila ay naglalakad.

"Alam mo 'yun? May kakaiba sakaniya, hindi lang siya basta pogi. Oo, points na 'yun. Pogi naman kasi talaga siya pero may iba sakaniya. Basta, I feel the love that I think I really deserve" at nagbaga nga ang mga kulisap na lumabas sa kaniyang mga mata sa pagkukwento.

"Masayang-masaya ka?" tanong ni Jonathan.

"Of course, I feel special. Alam mo 'yun, ngayon ko lang yata nararanasan 'yung dapat nararanasan ko nung highschool"

"E paano kung niligawan kita noon, edi naranasan m---", naputol siya ni Erica.

"Oy! saglit, upo tayo dito!" sabay turo sa bench sa gilid. Napatigil sa pagsasalita si Jonathan.

"Ano nga ulit 'yun?" tanong ni Erica.

"Ah, wala, nakalimutan ko na!" sagot naman ng kaibigan.

Just FriendsWhere stories live. Discover now