Chapter 3: Advice

78 43 3
                                    


KATOK ang bumalabog sa katahimikan sa loob ng kwarto ni Jonathan. Sa mahigit maglilimang oras niyang pagtahimik na nakasandal lamang sa kaniyang higaan. Sa una ay hindi niya ito pinansin, ang katok ay panandaliang tumigil ngunit ilang segundo lamang ay kumatok muli ang tao sa labas ng kuwarto dahilan ng pagkamalay sa tulirong binata. Napatingin si Jonathan sa saradong pinto, at tila'y hinihintay magsalita ang nasa labas. Tinawag muli nito ang kaniyang pangalan at kaniya na itong nabosesan.

"Come in!", sigaw nito. Agad namang bumukas ang pinto hudyat na hindi ito nakasarado sa loob. Dumungaw ang isang babae at ngumiti sakaniya. Maya-maya pa ay umikot ang paningin sa loob ng k'warto.

"Ang ganda pala ng kuwarto mo", puri ni Venus. Ngumiti lamang si Jonathan habang pinagmamasdan ng dalaga ang buong kwarto.

"Halika rito, at isarado mo ang pinto!" si Jonathan. Muling naglakad papalapit ang dalaga sa kaibigan matapos nitong isarado ang pinto.

"Anlayo pala ng bahay niyo mula sa highway, tsaka ambait ng Mama mo, pinapasok ako kahit di ako kilala, tinuro pa ang kuwarto mo" pagkuwento ni Venus.

"Sinabihan ko na siya kanina na may dadating akong kaklase. Bakit antagal mo?" tanong ng binata.

"Natraffic yung jeep tapos hinanap ko pa yung Lot niyo hano. Tsaka bakit di ka na pumasok kanina?"

"Wala lang, masakit ang ulo ko."

"So, bakit mo ako pinapunta dito?" muling tanong ni Venus.

Tinignan lamang siya ni Jonathan ng sandali bago ilipat ang tingin sa bintana. Napansin naman ni Venus ang itsura ng binata at namumugto nitong mga mata.

"Umiyak ka ba?" tanong nito.

"Yes", maikling sagot ni Jonathan. Sandaling natahimik ang dalaga at wari'y nag-iisip ng susunod na itatanong o sasabihin.

"Hmm... Nakita ko si Erica, she's with him, hindi ba naghihiwalay 'yun? I mean, wala bang araw na hindi sila nagkita?" tawang tanong nito. Napatitig si Jonathan sakaniya at kumunot ang noo.

"Oh! Shut the fuck up!" sambit ng kausap. Nagulat lamang si Venus. Ngunit muling binawi ito ni Jonathan.

"Of course, they're partners. Tss..." inis na bigkas pa nito. Tumahimik lamang si Venus.

"Gusto ko lang ng may makausap... Inaamin ko, oo, nasasaktan ako hanggamg ngayon. Mag-anniversary na sila next week and ibigsabihin, mag-isang taon na rin akong nabibigatan sa dinadala kong feelings na ito", pagpapaliwanag ni Jonathan na halatang may sakit sa dibdib na dinadala sa bawat mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Pinagmamasdan lamang siya ng dalaga at nanatiling tahimik. Napansin naman ito ni Jonathan.

"So, hindi mo ako sasabihan ng sinungaling o denial?" tanong pa nito.

"Hindi, kasi alam ko naman tunay mong nararamdaman, pinakikisamahan lang kita sa mga sagot mo para naman makisabay jan sa pagdedeny mo sa feelings mo" sagot ng dalaga. Napatingin muli si Jonathan sa bintana.

"What should I do?" tanong nito.

"Gawin mo 'yung gusto mo talagang gawin. I'm not saying agawin mo siya pero kung ramdam mo din namang may feelings siya sayo, why not confront her. Baka umamin din siya. Tell her na mas magiging masaya siya kung hindi niya dadayain 'yung feelings niya for her guy. What if---"

"gusto niya ako? What if mahal niya rin ako?"

"Yes... "

"Then, sisira ako ng isang relasyon?"

"Hmm... It's up to you... "

"What the... Anong klaseng advice 'yan, Venus?"

"Or else hintayin mo nalang magloko 'yung guy and grab your chance" patawang sabi nito. Tumahimik lamang si Jonathan.

"Okay... Okay... Chill, take my words as a joke nalang okay? I'm sorry, hindi kita ginagawang mang-aagaw", sabay tawa ng dalaga.

"No, you're right!" sambit ni Jonathan. Napatahimik naman si Venus.

"What?"

"Kapag nagloko si Dan, paniguradong sakin siya tatakbo at sasandal. And may chance na ako, hindi siya agawin kundi kusang mapunta sakin"

"Ikaw nag-isip ng kabuuan na iyan"

"Thank you, Venus!"

Ngumiti lamang si Venus. Napatingin na lamang muli si Jonathan sa bintana. Pinagmamasdan ang mga puno sa labas na ang mga dahon ay binabayo nanaman ng malakas na hangin. Maya-maya pa ay kumulog ng malakas, mukhang hudyat ito ng malakas na ulan. Kaya naman ay nabahala si Venus para sa kaniyang pag-uwi.

"Hala! Uulan pa yata, uuwi na ako!" pagpapalaam niya.

"Sandali!" pagpigil ng binata. Napatigil naman si Venus sa pagtayo.

"Are you still virgin?" tanong agad ni Jonathan. Nagulat si Venus sa tanong ng binata.

"Anong klaseng tanong iyan?" gulat na tanong ng dalaga.

"No, I'm serious. I will not judge you no matter kung ano man ang isagot mo. And after all, this isn't about you." pagpapaliwanag ng binata.

"I don't answer that kind of question, I'm sorry!"

"I understand but... Makikipag-sex ka ba sa partner mo kung mahal mo siya?"

"Hmm... Ano ba 'yang mga tanong mo, Nathan!"

"Just answer me, I need answer!"

"Ofcourse, yes!"

"Kahit pre-marital?"

"You know what, if you really love that person, ibibigay mo ang lahat sakaniya. Nawawala na iyang mga moralidad na iyan o kung ano pa man. And afterall, iba-iba ang isip ng tao", paliwanag ni Venus.

"E sa taong hindi mo mahal?"

"Ofcourse not, pero syempre karelasyon ko, kaya mahal ko..." natigil bigla si Venus at nagpokus sa mukha ni Jonathan.

"Wait, don't tell me, iniiisip mong may nangyayare sa dalawa at nasasaktan ka kakaimagine?" at tumawa ng malakas si Venus. Napaatras naman ang ulo ni Jonathan.

"No, I'm not... Napaisip lang ako"

"You know what? I won't say na it's normal but they're in a relationship, they can do what ever they want to do... And they will" ngiting sabi ni Venus. Siya ay tumayo na at nagpaalam kay Jonathan sa huling sandali bago ito umalis.

ALAS-OTSO ng gabi, habang nakahiga sa higaan ay tumunog ang cellphone ng binata. Kinuha niya ito at isang mensahe ang kaniyang natanggap. Mula ito kay Erica.

"Nathan, bakit hindi ka nagtext simula kaninang umuwi ka? Ano na lagay mo?" ang mensahe ni Erica. Hindi ito pinansin ni Jonathan. Maya-maya pa ay isang tunog nanaman. Nagmensahe nanaman ang kaniyang kaibigan.

"Sabi ni Mark, nasa iyo daw ang flashdrive ko?"

Hindi nanaman ito pinansin ng binata. Ngunit naalala nanaman niya ang mga sinabi ni Venus kani-kanina lamang.

"They're in a relationship, they can do whatever they want to do"

"Ofcourse, yes!"

"You know what, if you really love that person, ibibigay mo ang lahat sakaniya."

Paulit -ulit na owtomatikong pumapasok sa isipan ni Jonathan ang mga sagot at pagpapaliwanag ni Venus.

"You really love him, Erica!" mahinang bigkas ni Jonathan.

Just FriendsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt