Chapter 1: A Friend

113 50 19
                                    

"Okay! Class dismiss!", at tuluyan na ngang umalis ang Professor sa loob ng klase. Nagsitayuan naman ang halos buong klase at isinukbit na ang mga bag na dala at isa isang nagsilabasan.

"Jonathan!" sigaw ni Erica na animo'y hindi nakikita ang kaibigan ng ilang oras.

"Tara! Sabay na tayo!" pag-aya niya kay Jonathan sabay hablot ng bag at sukbit sa balikat.

"Hindi ba't hihintayin mo si Dan?", tanong ni Jonathan sa kaibigan.

"Oo, doon sa hallway", sagot naman ng dalaga.

"Magkaiba tayo ng daan, pauwi na ako!" sambit naman ng binata.

"Hala! Sasamahan mo ako 'di ba?" kunot na noong bigkas ni Erica.

Napatingin na lamang si Jonathan sa kaibigam at tumango. Sabay na silang lumabas ng classroom at nagtungo sa pinakadulo ng hallway ng gusali. Habang naglalakad ang dalawa, nagsalita si Erica.

"Anniversary na namin next week, anong magandang regalo?" tanong niya sa kaibigan.

"Bakit ako ang tatanungin mo? E ikaw ang girlfriend, ikaw ang nakakakilala sakaniya" sagot naman ni Jonathan.

"Eh lalaki ka, s'yempre pareho kayo ng gusto... " ani Erica, napatigil siya at napatingin kay Jonathan sabay ngiti. Kumunot naman ang noo ng binata. Nanlaki ang ilong at itinaas. Umiwas rin siya ng tingin sa dalaga.

"Hindi lahat ng lalake pare-parehas ng gus..." napatigil siya ng sumabat bigla si Erica.

"What I mean is alam niyo ang hilig ng isa't isa, 'di ba?" sabay ngiti na nakamulagat ang mga mata.

"I don't know..." sagot ni Jonathan, tumigil sandali ang paligid.

"Ayan na yung bench!" sabay turo naman niya sa malapit na mahabang upuan sa dulo ng hallway. Umupo si Erica samantalang nakatayo lamang si Jonathan. Pinagmasdan muna niya ang mga puno at mga dahon nitong berdeng-berde. Lumakas ang simoy ng hangin at dumampi sa mga mukha ng dalawa. Umalon ang mga buhok ng dalaga at sumabay sa hampas ng masarap na hangin. Napatitig si Jonathan sa kaibigan habang ito ay sarap na sarap sa mga hangis humahaplos sa kaniyang katawan.

Muli siyang nagsalita, "aalis na rin ako pagdating ni Dan". Napatingin naman ang dalaga mula sa pwesto ng binata. Hindi niya niresponde ang sinabi ng binata ngunit kinwestyon nito ang kaniyang pagtayo.

"E bakit ka nakatayo jan?", tanong ng dalaga habang nakatingala kay Jonathan.

"Aalis narin naman ako... " tumigil sandali si Jonathan. "Relo, sa tingin ko lang..." dagdag nito.

Naguluhan naman si Erica at kumunot ang noo. Napansin ito ni Jonathan at natawa siya ng bahagya sa reaksyon ng kaibigan. Sa ganong mga pagkakataon ay umupo na rin siya sa tabi ni Erica. Umusog naman ng kaunti ang dalaga upang magbigay ng mas maluwang na espasyo. Lumakas nanaman ang hangin at paiba-iba na ito ng direksyon. Nanatiling nagtataka ang mukha ni Erica sa mga huling sinambit ni Jonathan. May mga dahong nagsilaglagan mula sa mga puno dahil sa lakas ng hangin. Rinigna rinig ang bawat paghampos ng mga sanga na may dahon sa mga katabi nito. Akmang sasagot si Jonathan upang mawala ang pagtataka sa reaksyon ng kaibigan nang may sumigaw sa pangalan ng dalaga mula sa malayo.

"Erica!" sigaw ng lalake.

Napatingin naman sa direksyon ng sumigaw ang dalawang magkaibigan. Ng matanaw ito ni Erica ay nagulat siya. Tumakbo ang lalake na kanina lamang ay sumigaw sa kaniyang pangalan papunta sa kanilang direksyon. Ngumiti si Jonathan sa lalake.

"Bakit?" tanong ni Erica sa lalake.

"Hay! Teka! Napapagod ako!" sambit nito habang habol ang hininga at hawak hawak ang dibdib. Tumayo naman si Jonathan sa kinauupuan bilang pag-alok sa lalake upang umupo. Wala namang sabi sabi ay umupo naman ang lalake.

Just FriendsKde žijí příběhy. Začni objevovat