Chpater 5: Confession

56 35 0
                                    

"Nathan! Nathan!" mahinahong tawag ni Erica kay Jonathan. Agad naman itong nilingon ng binata.

"Are you okay?" pag-aalalang tanong ng dalaga.  Hinipo pa niya ang ulo ng kaibigan,  ganon din ang leeg. Mainit ang mga ito kaya bakas ang pag-alala sa kaniyang mukha.

Sa mga sandaling iyon ay ang paligid ay kasingliwanag ng tahanan ng mga anghel.  Puno ng bulaklak at mga paru-parong malayang nagsisiliparan. Napapaligiran naman sa gilid ng mga nagtataasang puno at ang sinag ng araw ay tumatagos sa bawat espasyong bigay ng mga dahon. Maririnig din ang mga pagkanta ng mga ibon. Maririnig din ang malayang pagwagayway ng mga pakpak nito.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" ulit na tanong ni Erica.  Pinagmamasdan lamang siya ng dalaga.

"Nag-aalala ako sa'yo sobra, pero... Huwag kang mag-alala,  andito akong kaibigan mo,  aalagaan kita," ngumiti ang dalaga sa kaibigan at nilapat pa niya ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang pisngi ng binata.

"Andito ka ba sakin bilang kaibigan?", tanong ni Jonathan sa dalaga.

Nginitian siya nito at tumango. Napayuko ang binata sa kadahilanang hindi niya nagustuhan ang tugon ng dalaga.  Napansin niya ang sapatos nito,  nakatanggal ang sintas.  Dali-dali siyang lumuhod at iniayos ang pakakasinta ng sapatos ng dalaga.

Muli niyang iniangat ang kaniyang mga ulo,  tanaw nanaman niya ang isang magandang dilag na nilalabanan ng liwanag sa likod nito gawa ng siya ay nakatingala. Nginitian niya ang dalaga sabay tayo.  Hinawakan niya ang mga kamay nito at muling nagsalita.

"Erica,  I want to tell you something," panimula niya, nakangiting nakikinig lamang ang dalaga.

"Sana ipangako mo na ano man ang malalaman mo ay hindi magbago ang tingin mo sakin. Kung magbabago man,  sana ay iyong positibo. Sana 'yung naayon sa gusto ko. Matagal ko na itong tinago lalo na sa iyo.  Kasi nahihirapan ako." patuloy nito.

Hinawakan siya ng dalaga sa pisngi. 

"Huwag kang matakot,  papakinggan kita! Naaalala mo ba diba? Noong highschool tayo,  lagi kitang pinapakingan,  sa mga kuwento mo,  sa mga nararamdaman mo. 'Di ba,  noon pa man,  andito na ako lagi para sa'yo,  dahil alam kong anjan ka din para sa'kin." tugon ni Erica.  Napangiti naman si Jonathan at nagkaroon ng lakas ng loob sabihin ang nais niyang malaman ng kaniyang kaibigan.

"I... I just wanna be with you,  always.  I want to be yours. I-I love you, Erica... since then.  At hindi iyon nagbago!" napayukong sabi ni Jonathan.  Iniangat naman ng kaibigan ang kaniyang mukha. Nakita niya itong nakangiti kasabay ng pagngiti ng mga mata.

"I love you,  too. Sana alam mo iyon noon pa." tugon ng dalaga.

"R-really?" si Jonathan.

Tumango ang dalaga at hinila ang ulo ng binata,  inilapit sa kaniyang mukha. At sadya nilang ipaglalapit ang kanilang mga labi, tila ay sabik na sabik si Jonathan mahalikan ang dalaga, kaya lalong bumagal ang mga oras ng kanilang paglapit sa isa't isa.  Hindi na makapaghintay si Jonathan malasap angg tamis ng labi ng babaeng kaniyang pinakamamahal.

Ngunit isang tali ang siyang humila sa leeg ni Jonathan na dahilan ng unti-unting paglayo ng kanilang mga mukha. Hinawakan at pinigilan niya ang tali na hila-hila ng taong nasa kaniyang likod.  Hindi na siya masyadong makahinga,  samantala,  si Erica ay nananatiling nakatayo at sumisigaw. 

"Daniel! Stop!" sigaw ni Erica.

Halos hindi na makahinga si Jonathan sa pagkakahila ng tali na pumapaso na sa kaniyang mga leeg.  Hanggang sa siya na ay humalandusay sa lupa at tuluyan na ngang binitawan ng taong nasa likod niya ang hila hila nitong tali na siyang nagpahirap sa kaniyang paghinga. Tumakbo naman si Erica papalapit sa kaibigan na umiiyak.  Nanlalabo na ang paningin ng binata.  Tinatapik tapik siya ng dalaga.

"Nathan!  Nathan!  Wake up!" patuloy na tapik ng dalaga sa kaniyang pisngi hanggang sa tuluyan ng magsara ang kaniyang mga mata.

"Nathan! Nathan!  Wake up! Hey wake up!"  mahinang sigaw ang bumalabog sakaniya. Napadilat siya at nakita niya ang kaniyang ina ay tinatapik-tapik siya sa kaniyang pisngi.
.
.

"Wake up!" sigaw ng ina. Napamulat naman ng mata si Jonathan.

"Bumangon ka na riyan,  hindi ba't 8AM ang pasok mo ngayong araw?  Nakalimutan mo siguro mag-alarm,  kanina ka pa hindi bumababa,  kanina pa kita tinatawag," pagbubunga ng magulang. 

"Hindi ka na nga pumasok kahapon sa mga ibang subjects mo,  just get up!  Lalong sasakit ang ulo mo!" patuloy pa nito.

Umupo saglit si Jonathan at sumandal. Samantala ay nalibot naman ang paningin ng ina sa buong kwarto. Napansin nito ang laptop sa higaan ng anak.

"Oh!  'Di mo man lang isinop itong mga gamit mo, laptop! Oh!  Pati itong flashdrive.  Kaya ka naghahanap lagi e" sunod sunod na pagalit ng ina sabay luha sa mga gamit at sinop sa lamesa. 

Papikit-pikit lamang si Jonathan at rinig ang malakas na paghinga. Maya-maya pa'y may napansin ang ina.

"Sobra mo talagang kalat!  Bakit nagkalat sa sahig mga tissue.  Oh God, Nathan!" bulyaw nito sa anak.  Agad naman napamulagat si Jonathan at biglang tayo.

"Ma,  ako na maglilinis. Sige na, bababa na po ako! Just a minute!" sabi niya sa ina.  Umalis na nga ang ina samantala si Jonathan ay patuloy na nag-aayos ng pinaghigaan at mga naglakad na tissue.

Naupo si Jonathan sa kaniyang higaan pagkatapos na nakaharap sa salamin.  Pinagmasdan ang sarili.  Tinignan ang kaniyang leeg.  Hinawakan niya ito. Malinis,  walang bakas ng kahit ano.  Naging seryoso ang mukha ni Jonathan at humarap ng diretso sa salamin.  Sabay nagsalita sa isip.

"Kaya hindi ko makuha si Erica dahil may pumipigil... "

Just FriendsWhere stories live. Discover now