Chapter 2: Pictures and Memories

91 42 1
                                    

KINABUKASAN, makikita nanamang tumatakbo mula sa malayo si Mark upang habulin ang naglalakad na si Erica. Akma itong sisigaw ng harangin siya ni Jonathan.

"Saglit, ibibigay ko 'tong flashdrive kay Erica!" pagpapatabi ni Mark kay Jonathan.

"Ako na magbibigay!" paggiit ni Jonathan. Tinignan lamang siya ni Mark at nginitian niya ito. Walang sabi-sabi ay binigay ni Mark ang flashdrive kay Jonathan at nauna na itong umalis. Binulsa ito ni Jonathan. Mula naman sa malayo ay natanaw niya si Daniel, ang nobyo ni Erica, na may kasamang babae. Nagtatawanan ang dalawa. Kaya naman pinagmasdan pa niyang mabuti at sinundan ng tingin ang dalawa kung saan patungo.

Hindi niya kaklase si Daniel sapagkat ang kurso nito ay Engineering. Napagtanto niya na kaklase nito ang kasama sapagkat pareho sila ng suot na uniform. Patungo silang Library at tanaw niya na inakbayan ni Daniel ang kasamang babae habang papasok ng gusali. Nanliit ang mga mata niya bilang pagtanaw ng mas malinaw sa malayo.

SA KLASE, tinabihan ni Erica ang kaibigan habang hinhintay ang pagpasok ng kanilang professor. Pansin nitong tahimik ang kaibigan kaya nilapit nito ang mukha at ngumiti ito. Tinititigan lamang niya ang kaibigan, samantala si Jonathan ay nakatingin sa harap at pansin ang ginagawa ng kaibigan. Maya-maya pa ay tumingin na rin siya dito.

"Bakit?" tanong ni Jonathan sa dalaga.

"Ikaw! Bakit ka malungkot?" balik na tanong nito.

"Hindi ako malungkot, may iniisip lang." sagot ng binata.

"Hmmm, si Dan hindi nakipagkita sakin kanina. Busy yata" bigkas ng dalaga sabay sandal sa upuan. Napatingin naman si Jonathan at napakunot ang noo.

"Sinabi ba niya sayo kung asan siya?" tanong ni Jonathan.

"Yes" sagot nito.

"Saan?"

"Sa--" naputol ito ng pumasok ang kanilang Professor.

"Saan?" giit na tanong ni Jonathan.

"Mamaya na, andyan na si Sir!"

Nakakunot parin ang ulo ng binata habang nakatingin sa kaibigan. Mula naman sa kabilang row ay nakatingin si Venus sa puwesto ng dalawa. Napatingin sakaniya si Jonathan at nginitian niya lamang ito.

PAGKATAPOS ng unang subject ay nagpaalam si Jonathan sa kaibigan na siya'y uuwi at hindi na papasok sa mga susunod pang oras.

"May masakit ba sa'yo? Tinatrangkaso ka?" tanong ni Erica sa kaibigan. Tumango lamang si Jonathan sabay umalis. Sinundan na lamang siya ng tingin Erica hanggang sa siya ay makalayo. Hindi na siya lumingon pa sa likuran upang sana ay makita ang kaibigan sa sandaling iyon.

SA BAHAY, habang si Mrs. Rebecca Gabriel, ang ina ni Jonathan, ay makausap sa telepono, nanunuod iti ng telebisyon at nakapatong ang mga paa sa babasaging maliit na lamesa sa kaniyang harapan samantala ang likod ay komportableng nakasandal sa malambot na sofa. Tumatawa ito hindi dahil sa pinapanuod kundi dahil sa kausap sa kabilang linya. Maya-maya pa ay pumasok ng tuloy-tuloy si Jonathan at nagtuloy sa kusina. Napansin siya ng kaniyang ina at ito'y nagulat sa biglaang pag-uwi ng anak. Kaya't pinatay niya ang hawak na telepono at tumayo.

"Bakit ang aga mong umuwi? 10 AM palang. Wala na kayong klase?", tanong nito sa anak.

Samantala ang binata ay kumuha ng tubig at baso para inumin. Umupo saglit sa mesa sa kusina at sinagot ang ina.

"Meron Mama, kaso sumasakit ang ulo ko, siguro dahil sa init. Hindi ko kayang hintayin pa ang ibang mga subject." sagot nito.

"Oh sige at magpahinga ka, may gamot ako sa kuwarto, kuhanin mo at uminom ka ha!", utos ng ina at tumango lamang ang binata. Nakatitig ng matagal si Jonathan sa basong kanina lamang ay puno ang laman na ngayo'y kalahati na lamang. Isa-isang pumapasok ang mga ala-ala sa kaniyang isipan.

Just Friendsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें