Chapter 17: The whisper

14 0 0
                                        

Kateleen's POV

"What do you think will be waiting for us, there?" ani Celia.

Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"I don't know. But somehow, I think na mas ligtas tayo dun." Tumango na lamang siya habang hinihimas-himas ang buhok ng kanyang natutulog na anak sa kandong niya.

I stared at her. Nakaramdam ako ng pangungulila. Ilang taon na din ang nakalipas nung huling ginagawa din sakin yan ni mommy bago ako matulog. I miss her. I miss them. Mom, dad, I badly missing you. The tears starts to fall. I wipe it immediately at tinuon ang tingin ko sa labas.

HINDI namalayan ni Kateleen na makakatulog siya sa gitna ng pagmamasid habang ang mga kasama naman nito ay patuloy sa pag-uusap ng mga plano nila para sa pagkuha nila ng mga supplies sa department store na madadaanan.

Biglang nakaramdam ng paninindig ng balahibo si Kateleen sa gitna ng mahimbing niyang pagkakatulog. Nagising ang diwa niya ngunit nanatili paring nakapikit ang kanyang mga mata.

Naramdaman niya na lamang ang hininga sa tainga niya. Bigla siyang nanghilakbot. Hindi niya alam ang gagawin. Bubuksan niya ba ang mata at tignan kung sino ito o pipiliin nalang na pumikit at hayaan kung sino ito. Nagtangka siyang igalaw ang kanyang kamay para masaway kung sino man iyon ngunit sa pagkakabigo ay hindi niya ito magawa.

"Mag-ingat ka. Malapit na sila." Anang ng boses na matinis. Bumilis ang tibok ng puso niya at nagsiunahan ang takot at kaba sa pagsibol sa kanyang puso. Bigla siyang may naalala. Ang boses na iyon, sa isip-isip niya. Ang boses na iyon ang gumagambala sa kanya noon pa. Palaging binubulong nito na mag-ingat siya at malapit na sila. Ngunit naguguluhan siya. Kanino siya mag-iingat? At sino ang tinutukoy niyang malapit na? Nagising siya ng maramdamang niyuyogyog siya ng kasama. Bumuntag sa kanya ang mukha ni Corinne na nag-aalala.

Napakunot siya ng noo at nagulat siya ng yakapin nito.

"God, kinabahan ako sayo!" sa medyo pasigaw na boses nito. Tinignan niya ang mga kasama. Bakas din dito ang pag-aalala. Naituon niya ang mga mata kay Sophia. Bakas dito ang takot. Nakayakap ito ng mahigpit sa kanyang ina habang nakatingin ito sa kanya.

"Ano bang nangyayari?" tanong niya.

"We just found you shaking uncontrollably and you're saying something that we couldn't understand." ani Leila na nasa likod ni Kateleen.

Napamaang ang labi ng dalaga. Mas lalong kumunot ang noo nito. At higit sa lahat, mas lalo siyang naguguluhan. Naaalala niya pa naman yung nangyari sa kanya kanina. Oo, natakot siya doon sa bumulong sa kanya pero hindi yun sapat na dahilan para manginig ng ganoon. Napailing na lamang siya at napayakap sa sarili.

Papaano?

Bigla na lamang nagulat ang lahat ng may sumabog na kung ano. Mismong ang nagmamanehong si Rey ay napahinto. Sunod-sunod na pagsabog ang naganap at waring papalapit ito sa kinaroroonan nila.

Isang ingay ng elisi ang bumuntag sa kanila. Binuksan nila ang bintana at napatingin sa taas. Nakita nila ang maraming bilang ng helicopter sa taas na nagbababa ng bomba mula sa ere. Bigla silang nakaramdam ng pag-asa. Iisa lamang ang ibig sabihin nun, may mga tao pa at ito ang mahihingan nila ng tulong.

Nagulat sila ng biglang lumabas ang asawa na si Celia. Umiiyak itong nagsusumigaw ng paghingi ng tulong sa taas habang sina Kateleen naman ay sinasabihan si Celia na pumasok na sa loob at kailangan na nilang umalis dahil baka pati sila ay mapasabugan na rin ng bomba.

Tila walang narinig si Celia at nagpatuloy sa pagtakbo at pagsisigaw. Umaasang marinig ang kanyang tinig. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ibang nilalang ang nakarinig. Kumawala sa makapal na usok at nagtutumbahang infrastructure ang maraming bilang ng mga walker. Agad na sumindi ang takot sa kanyang loob. Tumakbo ito papalapit sa kanya habang siya naman ay tumatakbo palayo sa mga ito. Pulos sigawan ng nagmumula sa SUV at pagsabog ang namayani sa paligid.

Sa kabilang banda, lumabas ang asawang si Fiel para subukang mailigtas ang asawa. Tumutulo ang luhang paglapit niya rito ngunit biglang natigilan ang lahat ng sa mismong banda ni Celia bumagsak ang bomba. Halos mapipi ang asawang si Fiel sa nasaksihan. Maging mismo sina Corinne.

Patuloy sa pagpalahaw ang batang si Sophia. Si Kateleen naman ay lumabas at sinigawan si Fiel.

"Fiel! Let's get out of here!" Sigaw nito habang tumatakbo papunta kay Fiel. Ngunit para lamang tuod si Fiel. Waring hindi niya narinig anv sinabi ng dalaga. Shock parin ito sa nangyari. Napatigala naman si Kateleen sa taas at kukunti nalang ay sila na ang target ng mga ito. Hinila niya ng marahas si Fiel pabalik sa SUV. Tulala parin ito. Yumakap sa kanya ang batang si Sophia.

"Rey, let's go." utos ni Kateleen. May paghangos ang boses nito.

Windang ang lahat sa nangyari. Paano na sila ngayon? Unti-unti ng tinutupok ang pag-asa nila sa puso dahil sa nangyari. Lalo pa't wala na si Celia. Maging si Fiel ay nawala na rin dahil sa nangyari sa asawa.

----------------

Author's note:

Pasensya na at now lang uli nakapag-update. Na-miss ko si Watty. Haha. Sana nagustuhan niyo tong update. And by the way, leave votes and comments para naman maramdaman ko kayo. Haha. Chos.

Well, honestly speaking, nahihirapan ako sa pag-isip ng pangalan ng mga characters ko. Marami pang mangyayari na magaganap and nag-iisip ako ng mga unique na names na may dating para sa character na madadagdag.

Tulungan niyo naman ako oh. Hehe. Bigay kayo ng pangalan na gusto niyo and yung characteristic na gusto niyo sa name ng ibibigay niyong name. Pipili ako at isasama ko dito sa aking mumunting istorya. Mag-ingay naman kayo diyan. Haha.

Osya, until next update. I-pm niyo nalang ako about sa mga names.

loenorafira
manyana

God bless! ^_^

The Walker's Omnipotent EnigmaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant