Patuloy parin ako sa pagtanaw ng mga tanawin. Napapangiti ako dahil sa wakas! Matapos ang ilang taon kong pamumuhay sa city ay nabigyan ako ng pagkakataon na umuwi sa hometown ng aking magulang. Ito ang lugar na kung saan una sila nagkakilala ni papa. Kung saan nagsimula ang love story nila.
Ini-scan ko ang scrapbook ko na kung saan nakadikit ang mga picture ng most memorable moment naming magpamilya at syempre ng kaibigan ko.
While I keep on scanning my scrapbook, napahinto ako sa isang larawan. Isang larawan na kung saan magkakasama kaming buong pamilya. Si mama,si papa,si Joseph,at ako. Ito ay kinunan noong 18th birthday ko. Ang saya-saya namin noon..
"Pwede bang umupo sa tabi mo?"
Agad kong isinara ang scrapbook at nilagay sa bag ko.
Inangat ko ang ulo ko at tinitigan kung sino mang tao yun.
"Oh,sure." Agad akong umayos ng upo at nginitian sya.
"Thanks."
Umupo sya sa tabi ko at agad humarap sakin.
"Hi. Ako nga pala si Dianne. And you are...?"
"Kateleen."
Nakipag-shakehands sya sakin.
First time kong makakilala ng taong katulad niya. Parang isang diwata na taglay ang gandang kamangha-mangha. Noong high school and college days ko,wala man lang kumakausap o tumitingin sakin. Hindi ko alam kung bakit. Pamilya ko lang ang almost na nakakasalamuha ko. Ow,meron pa pala. Of course,my one and only bestfriend, Corinne.
Natahimik nalang kaming dalawa matapos ang pagpapakilala. Napapasulyap ako sa kanya. Maganda siya. She has a long fair hair na bumagay sa malaberdeng kulay ng mata niya. Maliit ang mukha,mahahaba ang pilikmata,mamula-mula ang pisngi,matangos ang ilong at mapulang labi. Well,masasabi kong hindi sya nakalipstick kasi halata naman talagang natural. Totally,napakaganda niya.
Agad kong binawi ang pagtitig sa kanya at itunuon ang pansin sa mga tanawin sa labas.
Agad kong tiningnan ang relo ko. it's 4:30 pm. I release a deep sigh. 30 minutes pa bago ako makarating kina lola.
Ilang oras na ba kong nakaupo dito? 2 or 3 hours? Hays..
Patuloy ako sa pag-iisip ng bigla siyang umimik.
"You know what? This place is really beautiful."
Napalingon ako sa kanya.
"May magandang tanawin, mababait na mga tao,at syempre...tahimik at paradise para sa mga taong naghahanap ng katahimikan or those people who want to relax..like me. So,are you too?"
Ang cute ng accent niya. Nakakamanghang ang isang foreigner na katulad ay matatas managalog.
"Na-uh..I came here to visit my grandmother. Well,I agree with you. Maganda nga talaga dito."
Nakangiti kong pagsang-ayon sa kanya.
Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan. Masaya siyang kausap and I found myself laughng with her. Aside from my family and Corinne,this is the first time na nakipag-usap ako sa ibang tao ng ganito kacomfortable at nakikipagtawanan without hesitations at hiya.
Nauna na siyang bumaba sakin at sinundan ko nalang siya ng tingin habang may ngiti sa aking mga labi. Nakakilala ako ng bagong kaibigan sa kabila ng maikling oras.
Natanaw ko na ang bus stop na bababaan ko. Which is Pablo St. Station 1.
It's exactly 5:00 pm. Bumaba na ko ng bus bitbit ang maleta ko which is good for 1 week. After that long hours of trip,finally I'm here. I' m going to make this 1 week vacation enjoyable and free from stress. Yahoo!
"Iha!"
Napalingon ako sa sinumang tumatawag sakin. Agad sumilay ang isang matamis na ngiti sa aking labi.
"Granny!"
Nabitawan ko ang bitbit ko sa sobrang tuwa at agad tumakbo para yakapin si Granny.
Sinalubong niya ko ng isang mahigpit na yakap at halik sa noo.
"Oh,my precious darling. Ang laki mo na." Tuwang-tuwa siya habang tinititigan ako at kitang-kita sa mga mata niya ang pananabik at di makapaniwalang nandirito na ko sa harapan niya ngayon.
"Granny naman,talaga hong malaki na ko. I'm already 23. Adult na. Hahaha."
Inakbayan ko sya at hinalikan sa pisngi.
"By the way iha,welcome home!"
"Thank you Granny."
Masaya kong sabi.
YOU ARE READING
The Walker's Omnipotent Enigma
Science FictionPaano kung isang araw paggising mo ay iba na ang takbo ng mundo? Iba na ang nakikita ng mga mata mo ngayon sa noon? Magigising ka nalang na ang mga taong na nakikita mo ay naging nilalang na kahindik-hindik? At sa gitna ng mga pangyayaring ito, umaa...
