Chapter 15: Another day

20 0 0
                                        

Kateleen's POV

Matapos ang nangyari kagabi, hindi ko parin maalis sa utak ko ang mga kaganapan sa mga walker. Ganun din ang aking mga kasamahan. Pagbaba ko ng hagdan, agad kong nakita si Sophie na naglalaro ng manika. Hindi ko lubos maisip na ang bata niya pa para maranasan 'tong mga bagay na ito. Hindi niya dapar nararanasan ang mga ganitong bagay. Paano nalang ang buhay niya? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging ayos ang lahat. Hindi rin habang buhay na masisigurong ligtas siya.

"Ate Kate!" ani Sophie. Lumapit siya sakin saka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"How was your sleep, baby?" I asked. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at lumabi habang naka-cross arms. Kumunot ang noo ko dahil sa gesture niya.

"Hindi maganda ang tulog ko kagabi dahil sa mga monters na 'yon." bakas sa tono nito ang pagkainis.

Napatawa ako sa tinuran niya. Ang bata-bata pa lang, may attitude na.

Hays, kailan ba ko huling tumawa ng totoo? Yung walang halong pagpapanggap? Kailan nga ba? Nagpapasalamat ako dahil nakasama ko 'tong batang ito. Napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya at saka kami tumungong kusina.

"What are we gonna do now? Wala na tayong pagkain."

"What?"

Napako sila sa kanilang kinatatayuan ng marinig nila kong magsalita.

"Wala na tayong pagkain. As in wala. Kahit na pang lipas lang ng gutom sana kahit chewing gum e, wala talaga." ani Celia.

Tumakbo naman papalapit si Sophie sa kanyang ina.

Tiningnan ko sila isa-isa. Bakas sa mga mukha nito ang puyat at pagod dahil sa nangyari kagabi. Tahimik lang ang lahat. Naghihintay kung sinong unang magsasalita.

"Mom, I'm hungry." Napukaw ang aming atensiyon sa bata. Naaawa ako. Kung kami-kami lang, kaya naming tiisin ang gutom, kaya namin ang mga sarili namin na magtiis. Pero dahil sa may kasama kaming bata, hindi pwedeng hindi kami makakuha ngayon.

-------

"So, do you have any plans?" ani Corinne. Napahinto naman sa ginagawa si Leila sa tanong nito.

"Plans for what?" untag niya rito. "You know, having a love life?" ani Corinne na ubod ng ngiti. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Leila. Halatang disgusto nito ang mga sinabi ng dalaga.

"Are you out of your mind, huh?!" halos pasigaw na nitong sabi. Binitiwan niya ang hawak-hawak niyang damit na isasampay sana at nagpamewang sa harap ni Corinne.

"Look, wala.akong.panahon.sa.mga.ganyan." she said with greeted teeth. Nagpipigil siya ng inis dahil sa isip niya, common sense! Paano niya pa naisip ang mga ganyan gayong ganito na nga ang nangyayari.

"Hey, chill lang. I'm just kidding. Please, don't take it seriously." pagdidipensa naman ni Corinne.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Leila at saka tinapunan ng bula mula sa pinaglabhan nila.

----------
Someone's POV

"Oh, please baby. Please keep still." patuloy kung sabi habang karga-karga siya.

"M-mommy." usal nito.

"Shh. Shhh. Please, wag ka na munang magsalita, okay? Malapit na tayo." usal ko habang umiiyak. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ang anak ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya. Diyos ko! Tulungan mo po ang anak ko.

Narating namin ang bahay at agad ko siyang ibinaba sa sofa. Binuksan ko ang cabinet at naghanap ng pang linis ng sugat niya at ng gamot.

Tumungo ako ng sala ngunit wala siya. "Honey! Honey!" tawag ko. Walang response. "Baby ko, andito na si mommy. Asan ka?" Nakarinig ako ng paglagabog sa bandang kusina. Tinungo ko ito.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita siyang naroroon.

"Honey." Nakatalikod siya sa akin.

Napakunot ako ng noo dahil hindi man lamang siya lumingon.

"Come here, lilinisin pa natin 'yang sugat mo." I called. Still, no response. I decided to come near to her. Para kasing hindi niya ko naririnig samantalang nakatayo lang din naman siya malapit sa table. Bitbit-bitbit nito ang headband na iniregalo ko sa kanya noong 5th birthday niya.

"Honey. Come o--" Natutop ko ang bibig ko ng humarap siya sa akin. Unti-unting tumulo ang luha ko. Hindi pwede. Hindi...


The Walker's Omnipotent EnigmaWhere stories live. Discover now