Chapter 3.1: A shocking news 1

45 2 0
                                        

Prrrrrt. Prrrrrrt. Prrrrrrrrrrt.

Brooom. Brooom.

Nagising ako sa ingay ng paligid. Nakarating na pala ko sa city.

Nag-unat muna ko sandali saka inayos ang mga dalahin ko.

*sigh*

Ito na ang totoong mundo. Malayo sa buhay-probinsya na pinanggalingan ko. Lots of work ang kailangan ko namang harapin.

Dali-dali akong bumaba ng bus. Isang nakakasilaw na sikat ng araw

ang sumalubong sakin.

Bitbit ang mga gamit ko,agad akong pumara ng taxi para pumunta sa apartment na tinitirhan ko.

Habang nasa biyahe,patuloy akong nagmamasid sa tanawin na nakikita ko mula sa bintanang sinasakyan ko.

Patuloy kong pinagmamasdan ang mga taong parito't-paroon. Mga taong nagtitinda sa sidewalk at mga taong busy sa mga kanya-kanya nilang ginagawa.

"Ma'am,dito na ho tayo." ani manong driver.

"Ah,bayad po."

Bumaba na ko ng taxi at nagpasalamat.

Agad kong binaba ang mga gamit ko sa sahig at dali-daling humiga sa kama. Mamaya nalang siguro paggising ko ayusin yung mga gamit ko. Namiss ko tong kwarto ko. Napalingon ako sa kabilang side ng kwarto ko at naroroon ang family picture namin. Napangiti ako. Hays,sobra ko na silang namimiss.

Kring. Kring. Krin-

"Hello?"

"Kateleen,kumusta na?"

Pagkarinig ko ng boses na yon,nakaramdam ako ng pangungulila. Namiss ko siya. May sumilay na ngiti sa aking labi kahit na hindi niya ko nakikita.

"Eto,ayos naman. Ikaw dyan? Kailan ka nga pala uuwi dito,ha?"

"Naku. Naku. To naman tong ate kong to oh..tsk. Malapit na. Matatapos na din tong semester."

"Ah.."

Patango-tango ako kahit hindi niya ako nakikita.

Pagkatapos ng pag-uusap namin sa telepono,sumalampak ang katawan ko sa kama at nakatulog.

--------------

Pumunta ako sa isa kong favorite coffee shop dito sa city. Habang nagkakape ay nagbabasa-basa ako ng magazine about sa mga fashion na trending ngayon.

*cough.cough*

Napalingon ako sa katabi kong table na napaubo.

Namumutla siya at mukhang may sakit.

"Excuse me,are you okay?" tanong ko. His looks is terribly sick.

"Ahem. Ayos lang ako."

Habang iwinawagayway niya yung kamay na nagsa-sign na okay lang siya at wag na kong mag-alala.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa magazine.

*cough.cough.cough*

Ibinaling ko ang tingin ko kung sino man yun umuubo at napansin kong halos lahat ng tao sa coffee shop ay umuubo at namumutla.

Uso ba ang ubo ngayon? Tsk.

Agad kong isinara ang magazine na binabasa ko at sinipat ang relo sa wrist ko. It's 10 am. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at iniwan ang pera na pambayad sa coffee.

Paglabas ko ng coffee shop,tiningnan ko ang buong paligid ko at napansin kong ang iba ay umuubo,namumutla at panay ang atsing.

Napailing nalang ako at dumiretso na sa trabaho ko.

The Walker's Omnipotent EnigmaWhere stories live. Discover now