Chapter 3.2: A shocking news 2

40 2 0
                                        

Pagpasok na pagpasok ko ng opisina ay agad na sumalubong sakin ang bestfriend kong si Corinne.

"Hey,have you heard the news?" untag niya. Tumingin siya sakin na parang hindi siya mapakali at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Nope?" tinignan ko sya ng may pagtataka kung ano man yon.

"Oh..tsk. Tara dito dali."

Agad niya kong hinila at pinaupo sa sofa.

Dali-dali niyang binuksan ang tv at...

"Nandirito tayo ngayon sa Medical Hospital na kung saan inyo hong nakikita ang parito't-paroon ng mga taong nasa likuran ko ngayon. Isang nakakahawang sakit ang kumalat simula pa nung Lunes. Ayon sa mga doktor,mabilis ang pagkalat nito at hanggang sa ngayon ay patuloy parin sila sa pag-aaral kung ano ang naging sanhi nitong kumakalat na sakit...*cough.cough*ayon sa...*cough.cough.cough*"

Patuloy ang pag-ubo ng reporter at hanggang sa..

"Oh my,oh my...I need to take a break."

At nakita nalang naming dumugo ang ilong nito at patuloy siya sa pagiging hysterical niya saka nawala ang linya sa telebisyon.

Napahinga ako ng malalim at shock pa rin ako sa nakita ko.

Pinatay na ni Corinne ang tv at saka umupo sa tabi ko.

"What's happening?"

Untag ko. Tinignan ko sya. Nagbabakasakali na may mahanap akong sagot mula sa kanya.

Napayuko siya at umiling.

I can't see her expression.

"I don't know. I don't know either."

At pareho nalang kaming napatitig sa kawalan.

The Walker's Omnipotent EnigmaWhere stories live. Discover now