Chapter 11: The Marshall Residence

19 0 0
                                        

Author's note:

Hello fellas! Haruy..nakahinga na rin matapos ang madugong week namin. By the way, I would like to thank you all guys for keeping reading this one. I really appreciate it though I never really expected na may makakapansin nito dahil sa wala pang book cover to and then..duh! hindi naman talaga to kapansin-pansin. Pero...sobra-sobrang pasasalamat ko talaga sa mga bumabasa nito kahit na di kayo nagvo-vote or nag-cocomment,more important is..may nagbabasa nito. Almost 100 na rin ang reads nito. Yey! haha. Kampay-kampay!

I want to dedicate this chapter for my sis..who really,really push me to update here immediately at tapusin ko na daw dahil gusto niya ng mabasa ng buo. Well,thanks to you sis for encouraging me and pushing me..hahaha. lol. Actually,dapat talaga e..mas maaga pa ako nag-update ang kaso name-mental block ako. Di ko alam kung ano nang isusulat ko pero thanks talaga sa nabasa ko..naganahan akong magsulat. Tsk. Ang saya-saya. ^____^

Uy,ingay-ingay din kayo madlang watty. Naghahanap ako ng makakausap dito. haha. chos. Wala pa kasi talaga akong friend dito kaya sana..ahem. yung mga friendly dyan,HELLO!!

Hays..marami pa sana akong sasabihin kaso nakalimutan ko na. Di bale,ito na nga. Again,SIS..para sayo to..^_^

Enjoy!

Ingay. Ingay. Ingay.

loenorafirah

manyana

----------------

Kateleen's POV

Paglabas ng SUV ay sumalubong kaagad samin ang iilang bilang ng mga walkers na nakapalibot sa harap ng gate ng Marshall Residence. Agad na napukaw ang atensiyon ng mga walker sa amin. Mahigpit kong hinawakan ang dalawang espada na hawak ko. Nagtinginan kami ng mata sa mata ng mga kasama ko at saka kami sumugod.

Ipinag-cross ko ang espada habang tumatakbo at saka ko ito iniwaksi sa kasalubong kong walker. Sinaksak ko siya sa noo at kumaripas rito ang masaganang dugo dahilan para bumagsak ito.

Patuloy ako sa pakikipaglaban sa kanila ng biglang..

"Kateleen!" lumingon ako  sa likod saka ko sinaksak yung walker na handa na kong kagatin.

"Woah. Muntik na ko dun ah." I mumbled. "Thanks!" sigaw ko naman sa kanya.

Well,okay rin pala tong lalaking to. Thanks to him.

Tumakbo ako sa gate para buksan ito habang ang dalawa naman ay patuloy sa pakikipaglaban sa mga walker.

"Grr.Growl." agad akong inatake ng walker dahilan para pumaibabaw siya sakin at mabitawan ko ang sword na hawak ko. Malapit na ang bibig niya sa braso ko habang pinipigilan ko siya. Inilalayo ko ang bibig niya sakin habang inaabot ang sword na nasa paanan ko. Bumibilis na ng bumibilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba na baka makagat na ko.

Oh shit. Come on. Come on.

Malapit na malapit na ang bibig niya sa braso ko at unti-unti na ring humihina ang lakas ko dahil sa lakas na taglay niya. Napapikit nalang ako sa sobrang kaba at takot habang inaabot ko ang espada sa paanan ko.

Kunti nalang. Malapit na...

Amoy na amoy ko ang masangsang na amoy ng kanyang katawan. Agad kong ipinulupot ang isang braso ko sa kanya at saka kinuha ang espada at giniliitan sa leeg.

"Kateleen!" hangos na pagtawag niya sakin.

Hingal na hingal parin ako at nanginginig ang buong katawan ko ng lumapit siya sakin. Agad ko siyang niyakap at inalalayan niya ko sa pagtayo.

"Corinne.." untag ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Don't worry,I'm fine." sabi ko. Tumango nalang siya at saka ako kumalas sa pag-alalay niya sakin.

Dali-dali akong umakyat sa gate para mabuksan ito sa loob. Magaling ako sa akyatan dahil ito ang palagi naming ginagawa dito noon ng kapatid ko pag gusto naming tumakas sa mga katulong namin lalo na pag tanghali at ayaw naming matulog.

Madali ko naman narating ang kabila at walang pasubaling binuksan ito.

Agad namang pumasok si Corinne at si Rey na lulan ng SUV. Sinara ko agad ang gate dahil sa mga walker na papunta samin at tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Ang Marshall Residence...

Ang lugar na kinalakihan ko.

Tumambad sakin ang ayos nito back to three years ago. Hindi parin ito nagbabago. Suddenly,nakaramdam ako ng pangungulila.

"Hey,I'll just check if the doors are all close..you know,for safety." I just nod to him.

"Are you okay?" napalingon ako at bumungad sakin ang mukhang may pag-aalalang si Corinne."Yes."sabi ko. Niyakap niya ako at somehow,nakaramdam ako ng comfort. "You can tell me anything Kate..I'm here for you." tumango lang ako bilang pagtugon.

Third Person's POV

NAGKATIPON-TIPON ang tatlo sa kusina habang nilalantakan ang mumunting nakahain sa mesa.

"Hmm. This is so good." ani ni Corinne habang nakapikit pa at nginunguya ang kinakain. Waring ilang araw ng hindi nakakain.

"Heaven.." sabat naman ni Rey.

Pawang mga may sira sa utak ang dalawa na ninanamnam ang pagkain habang si Kateleen naman ay nawiwirduhang pinapanood lang sila.

Hindi magkamayaw ang dalawa sa mga pinagagawa nila hanggang sa napilitan na rin si Kateleen na makisama sa kanila. Iniisip niya,ienjoy nato dahil hindi nila alam kung may makakain pa ba sila sa mga susunod na araw dahil kumukunti nalang ang mga stock nilang pagkain dahil sa simula ng pumunta sila rito'y di parin sila umaalis. Ilang araw na rin silang namamalagi rito. Sa totoo lang,hindi niya rin alam kung hanggang kailan sila mamamalagi rito sa Marshall lalo pa't sa ngayon,ito ang pinaka-safe na maaari nilang pamalagian.

"Hey ladies,look what I've got here."sabay napalingon ang dalawa sa gawi ni Rey at sabay napalakpak sa hangin."Woah..tamang-tama." agad itong kinuha ni Corinne sa kamay ni Rey at saka nilapag ito sa mesa. Isang bote ng Beer ang nasa harap ngayon ni Kateleen at halos kating-kati na ang lalamunan nito na lagukin ang alak. Naghanda si Rey ng baso para sa kanila at isa-isa namang sinalinan ito ni Corinne at sabay kampay.

Patuloy parin sa kasiyahan ang tatlo habang ang dalawa naman ay langong-lango na sa alak na iniinom habang si Kateleen naman ay tuwang-tuwa na pinapanood ang kabaliwan ng dalawang magkasintahan. Inuunti-unti niya lang ang pag-inom kaya naman nakakatatlong shots palang siya at hindi pa tinatamaan ng alak. Hanggang sa..

Blag.

Bigla siyang napatda sa kinauupuan niya at agad na lumingon sa likod niya. Pinto ang nasa likod niya at ito ay patungo sa mini garden ng pamilya. "Hey Kate..join us!" sigaw ni Corinne kaya napabalik ang atensiyon niya sa dalawa. Binalewala niya ang tunog na narinig at ipinagpatuloy ang pag-inom niya ng biglang..

Blag.

Na naman?! sa isi-isip niya pero bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil sa narinig niya. Malakas parin ang senses niya dahil sa wala pa siyang tama habang ang dalawa naman ay patuloy parin sa ginagawa na pawang hindi narinig ang lagabog sa labas. Dali-dali niyang inubos ang laman ng baso."Excuse me guys, pupunta lang ako ng cr." sabi niya sa mga ito kahit na hindi naman talaga siya paroroon. Sinuklian lamang siya nito ng tango. Tumayo siya at kinuha ang espada na nakasabit sa gilid. Tinanggal niya ito sa lalagyan at hinawakan itong mabuti.

Habang papalapit siya sa pintuan, unti-unting humihina ang tawanan ng dalawa mula sa kinaroroonan niya. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung hininga at nagpatuloy sa paglapit sa pinto. Napalunok siya ng laway sa sobrang kaba. Bumilis ang tibok ng puso niya at napasinghap siya habang papalapit ng papalapit sa pinto. Hinawakan niya ang siradura habang ang isang kamay naman ay hawak ang espada na nakaamba sa kung sino man ang nasa likod nito. Nagpipigil siya ng hininga ng pinihit niya ang siradura at amba ng sasaksakin ito ng biglang..

"Oh,Jesus." naibulalas niya.

Muntik niya ng mapatay ang nasa likuran ng pintong iyon. Natutop niya ang bibig.

"Marley?!" Hindi makapaniwalang tanong niya at agad itong niyakap.

The Walker's Omnipotent EnigmaWhere stories live. Discover now