Chapter 25: Evidence

Start from the beginning
                                    

Pumasok kami sa loob at tumambad sa amin ang maraming tao. Sa gilid ay may Jollibee. Kaunti lang ang tao kaya doon na namin naisipang kumain. Hindi talaga ako mahilig sa fast food kaya lang dahil gutom na ako ay okay na rin.

"Saan tayo magbo-book ng hotel dito?" tanong ko kay Xander sabay kagat ng chicken.

"May kakilala ako rito. May iniwan siyang bahay kaya doon na lang daw muna tayo mamalagi. Wala naman daw gumagamit kaya pwede na muna tayo roon." aniya at tinangoan ko na lamang siya.

Hindi ko alam sa lalaking 'to. Desisyon nila 'to kaya wala akong magagawa. Wala naman akong alam sa lugar na 'to.

Napatingin naman ako sa gilid ng maramdamang may tumititig sa akin pero pagtingin ko ay wala namang taong nakatingin. Weird. Nagkibikit balikat na lamang ako at hindi iyon pinansin.

Namili kami ng mga gamit ni Xander pagkatapos ay lumabas na rin. Gusto ko nang magpahinga at matulog ng maayos sa malambot na kama! Magtatanong nga sana ako kung paano kami pupunta sa bahay na sinasabi ni Xander ng bigla na lang may kotseng tumigil sa harap namin. Akala ko kung ano, kakilala lang din pala ni Xander. Nagpapasundo.

"Ang dami mong kilala ah?" kuryuso kong tanong pagkapasok namin sa loob ng kotse.

"Naku, marami talagang kilala 'yang si Alexander." wika ni Kailer, kaibigan ni Xander. Nagkakilala na kami kanina.

"Hindi naman. Pasensya na talaga sa abala, Kailer." asik ni Xander.

Hindi ko na lang pinansin ang dalawa at tinuon na lamang ang titig sa daan. Nakaabot din kami sa bahay na sinasabi ng isa pang kakilala ni Xander. Hindi gaanong malaki na kagaya ng bahay namin pero okay na rin.

"Kung may problema, tawagan niyo lang ako. Una na ako Alexander!" sabi ni Kailer sabay sakay ng kanyang kotse. Nag wave na rin ako sa kaniya to bid good bye.

Pumasok kami sa loob ng bahay at tama nga rin ang sinabi ni Xander may susi ngang nakatago sa ilalim ng vase ng bulaklak. Hindi ko alam kung ba't iniiwan lang ang bahay na 'to tas ang susi ay nasa labas lang din. Madali lang itong manakawan.

"Magpahinga ka na sa taas, Xandra. May kwarto roon na kulay asul. Guest room daw nila iyon." ani Xander kaya bagot ko itong tinangoan at tumungo na lang sa itaas.

Tumambad sa akin ang kulay asul na pinto na nasa dulo ng pasilyo ng second floor. Pumasok ako at tumambad sa akin ang napakalinis na silid. Hindi gaanong kalakihan pero okay na okay na sa simpleng kwarto lang.

Ihinagis ko ang maliit na bag na dala ko sa kama at agad na humiga. Napanguso ako ng maramdaman ang malambot na tela sa aking likuran. Kahapon ko pa talaga gustong matulog ng maayos. Nahihilo rin ako dahil sa mahabang byahe. Ts, Hindi na talaga ako sasakay ulit ng bus lalo na kung ganoon kalayo ang biyahe!

Nagising ako ng maramdaman ang banayag na pag galaw ng kama. Napatingin ako sa bintana at nakitang gabi na.

"Kumain na tayo."

Napatingin naman ako sa gilid ng marinig ang boses ni Xander. Anong trip na lalaking 'to at nanggugulat?

"Buksan mo nga ang ilaw, Xander." utos ko at bumangon na rin.

Nang binuksan na niya ang ilaw ay doon ko napagtantong alas otso nap ala ng gabi. Mayroong, wall clock kasi sa itaas ng pinto. Ewan ko ba kung ba't diyan iyan nilagay.

"Hindi ka pa ba kumain? Sana umuna ka na lang." nguso ko ng makitang mukhang nagugutom na siya. Hindi niya ako sinagot at umiling lang.

Pagkababa namin ay nandoon na sa mesa ang pagkain. May steak at wine pa sa gilid. Aba! Hindi na lamang ako nagtanong kung anong nakain niya't ito ang kakainin namin ngayon dahil pakiramdam ko may malalim siyang iniisip.

Pero ng maramdaman kong ilang minuto na kaming tahimik na kumakain at wala man lang isang nagsasalita sa amin ay nagsalita na ako.

"M-May problema ba?" tanong ko sa kaniya sabay nguya ng pagkain. Uminom ako ng kaonting tubig bago siya tiningnan.

"W-Wala." tipid niyang sagot sabay iwas ng tingin sa akin.

I raise my brow in confusion. "Alam kong may problema, Xander. I know you. 'Wag mo akong lokohin." Seryoso kong sinabi sabay lapag ng tinidor at kutsilyo sa mesa.

Bumuntong-hininga lamang siya sa aking sinabi. Alam niyang wala siyang kawala sa akin.

"Tumawag ang d-dad mo.." huminto siya at nagda-dalawang isip pa kung itutuloy niya ba o hindi ang sasabihin. Pinandilatan ko siya, saying to spill it.

He sighed in defeat. "Tumawag ang dad mo at sinabing... pansamantalang nakakulong ngayon ang mga matataas na council ng underground society. Kasalukuyan ding pina-iimbestiga ang Apollo University." aniya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. W-what? Did I hear it right?

"Nakakulong? Pero b-bakit?" May halong pagkataka na ngayon sa aking boses.

Paano makukulong ang council kung ilang taon na namin silang minamanmanan at pilit pinapaimbestigahan. E, hindi nga namin magawang ipakulong sila eh dahil may kapit sila sa itaas at wala kaming sapat na ebidensya laban sa kanila! Depende na lang kung...

"They found proofs and evidence, Xandra. At sapat na iyon para ereklamo sila at dalhin sa korte ang kaso. Kung mapapatunayan ngang illegal ang mga ginagawa nilang transaksyon sa underground ay paniguradong mabigat na parusa ang maihahatol sa kanila." aniya na para bang nag-iingat ito sa kanyang sasabihin.

"Paano?" tanong ko. Ebidensya? Paano sila makakakuha ng ebidensya? And knowing them! Marami silang source and connections to pull a string kaya paanong nakakulong din sila ngayon?

Tumikhim siya bago ako sinagot. "S-Sa flashdrive na dinala mo, Xandra. Doon nila nakita ang ebidensya."

Gulat akong tumingin sa kaniya. Flashdrive?! Sa pagkaka-alam ko ay naiwan iyon sa loob ng kwarto ko sa dorm. Atsaka narinig ko si Kiero. Sinabi niyang kinuha niya iyon sa akin. How can it be? 

"P-Paano nila nakuha ang flash drive? Atsaka, sira na iyon!" asik ko. I am really sure hindi ko nadala ang flash drive pag-alis namin ni Xander sa university.

"Ang sabi ni boss ay nahulog daw ito sa damit mo ng paalis tayo sa agency. Kinuha iyon ni boss at pinatingnan. Ngayon, ay puring puri sila sa iyo dahil nakuha moa ng impormasyon na matagal na nilang gustong makuha." aniya. He's referring to my dad.

Napakagat naman ako ng labi ng aking inalala lahat nang nangyari. Pero wala talaga akong matandaan na dinala ko ang flash drive na 'yon! There's something wrong about here. Inalala ko lahat ng sinabi ni Kiero. Shit!

"Baka trap lang 'yon Xander! Hindi ko nakuha ang flash drive sa loob ng dorm. Wala akong dala pagkalabas natin ng university. Baka isa 'to sa plano ng underground!" asik ko. Nanggigil akong isipin na baka nga plano lang ito, trap para mapabagsak kami!

Umiling siya at sumandal sa kanyang upoan. "The agency can't be fooled, Xandra. Hindi 'yon trap. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nasa sa'yo ang flash drive na 'yon." aniya na ikinaisip ko rin.

Ipagpalagay na nating nandoon nga sa agency ang flash drive kung saan ko kinopya lahat ng files galing mismo sa laptop ni Kiero. Ang tanong, sino ang nagdala no'n? Ako? Pero, paano? Imposibleng nasa damit ko ang flash drive na iyon. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ni Kiero sa dorm na kinuha niya ang flash drive.

"Baka device lang 'yon ng kalaban Alexander. Masama ang kutob ko." giit ko at tinitigan siya.

Ramdam ko ang malalim na pag-iisip niya. Kaya pala siya wala sa sarili kanina. Well, ako rin naman! Hindi ako maniniwalang nasa agency nga ang evidence na 'yon dahil ako mismo ang nakarinig sa sinabi ni Kiero na nasa kaniya iyon. Hindi ako magkakamali!

Sinulyapan ko si Xander na nakakunot-noong nakayuko. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya. Pakiramdam ko'y hindi ko na rin alam ang totoo. Ngayon lang ako nagulohan ng ganito. I sighed and massage the bridge of my nose.

Kailangan kong gumawa ng paraan! Hindi pwedeng nandito lang ako at tutunganga lang. I need to help the agency! At baka trap lang 'yon. Kahit alam kong hindi kami ganoon ka close ni Dad, I still don't want to lose him. Siya na lang ang pamilya ko.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now