"Wow ten ah." sarkastiko na saad ni Troy.

"Asa'n yong pang sampo? Invisible?" dagdag pa niya. Yeah he don't have that patient.

"Makikilala niyo din siya not now but soon." ani Sir Sebastian.

"Tsk." si Troy.

Nagkibit balikat si Sir Sebastian. "Didiretsuhin ko na kayo, nandito kayo para mag-insayo." huminga muna ito ng malalim.

'Insayo? Para saan?'

"Sila ang Top 10 Imperials na mga nakatayo ngayon sa side niyo." napatingin naman ako sakanila, ang ilan ay mulang emosyon ang muka, ang ilan naman ay pangisi ngisi o ngiti?.

"Malay niyo, isa din sainyo ang papalit sa pwesto nila, 'yon ay kung mas mahusay kayo sakanila." parang nagmamayabang.

'Psh quizbee ba 'yan?'

"Ano namang gagawin namin sa posisyon na 'yan?" naguguluhang tanong ni Troy.

"Ayaw niyo no'n, magiging karespe-respeto kayo sa campus na 'yon?" tila nangisi ngisi na saad niya.

Hindi ako sang-ayon sa alok na 'yon, hindi naman respeto ang gusto namin kundi ang makalabas kami dito.

"Ayaw namin ng respeto ang tanging gusto lang namin ay makalabas sa lugar na 'to." seryusong ani ko pero tuwa ito.

"Didn't you get it? Hays Ms. Haise hindi ka talaga nakakaintindi, pinagbantaan ka na namin dati 'di ba?" pumalakpak ito ng tatlong beses.

Sa pagpalakpak na 'yon ay mabilis na umalis ang imperials at nagtungo kung saan.

"Ano bang gusto mo sa'min?!" hindi ko na kaya, na bwibwisit na ako.

"'Yan! 'yan ang gusto ko sayo Ms. Haise palaban ka, you look so interesting" tumawa ito.

"Fuck you!" si Troy.

Hindi kinibo ni Sir Sebastian si Troy at dinedma niya lang ito.

May kinuhang isang lalagyanan si Sir Sebastian at inilapag yon sa lamesa, binuksan niya ito.

Patalim....

at.....

Baril......

"Ano gusto niyong magamay?" nakangisi ito.

'Ano naman gagawin namin diyan? at bakit kailangan naming maginsayo?'

Andaming tanong mula sa isip ko uh.

"Anong gagawin namin diyan?" matatawang tanong ni Klein.

"Ikaw sa tingin mo? tutungangaan mo haggang sa pumalakpak sila?" natatawang saad ni Sir Sebastian.

"S'yempre gagamayin niyo." dagdag niya.

"For what? gagawin mo kaming mamamatay tao?" si Troy na nakaseryuso ang muka.

"Nope, maybe?"

"Anong klasing sagot 'yan?" sarkastiko kung sagot na parang natatawa pa.

"Just choose one, a gun or a knife?" halata sakanya na nagtitimpi siya sa galit.

Tumingin ako kay Troy at  nagtatanong ako kung anong dapat gawin.

Nagulat ako ng hablutin ni Troy ang patalim na nasa kahon.

"Troy! Ibaba mo 'yan!" saway ko pero hindi niya ako pinakinggan.

'Mamaya ka lang mukong ka, siguraduhin mong maganda ang rason mo, kung hindi sasapakin kita'

Mas nagulat pa ako ng hablutin ni Klein ang baril.

"Ano bang pumasok sa isip niyo?!" naiinis na baling ko sakanya.

"Just trust me." wika ni Troy.

Just trust me

Just trust me

Just trust me

Paulit ulit na nag e-eco sa utak ko ang sinabi ni Troy.

"Ms. Haise!" Hindi ko alam kong bakit ang lakas ng epekto niya saakin.

"Earth to Blair!" sigaw ni Klein.

Na preoccupied na naman ako. "Ah? Ano?!" pagpapalusot ko.

"Di ka pipili? sayang naman 'to,bibihira lang ang bigyan ko ng gan'tong insayo" ngingisi ngisi siya.

'Ano ba? patalim o baril?'

Hinablot ko ang patalim at tumingin ng diretso sa mata ni Sir Sebastian.

"Nice pick, follow me." wala kaming nagawa kundi sundan siya.

Hinawakan ako sa kamay ni Troy at ang higpit ng hawak na 'yon, kaya napatingin ako sakanya pero seryuso itong nakatingin kay Sir Sebastian.

Hinayaan ko na lang siya, napatingin naman ako sa gawi ni Klein.

Pinagmamasdan niya ang baril niya at parang manghang mangha siya, lol.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko pero hindi naman ito masasagot psh.

Para saan ba kasi itong insayong 'to? Ano ba ang balak ninyo Sir Sebastian at Madame Valerie, curiosity is killing me.

And nalilito ako sa sinabi niyang. "Bihira lang akong mag-alok." ako? ibig sabihin ba niyan na hindi alam ni Madame Valerie?

Binuksan niya ang pintuan at kita ko ang ilang tao na may hawak ng patalim at nag-iinsayo sila, kung hindi ako magkakamali sila ang top 10 imperials.

Nakita ko din dito kung gaano sila kabilis gumalaw, as in ang bilis nila gumalaw.

Iginala ko pa ang aking mata at nahagip ng dalawa kong mata si Shan, nakapagtataka wala naman siya sa top 10 imperials, bakit siya nandito?

'Hindi kaya siya si....'

Hindi mali ka Blair hindi ka sure sa iniisip mo.

"Ahh nga pala, before I leave, wala kayong klase ng hapon dahil dito kayo pupunta, sa umaga lang ang pasok niyo." si Sir Sebastian.

"Sir---" hindi natuloy ang sasabihin ng tinalikuran siya ni Sir Sebastian.

*Blag!*

Padabog niyang sinara ang pintuan ng room na ito.

"Troy ano na? Ganda ng plano mo" sarkastiko kong saad sakanya.

"I have a plan, so please...like I said trust me." nagkibit balikat na lang ako.

Mga pito kaming narito sa silid na ito ako si Troy, si Klein, si Shan, si Luci, si Andrea, may isang lalaki at babae na hindi ko kilala o nakita man lang sa A.D.I.

"So lets get started?" si Shan.


»ᴄᴏᴍᴍᴇɴᴛ?

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now