" mahal na reyna ipag paumanhin po ninyo pero sinasalakay po tayo ng mga kalaban sa pamununo ng inyong kapatid" nababalisang ulat sa kanya ng pinuno ng nga kawal.
alam ng reyna kung ano ang pakay ng kanyang kapatid kung bakit nito sinalakay ang palasyo yon ay para tapusin ang buhay ng kanyang anak na syang tutupad sa propisiya pag dating ng tamang panahon kaya naman agad nyang pinatawag ang zodiacs para pigilan ang kanyang kapatid sa masamang pinaplano nito.
ang zodiacs ay isang grupo ng mga mandirigma na binubuo ng labindalawang myembro sinanay sila para makipag laban at kabisado nila ang kanilang kakayahan, pati ang pagamit sa kanilang kapangyarihan, punapatawag lang sila kapag hindi kaya ng mga normal na kawal ang kanilang mga kalaban.
agad na nag tungo ang reyna sa silid kung saan naroroon ang kanyan limang buwang silang na sangol sobra ang ingay na nag mumula sa labas dulot ng digmaan kaya naman nagising ang sangol at umiyak dinala ng reyna ang kanyang anak at saka umupo sa kanyang trono napaliligiran naman sila ng mga kawal upang masiguro ang siguridad nilang mag ina.
maya-maya pa ay dumating ang kawal na tagapag ulat para ipaalam sa reyna kung ano na ang nangyayari sa labas, at kahit humahangos at kinakabahan ay pinilit nyang pakalmahin ang kanyang sarili dahil alam nya na reyna ang kanyang kaharap inilagay nya ang kanyang kanang kamay sa kanyang kaliwang dibdib tanda ng pagalang at saka nag salita.
" mawalang galang na po kamahalan pero sa tingin ko po ay hindi tayo mananalo sa digmaan na ito dahil sa sobrang lakas ng ating kalaban, at kahit ang magagaling na mandirigma ng zodiacs ay walang nagawa para pigilan ang inyong kapatid sa katunayan ang kalahati po sa kanilang myembro ay namatay na samantalang sugatan naman po ang natitirang mandirigma" ulat ng kawal sa kanyang reyna.
" ang asawa ko kumusta ang lagay nya?"
" paumanhin po pero kasama ng ibang mandirigma ay namatay sya sa gitna ng digmaan."
biglang bumigat ang pakiramdam ng reyna dahil sa mga impormasyon na kanyang nalaman hindi nya akalain na ganon kabilis matatalo ang ibang myembro ng zodiacs na kilala bilang magagaling at matatapang mandirigma, at kahit ang kanyang asawa na bihasa sa pagamit ng kapangyarihan ay natalo nadin kaya naman tumulo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa labis na pag dadalamhati alam nya na wala silang pag asa na manalo sa laban pero ang importante sa kanya ay ang buhay ng kanyang anak dahil ito lang ang may kakayahan para wakasan ang kadiliman.
may nabuong plano sa kanyang isipan para maligtas ang buhay ng kanyang anak kaya naman ipinatawag nya ang pinuno ng mga kawal, ang kaniyang ama at ang natitirang myembro ng zodiacs agad namang tumalima ang kawal para gawin ang iniutos ng kanyang reyna.
at nang makarating ang kanyang mga ipinatawag ay agad nyang ipinaliwanag ang nais nyang mangyari, ipinahawak nya ang kanyang anak sa kanyang ama at nang wala ang sangol sa kanyang kanlungan ay agad syang tumayo at nag salita.
" alam nating lahat na wala tayong pag asang manalo sa ating kalaban dahil taglay nila ang napakalakas na kapangyarihan ng kadiliman pero tinatangap ko ng buong puso ang ating pag katalo, hindi pa ito ang katapusan ng lahat dahil isang araw may isa na mag babalik para tapusin ang digmaan na matagal ng nang nasimulan" isa-isa nyang tiningnan ang anim sa natirang myembro ng zodiacs mahihina ang mga ito dahil sa sugat na natamo mula sa pakikipag laban dumako ang kanyang paningin sa pinuno ng mga kawal na kasalukuyang humahangos ng dahil sa matinding pagod.
" nais kong mag tungo kayo sa mundo ng mga tao kasama ng aking anak dahil kayo ang gagabay sa kanya at mag tuturo ng mga bagay na kailangan nyang malaman, doon ay siguradong ligtas kayo at hindi kayo mahahanap ng ating mga kalaban" paliwanag sa kanila ng reyna.
YOU ARE READING
The lost city (ONGOING)
Fantasyang ating mundo ay napaliligiran ng mga kakaibang hiwaga at misteryo, hindi lang tayo ang tao na nakatira sa mundong ito meron pang iba maaaring nakakasalamuha natin sila, nakakausap, nakakalaro at nakakasama sa pang araw-ara natin na pamumuhay maaa...
