24

34 1 0
                                    

"So sasakay kami sa iba't-ibang rides na para bang isang masayang pamilya habang kukuhanan mo ng pictures for your blog?" Tanong ni Coelth habang nakapila kami sa Grand Carousel habang ipinaliwanag ni Hail na kailangan niya ng isang pamilya at couple na pwedeng maging subject niya for his blog.

"My blog will revolve around where to take your family or your special someone." Malawak ang ngiti naman ni Hail na tumango "If you're fine with it." He shrugged "Wala akong mahanap na pwede kong kuhanan ng litrato kung mayroon man ay ipinagtatabuyan ako." Malungkot nitong saad na halatang-halata na napagod ito "Kaya noong nakita kita at may mga kasama ay hindi na ako nag-dalawang isip pa." May bahid ng pag-asa ang mga mata nito

Turns out they're friends because of their love for photography. Pinaliwanag rin nito dito na hindi kami isang pamilya nang sabihin nito na lumapit ito sa amin di dahil sa nakita niya agad si Coelth kung hindi dahil akala niya ay isa kaming pamilya at tila ba parang may kumirot sa puso ko nang itanggi niya ang talaga namang hindi totoo

Tinapik naman ni Coelth and balikat nito at tumgin sa gawi ko na tila ba humihingi ng permiso

Nakangiti ko siyang tinignan "It's fine." sabi ko na lamang dahil sa awang nadarama para sa kanyang kaibigan.

Nagliwanag naman ang mga mata ni Hail ngunit agad namang tumingin sa kanya ng seryoso si Coelth

"Game. Basta hindi muna sa carousel sa ibang rides ako sasama." Binalik nito ang tingin sa kaibigan na naging dahilan ng pagkakagatla ng noo nito

"Why?" Tanong niya gayon din ako

Inirapan lang siya ni Coelth "Sasakay ako wag lang sa carousel." Makahulugan niyang tinignan ang kaibigan at mariing hinawakan ang cellphone sa kamay at tila ba nakuha naman agad ng isa ang ipinahihiwatig ng kaibigan.

Nawala ang kunot ng noo ni Hail at at malapad na ngumiti "Sige pre."

Kaya sa huli ay kaming dalawa lang ni Aza ang sumakay sa Carousel. Dalawa kami sa isang kabayo dahil baka mahulog pa ito at mapatay pa ako ng ama niya.

Nagsimula nang umikot ang makina at magtaas baba ang mga kabayo. Humahagikgik naman si Aza tuwing bababa ang kabayo.

"Enjoying baby?" Tanong ko rito ngunit sabay kaming napalingon nang may tumawag sa amin

"Aza! Seila!" Itinaas ni Coelth ang kanang kamay at mabilis na ini-anggulo ang camera na dala ni Hail

Agad namang ngumiti si Aza nang mamamataan ang camera habang ako naman ay agad na lumapit sa kanyang pisngi upang halikan siya roon.

"Tubig?" Iniabot ni HD sa akin ang isang bote ng mineral water nang matapos ang ride. Tinanggap ko iyon saka agad ring binuksan at lumuhoo upang painumin si Azaiah.

Agad namang uminom ang bata at nang mapangalahati nito ang bote ay ibinigay na niya sa akin iyon. Bumalik ako sa pagkakatayo at hinawakan sa kamay ang bata habang pinalinga-linga ang mga mata

"Hayun at bumibili ng ice cream." Turo naman ni Hail sa stall ng ice cream nang mapansing malikot ang aking mga mata. At naroon nga ang magaling nalalaki at nakapila

Napalatak naman ito na ikinalingon ko "He's got it bad." Ngumiwi ito "I remember the things he does for you." Bahagya na itong ngumit nang lumingon sa akin

"Things he do?" Talhang tanong ko ngunit umiling lang si Hail at tumingala na tila ba inaalala lahat ng nangyari

"I met that guy when he transferred to the school I attended. Magka-org kami and we became friends immediately." Kwento nito na pinipigilan ang tawa na para bang isang katawa-tawang bagay ang pagkakakilala nila
"Nalasing yan nung nagparty kami and then he spilled the beans." Tumikhim naman ito

"By the beans you mean everything right?" Umaasang tanong ko at nakita ko ang bahagyang pagtango niya "Do you know his reasons?" Nanggigilid na tanong ko

Handa na sana akong makinig nang biglang kumawala si Aza sa kamay ko at tumakbo. Akma akong tatakbo pasunod rito nang hilahin ni Hail ang balikat ko at inginuso ang pinuntahan ng bata.

Hayun ito at sinalubong si Coelth nammay dalang tig-dalawang cone ng ice cream sa kanyang kamay

"Chill." Anito nang bumalik ako sa tabi nito

"Alam ko ang patutunguhan ng pagtatanong mo, Subezado pero hindi ako ang taong dapat sumagot ng katanungan mo."

Inalis na nito ang kamay sa aking balikat at pareho kaming nakatingin kay Azaiah at Coelth na kung hindi mo kilala ay mapagkakamalan mo nga talagang mag-ama

"Ang dapat sumasagot sa tanong ay ang taong siyang gumawa ng katanungan sa isipan mo." Anito at lumapit na sa dalawa kaya agad naman akong sumunod sa kanila

Nang makalapit ay nasa kamay na ni Azaiah ang isang strawberry flavored ice cream.

"Vanilla." Iniabot naman nito sa akin ang vanilla ice cream na agad ko pinadaan sa dila ko. "Cookies and Cream" inabot naman nito ang isa pang cone kay Hail na agad naman nitong kinuha

"Libre ba to?" Minataan naman siya ni Hail na parang sinusuri kung libre nga ba o hindi

"Buraot ka pa rin HD. Ang yaman-yaman mo pero ang kuri-kuripot mo." Ngiwing sagot ni Coeth na ikina-bulanghit ng tawa ng isa

"Sa tingin mo paano ako magiging mayaman kung hindi ako magiging kuripot?" Ganti nito natatawa pa rin habang tinitikman ang ice cream

Inirapan lang siya ni Coelth at bumaling sa akin. "Chocolate." Anito na para bang sinasabi na mas masarap ang chocolate habang itinataas ang ice cream niya na para bang nakikipag-toast

Napangiti ako ng bahagya at pinagtama ang tungki ng mga ice cream namin kahit na natikman ko na ang akin at ang kanya naman ay hindi pa

"Mas masarap ang vanilla." Pilit ko

Akala ko ay makikipag-talo pa ito sa kung ano ang mas masarap ngunit mali ang inaakala ko nang bigla ay dumukwang ito at tinikman ang ice cream ko at bahagya pang nalagyan ang matangos nitong ilong ng vanilla ice cream.

"Mas masarap ka." Ngumisi ito at dinilaan ang ice cream niya sa senswal na paraan

"Hoi SPG kayo!" Sigaw naman ng nakikinig na si Hail habang tinatakpan ang mga mata ni Azaiah na nakakabit pa rin ang dila sa ice cream.

Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now