51

15 0 0
                                    


"Andito siya. Kung gusto mo pang makita ang pinakamamahal mo pumunta ka rito." Ani ng isang boses di kalayuan sa akin.

Unti-unting nagising ang diwa ko sa ingay ng kausap nito sa kabilang linya. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at agad na binalot ng kadiliman ang paligid. Sa harap ko ay isang mesang pinalilibutan ng tatlong tao.

"Anong kailangan niyo?" Malumanay ngunit may diing sambit ng nasa kabilang linya.

Ibinato ng lalaking kausap sa isang tauhang naka-bonnet ang teleponong masasabi kong akin. "Kausapin mo 'yan" utos nito bago humakbang papunta sa akin.

I looked at the guy with loathe. But then he looked at me with eyes glaring.

Putangina tulong! Ang papangit ng kumidnap sa akin! Ayaw nila mag-face reveal.

"Tangina sino ba kayo?" Lakas loob kong tanong. Agad na namulagat ang mga mata noong lalaking lumapit sa akin.

Hindi ako nito pinansin kaya sumigaw nalang ako nang sumigaw. "Tangina kung sino ka mang kausap nitong mga 'to sumunod ka nalang deputa."

"Hindi ka ba natatakot ha?" Maktol ng laaking naghagis ng smartphone ko. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at sinagot " Palitan mo ng iphone 12 pro max 'yung smartphone ko pag hindi nasalo ng lampa mong tauhan yan ha? Gusto ko yung hindi dumihin. Tas bumili ka na rin ng magsafe." Hasik ko rito nang mahina.

The bastard just chuckled.
"Asaan si Azaiah at Azrich?" Sigaw ko
Walang sumagot sa akin bagkus kumapit sa akin ang tauhang hawak ang smartphone ko.

"Tarantado ka pag 'yan nabagsak mo ikaw ibabagsak ko." Nais ko sana siyang iduro ngunit nakatali ang mga kamay ko.

Ngumisi ito. Kita sa butas ng kanilang bonnet ang kanilang mga mata at labi.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ng isa pang-tauhang iba sa may hawak ng aking smartphone at 'yong lumapit sa akin.

Tinaasan ko ito ng kilay at nginisian.

Napako ang tingin ko sa aking teleponong hawak ng isa sa kanila.

Lumayo ito habang kausap ang nasa telepono.

Coelth's POV

When she asked me to stop I obeyed her request. Pero hindi naman niya sinabing hindi ko siya puwedeng sundan kung saan man siya pupunta. But heck I know she'd be watching me go kaya pinili kong umalis sa kanyang paningin.

Little did she know na may isang kanto roon na maari kong pagtaguan. Nakita ko siyang sumakay sa isang SUV na kulay puti. Sinundan ko kung saan ito pupunta hanggang sa huminto ito sa isang bahay na may European design. Habang ako naman ay pumarada sa hindi kalayuan.

Nauna siyang bumaba at sumunod ang mag-amang Azaiah at Azrich.

I felt a pang of jealousy seeing them like a happy family but I shrugged it off and stayed in my car. But what's more important is what are they doing here?

It's been three hours since they went inside and I received a call from her.

"Bub? Where are you?" I asked and acted to be clueless.

May umubo sa kabilang linya.
"Bub? Bobo andito siya." Lalaki ang sumagot pero hindi boses ni Azrich iyon

"Kasama niya ang mag-amang Azaiah at Azrich." Paliwanag pa nito.

Unti-unting gumapang ang kaba ko sa katawan.

What a great surprise.

"Anong kailangan niyo?"

Mula sa background ay naririnig ang mga mura ni Seila. Napakalutong.

Unti-unting humina ang mga daing ni Seila. Malamang ay lumayo ang kausap ko.

"Andito sila. Kung gusto mo pang abutan silang buhay pumunta ka sa address na ito." Anang isang boses ng babae. Siguro ay isa pang kasaman ng kausap ko kanina.

Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan sa harap ng bahay na iyon dahil iyon ang address na sinabi sa akin ng babae kanina bago nito patayin ang tawag.

Pagbaba ay agad kong tinungo ang gate nito na may pinapalibutan ng mga halamang gumagapang. Lumikha ng nakangingilong tunog ang mga bakal nito nang buksan ko ito.

Wala akong sinayang na oras at tinungo ang pinto nito. Dahan-dahan ko itong binuksan at binati ako ng matinding kadiliman.

Sa unang paghakbang ko ay bumukas ang mga ilaw at nanghina ako sa aking nasilayan.

Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now