3

51 7 0
                                    

Hilong-hilo ako habang nasa gitna ng dancefloor.

kahit na gegewang-gewang ay pinilit kong pumunta sa washroom kahit na maraming tao sa dancefloor dahil kasalukuyang inaagaw nina Shanielle at Jiandra ang mata ng karamihan dahil sinasasayaw ng mga ito ang 'The Eve' ng EXO.

marami akong nakakabunggo habang naglalakad nang biglang may babaeng biglang nakatulak sa akin. Akma itong lalapitan nang biglang may humablot sa akin dahilan para mahulog ang clutch ko at magdalawa ang paningin ko

"Tsk" Sabi noong nanghila sa akin

uupo na sana ako upang kuhanin ang clutch ko ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo kaya napahawak ako sa aking sentido.

umupo bigla ang sa tingin ko ay nanghablot sa akin at kinuha iyon para sa akin.

hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa kalasingan at sa iba-ibang ilaw na gumagala sa kabuuan ng lugar.

Wala sa oras akong napasinghap nang bigla itong lumapit at bumulong sa tainga ko

"Mag-ingat ka" he said huskily but mixed with irritation

Sa sobrang lapit niya ay naamoy ko ang pabango nito.

Hindi ko alam kung epekto ba ng alak sa akong katawan ang isipin na pamilyar ang amoy niya.

Lumayo ito sa akin at iniabot ang clutch ko. Nagpatuloy na akong maglakad at mabunggo ng tao papuntang washroom nang makuha ko ang clutch ko.

Nang makapasok ako sa washroom ay agad akong nag-ayos ng mukha at ng buhok.

Umakyat ako ng dahan-dahan papunta sa table namin. Nang makarating ako sa itaas ay nakita kong nakatanaw si kuya sa ibaba.

Lumapit ako rito at tinapik ang balikat nito. "Woi"

Lumingon ito sa akin at agad na pinasadahan ako ng tingin

"Susumbong kita kay Mama suot-suot ka pa ng backless tapos v neck na malalim." Pananakot nito sa akin

Umirap lang ako "Geez I'm already on my thirties." Pumunta ako sa table at nagsalin ng panibagong inumin.

Tumabi ako rito at pinasadahan siya ng tingin. Nakasuot ito ng black dress shirt na narolyo ang manggas hanggang sa kanyang siko at naka-tuck in sa pants at pares safety shoes. Mayroon rin itong silver watch na suot.

"Kagagaling ko lang sa site." Nakatingin sa dance floor niyang sabi

Agad naman akong napaismid sa kanyang kasinungalingan.

"Sabi mo eh" ininom ko ang laman ng baso ko sa isang lagok lang

Umirap ito "Wag kang magpapakalasing masyado." Tinapik niya ang noo ko saka inilagay ang baso sa table namin at bumaba na.

Napailing nalang ako at nagsalin na naman ako ng panibagong inumin. Naalala ko na naman ang lalaking humablot sa akin.

Nang pakiramdam ko ay masyado na akong loner ay bumaba na uli ako roon upang makita sina Reia na tawa nang tawa sa pag-renegade ni Nicrina.

"Oh Seila san ka galing?" Inakbayan ako ni Queah na katulad ko ay lasing na rin

Hindi ko ito pinansin at tumalon na lang sa kanta skaa iyon sinabayan. Tuluyan ko nang hinayaan ang alak na kontrolin ang aking sistema
——————
"Taena eto na sinasabi ko eh" anang isang tinig

Nanatili akong nakapikit ngunit nakikinig pa rin.

"Sei" tinusok nito ang tagiliran ko
Napakislot ako "mmm?"
"Lasing ka na sis." Anang isa pang tinig

Binuksan ko ang isa kong mata "Madi." Ipinikit kong muli iyon

"See? Nag-e-alien words isya pag lasing" reklamo ng sa tingin ko ay si Reia

Bahagya kong binuksan ang mga mata ko at nakitang nakapamaywang ito at naiiling

"Kaya mo pa?" Boses ni Shanielle

"Wen" sagot ko rito at sinubukang umupo

"Sige na Yelle ako nang bahala sa nayupak na to" iniakbay ni Reia ang braso ko sa kanyang balikat.

"Buti nalang magaan kang leche ka." Aniya nang maisakay ako sa likod ng sasakyan saka lumabas para pumunta sa driver's seat

"Wag kang susuka!" Babala niya nang paandarin nito ang sasakyan

Gusto ko sanang sumagot ngunit nang maglandas ang likod ko at ang upuan ay para akong dinalaw bigla ng antok.

Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now