17

18 15 0
                                    


"Ang ganda ng ngiti mo ah," Bungad ni kuya Webber ng isang beses madatnan ko siya sa kusina.

"Maganda lang ang gising,"

"yan nga ba ang rason?" napataas ang kilay ni kuya. Umupo ako sa hapag kainan. "Balita ko nakauwi na si Rosie," napatingin ako sakaniya at ngumisi.

"Siya ang engineer ko sa gagawing bahay niya," pagmamalaki ko.

"Woah!" hindi makapaniwalang reaksyon ni kuya. "Kaya naman pala mukhang inlove ka nanaman,"

"Hindi naglaho yung nararamdaman ko. Sadyang nawalan lang ako ng pag-asa,"

"may pag-asa ka naman kaya ngayon?"

"Suprtahan mo nalang ako, ano ba!" singhal ko sakaniya.

Dahil sa sinabi ni kuya naisip ko din kung may pag-asa nga ba talaga ako. Pano kung may boyfriend na siya o fiancé o baka kasal na siya. hays.

Itatanong ko nalang. Wala namang masama kung magtatanong.

Walang sinabi si Rosie tungkol sa detalyeng gusto niya para sa bahay na pinapagawa niya. Pero inumpisahan ko ng gumawa ng mga layouts. Dalawang disensyo palang ang nagawa ko. Parehas na dalawang palapag. Balak ko gumawa ng 10 designs na magkakaiba ng estilo para kung sakaling may hindi siya nagustuhang disenyo ay maraming pagpipilian o di kaya'y siya mismo ang magbabahagi ng gusto niyang estilo.

Araw-araw ganado ako sa pagttrabaho. Hindi din ako nauubusan ng creative juices sa paggawa, hindi biro ang paggawa ng 10 disenyo ng bahay sa loob ng isang linggo.

Talagang inalay ko ang buong oras ko sa paggawa. Ayokong mapahiya kay Rosie. Kaya ginawa ko ang lahat.

Ngayon ko ipapakita ang designs sakniya kaya naman excited na akong ipakita ito sakniya. Pero mas higit ako nasasabik na Makita siya.

At hindi na ako magsasayang ng panahon ngayon. Dahil sa hinaba haba ng taong lumipas, hindi padin nagbago ang tunay kong nararamdaman sakaniya. Lalo lang itong lumala nong huli ko siyang nakita dahil nagsibol ang pag-asa at saya sa aking puso.

Agad kong dinampot ang cellphone ko at nag compose ng message para sa kaniya.

To Bansot:

I have the designs now. Let's meet sa Tahanan Restaurant near Dmall. Send me your available time para madiscuss to. See you.

Gaya ng dati. Ganon padin ang pinangalan ko kay Rosie sa Contacts ko. Bansot ang tawag sakaniya ng mga pinsan niya dahil nung bata pa daw siya lagi siyang umiihi ng tulog gigising ng mapanghi kaya naman nakasanayan ko din ang pagtawag ng ganon sakaniya. Hindi naman siya nagpprotesta dahil nasanay na siya. Nakakatuwang magbaliktanaw.

Hindi ko mapigilang manabik.

____________________________________________________________________________________

ROSIE (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα