2

53 22 0
                                    


Kasalukuyang naglalakad ako sa pagitan ng mga bookshelves. Tinitignan ang mga nakahilerang libro. Pocket books ang hilig kong basahin, at hindi tong mga nandito sa shelves, pero natutuwa ako pag nakakakita ako ng librong maayos na nakasalampak sa malalaking bookshelves.

Nasa history section ako, at nakita kong may kulang na libro. Hindi ko saulo ang mga libro dito sa library sa school, pero may space kase kaya nasabi kong may kulang.

Habang tinitignan ko ang blangkong espasyo sa bookshelves, biglang may kumuha ng libro sa kabilang parte ng bookshelf saktong sa tapat ng space. Kaya tinignan ko kung sino ang kumuha.

Napatulala ako sa babaeng kumuha ng libro. Bookshelf ang nasa pagitan namin. Sinusuri niya ang libro kaya nakasideview siya sa harap ko.

Matangos na ilong, makinis na mukha, katamtamang haba ng pilikmata, at hindi ko Makita kung hanggang saan ang haba ng kanyang buhok dahil naharangan ng bookshelf.

"Araay," mahinang reaksyon ko sa paghampas ng libro sa balikat ko.

"Bat tulala ka jan ha?" Sabi ni Rosie. Bestfriend ko. Binalik ko ang tingin ko sa bookshelf kung saan ko nakita yung babae kanina. Andun padin siya. Buti nalang hindi pa siya umalis.

"Bat mo ba ko ginugulat. Pagtayo pinalabas ng librarian ha," singhal ko kay Rosie.

"kanina pa kita tinatawag. Ano bang tinitignan mo jan tots?" sabay tingin din sa tinitignan ko.

"anak ng...star-strucked ka boy?" binatukan ko naman siya ng slight dahil tinawanan niya ako.

Pagbalik ko ng tingin sa babae, bigla siyang lumingon sa gawi ko. Medyo nagulat siya pero bigla nalang siyang ngumiti, kaya napangiti din ako.

*dug dug dug dug

Napahawak ako sa dibdib ko, pipigilan ko ang puso kong lumabas sa dibdib ko. Grabe kung kumabog.

Binalik nung babae ung libro kaya hindi ko na siya nakita. Dahil natakpan na siya ng libro Haaaaaaaays.

"Alam mo, panira ka bansot!" bulalas ko kay Rosie.

"Alam mo, panira ka payatot!" panggagaya niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad papuntang table. "Si Ash yon. Section B yon." Napalingon ako sakaniya dahil sa sinabi niya. 

Hawak niya ang dibdib niya na parang hingal na hingal.

"Kaya pala ngayon ko lang nakita,"

Hindi naman sa pagmamayabang pero taga Star Section kami ni Rosie. Magkaiba ng building ang star secton sa ibang section. Hindi rin kami katulad ng ibang section na students move, pag star section teachers ang nagpapalipat lipat ng room. Bibihira lang din naming makasalamuha sa activities ang ibang sections kasi iniisip ng ibang sections na wala silang laban saming mga star section. Sa section namin. SHARE KO LANG.

Umupo kami sa table sa library, magrereview nalang kami dahil may quiz kami mamaya. Magkatabi kami ni Rosie at tutok na tutok siya sa pagbabasa ng lesson namin.

Plinay ko na ang Mozart playlist ko at nagumpisa na ding magbasa

Saglit lang kami nagreview dahil madali lang naman ang topic. Kaya nagkwentuhan nalang kami ni Rosie tungkol sa pinanood niyang series sa Netflix.

Hindi niya matapos tapos ang isang sentence sa pagkkwento dahil hingal na hingal siya. Hindi na ako nag abalang tanungin dahil baka tinakbo niya ako papunta dito sa Library.

Nakikinig lang ako sa kwento na hindi naman ako interesado. Basta binigyan mo siya ng pagkakataong magsalita, hindi na yan titigil.

*buzzer

"nakakaiya kase tots napakatanga niya di niya pinansin yu-"

"yes!," pagputol ko sa kinukwento ni Rosie. Sinamaan naman ako ng tingin ni Rosie.

"itutuloy ko mamaya kala mo ha," binelatan ko nalang siya at nag ayos na ng gamit.

Pabalik na kami sa bulding namin.

At dahil nag buzzer na puno ng istudyante ang hallway.

"awww," nahulog ang mga gamit nung babae dahil nabangga ko. Yumuko yung babae at pinulot ang mga gamit niya.

"tulungan mo tange," sabay batok sakin ni Rosie.

Yumuko si Rosie para tumulong sa babae at Kaya ganon nalang din ang ginawa ko. Pinandilatan ako ni Rosie. Binigyan niya ako ng mag-sorry-ka-look. Kaya...

"Sorry miss," sabi ko habang inaabot sakaniya ang notebook nung babae. Nagangat ng tingin ang babae.

Napalingon ako kay Rosie na biglang tumayo na parang hirap na hirap. Hawak niya ang dibdib niya. Pero dahil nag thumbs-up siya sakin, inisip kong okey lang siya. Binalik ko ang tingin sa babae...

Si Ash

*dug dug dug dug

"Ah. Okey lang di kita napansin pasensya na," kinuha niya ang notebook niya tsaka ngumiti sakin. Natameme ako.

*dug dug dug dug

Ang puso ko...

"see you around," dagdag niya at tumakbo paalis.

Nakita ko ang magagandang ngiti ni Rosie sakin. Kasing bilis ng takbo ni Ash ang kabog ng dibdib ko.

Ang puso ko...

________________________________________________________________________________

ROSIE (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz