5

32 20 0
                                    


"ganda ng umaga natin ngayon ah," bungad sakin ni Rosie nung makapasok ako ng room namin. ginulo naman niya ang buhok ko, pero inayos ko agad.

"Ofcourse maganda ang tulog, maganda ang gising at maganda ang dahilan," ginulo ko din ang buhok niya.

"Hindi mo naman ako nireplyan kahapon. Hindi mo din sinagot tawag ko. Pinapapunta ka ni mommy sa bahay," umupo siya at ako sa upuan namin. "nahirapan tuloy ako magbitbit neto," turo niya sa isang box.

Nagulat ako sa nakita ko. Eto yung pinapabigay sakin ng daddy niya. Mga pocket books. Sige sabihin niyong bading ako. Mahilig lang talaga akong magbasa ng romantic stories. Pero hindi ako bading.

"thank you bansot," sabay yakap kay Rosie. 

"I can't breathe," Singhal niya. Pero yinakap ko pa siya ng todo.

Hindi ko mapigilan ang tuwa. Andaming libro. Kahit isang taon akong magkulong sa kwarto, okey lang.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Rosie nung humiwalay ako sa yakap. "Hoy bat ganyan mukha mo?

Bigla siyang umiwas ng tingin. Hinila ko naman ang box ng libro. Ang bigat naman pala neto. "aah...eh...t-tinawag mo k-kasi a-akong b-bansot. Mamaya s-sabihin nilang m-mabaho ako," nauutal niyang sagot kaya naman lumingon ako sakniya at tinitigan muna siya bago nagpakawala ng malalas na tawa. Hawak niya ang dibdib niya at sunod sunod na kumawala ng mga hangin.

"ang cute mo," yun nalang nasabi ko. Binatukan naman niya ako.

Dumating ang teacher namin kaya naman nanahimik na kami at nakinig nalang sa lecture nito.

Natapos ang klase para sa umaga kaya naman dali dali akong nagayos ng gamit at lumabas ng room. Bitbit ko ang mabigat na box ng libro. Ipapasok ko muna ito sa sasakyan ko para hindi makasagabal mamaya. Hindi ko na din nahintay si Rosie at agad akong tumakbo papuntang building ng mga lower sections.

Narinig ko pa ang mga tawag niya, pero hindi ko na pinansin. 

Naglakad ako sa floor ng year namin. sakto pagtapat ko sa isang pinto ng classroom nakita kong palabas na si Ash, kaya naman hinintay ko itong makalabas.

"Hi," bati niya sakin. At nagpaalam siya sa mga kaibigan niyang hindi siya sasabay sakanilang kumain. Agad naman siyang namula dahil sa panunukso ng mga kaibigan niya sakniya.

"sorry dun sa mga kaibigan ko. Hindi lang kase sila sanay na may iba akong kasabay na kakain," napakamot naman siya sa batok niya. Natawa ako sa reaksyon niya dahil pulang pula padin siya.

"Okey lang. sabay lang naman tayong kakain," lumingon siya sakin saglit at tumingin sa harap habang naglalakd. "unless bigyan mo ng malisya," bulong ko tenga niya. Bigla siyang humarap sakin at bakas ang gulat dahil sa sinabi ko. Lalo siyang namula pati tenga naiya namumula.

Ngumit ako at hinila ang kamay niya at nagumpisa ng maglakad papuntang canteen. Pinapupo ko siya sa table at nilapag ko ang bag ko

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sakaniya.

"anything. Same nalang sa oorderin mo," naiilang niyang sagot.

"okey. Dito ka lang," ngumiti muna ako sakniya at dumeretso sa counter. Nagorder ako ng sinigang na baboy dahil sabi niya sakin nung isang araw paborito daw niya to.

Ganon nalang ang lawak ng ngiti ko ng Makita ko si Ash na nakangiting naghihintay sakin sa table naming. Kaya naman minadali ko ang paglalakad dahil gutom na din ako. Tumabi ako sakaniya at nilagay sa harap niya ang pagkain niya.

"naks, alam ang favorite ko ah," nakangiti niyang sabi sakin. Ngiti nalang ang ginanti ko sakaniya dahil tuwang tuwa akong kasabay ko siya ngayong kumakain.

"Kumain ka ng marami," sabi ko hanggang sumusubo siya ng pagkain niya. Hindi ko matanggal ang tingin ko sakniya dahil kahit ngumunguya siya ng pagkain, ang ganda niya padin.

"kumain kana. Wag mo ako masyadong titigan hindi ka mabubusog kakatitig sakin," natawa naman ako sa sinabi niya.

"kaya nga hindi ko na magalaw yung pagkain ko dahil busog na ko," nanlaki ang mata niya sa gulat. Pero agad naman siyang ngumiti.

Sana naman bumenta ang punchline ko.

Nagulat ako ng biglang may nagbaba ng try ng pagkain sa harap namin.

"Hindi ko alam na kumakain kana pala ng sinigang," tinignan ko si Rosie at hindi siya nakatingin sakin kaya sinundan ko ang mga tingin niya, Ash siya nakatingin. Naiilang naman si Ash kaya napayuko nalang siya sa pagkain niya.

"Nung kelan ko lang nalaman na masarap pala ang sinigang," tulirong sagot kay Rosie. Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya

"makikiupo ha," sagot niya. Tumango ako at umupo naman siya.

"ah. Ash, si Rosie, bestfriend ko. Rosie si Ash,"

"bagong friend?" hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay kumain na ako. At nakita ko naming kumakain na si Ash.

Kumakain na din si Rosie. Napatingin naman siya sakin at ngumiti. Kaya naman ngumiti din ako. Ayokong isipin niyang naiilang ako sa sitwasyon naming.

Nang matapos ako sa pagkain. Nakita kong tapos na din si Ash. Agad naman siyang tumayo at nagpaalam.

"Hatid na kita," presenta ko. Tumingin siya sakin tsaka kay Rosie. "Rosie, hated natin siya," baling k okay Rosie. Tumango naman siya kaya naman naglakad na kami. Magkatabi kaming naglalakad ni Ash papunta sa building nila. Nang matapatan naming ang room nila, humarap siya sakin.

"Thank you sa lunch at paghatid," nakangiti niyang sinabi yon. Kaya naman napangiti nadin ako.

"Wag kang magpasalamat may next time pa," kinindatan ko siya at natawa naman siya.

"One na baka malate tayo," biglang singit ni Rosie. Kaya naman nagpaalam naman ako kay Ash at umalis na.

Ang bitter naman ng isang to.

"Ang sungit mo naman," sabi ko kay Rosie. Tinignan niya ako at inirapan. May PMS ata to.

"hindi ka naman ganyan eh. Iniwan moko sa room. Tinatawag kita habang tumatakbo ka, hindi mo man lang ako pinansin. Halos mamatay ako kakatakbo at sigaw sayo. Tapos makikita kitang may kasamang iba habang naglulunch sa canteen," bulalas niya. Hindi ko alam kung ano ang irereaksyon ko. Kaya naman tumawa ako at inakbayan siya.

"nagtatampo nanaman ang bansot ko," hinimas himas ko pa ang ulo niya.

"ano ba! Tigilan mo nga yang katatawag mo sakin ng bansot!" sigaw niya naikinagulat ko naman.

"Sorry na. Balak ko kaseng linagawan si Ash. Tulungan moko ha," agad naman siyang napalingon sakin, nakakunot ang noo.

"okey," sagot niya. Kumalas siya sa pagkaakbay ko at naunang nag lakad "kung hindi lang talaga kita mahal," bulong niya. Hindi pa siya nakakalayo kaya narinig ko.

Tsk tsk. Nagtatampo. Umiling iling nalang ako nag lakad hanggang sa nakarating ng room.

____________________________________________________________________________________

ROSIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now