14

23 16 0
                                    


Wala akong ginawa buong weekend. Nagmukmok lang sa kwarto at nag-isip. Sa dalawang araw kong pag-iisip, napagplanuhan kong umamin kay Rosie. Kung iisipin, madali lang. pero ngayon, mukhang mahihirapan akong gawin.

Andito ako sa school ngayon. Wala ng klase sapagkat tapos na ang final departmental test naming at narito ang ibang istudyante upang magpasa ng iba pa naming requirements sa ibang subjects namin.

Pero hindi para magpasa ng requirements ang ipinunta ko dito. Napasa ko na lahat ng kailangang ipasa. Nandito ako para magbakasakaling pumunta din dito si Rosie. Magbabakasakaling maka-usap ko siya tungkol sa nararamdaman ko. Sa nararamdaman niya.

Mag tatanghalian na pero wala akong nakitang Rosie. Kaya naisipan kong kumain muna sa canteen bakasakaling andun siya. pero nagkamali ako. Tinapos ko ang pagkain at nagikot sa school. Pinasok ang library, dumaan sa social hall, sumilip sa office ng mga clubs pero wala ni anino ni Rosie. Naalala ko bigla, para saan pa para pumunta ditto si Rosie eh wala na din naman siyang ipapasang requirements. Dahil tulad ko maagang magpasa si Rosie ng project. Siya ang nagsanay saking magpasa ng maaga. Napailing nalang ako sa naisip ko at dumeretso nalang ng classroom para kunin ang gamit ko.

"sabi ni Mam Gonza hindi siya makakaattend ng graduation," ani ni Mae. Kaklase kong nagsasalita papasok ng classroom.

"Imposible sis. Siya kaya ang Valedictorian natin," si Rica. Napataas ang kilay ko dahil sa narinig.

Si Rosie ang Valedictorian namin. Ako naman ang Salutatorian ng batch naming. Inanunsyo iyon samin nung Biyernes. Yung araw na nagkasagutan kami ni Rosie.

"Nako sis. Ngayon ang lipad non sa paalis ng Philippines. Duh," sabay irap. "Hindi ko alam kung bat nagmamadali yun. Pero sabi ni Mam dun niya daw ipagpapatuloy ang pagpapagaling niya. Baka dun na din mag-aral,"

Ipagpapatuloy ang pagpapagaling? Bakit? May hindi ba ako alam?

Lumabas na ako ng classroom. Lakad takbo ang ginawa ko patungo sa car park ng school. Nang makasakay ako, agad ko itong pinaandar. Iniisip ko ng saan ba dapat pumunta, sa bahay nila o sa airport. Wala akong alam sa mga narinig ko kanina lang. wala ding nabanggit sakin si Rosie patungkol dito. Hindi ko magawang makapag-isip ng tama.

Ang tanging alam ko lang ngayon ay nawalan na ako ng pagkakataong ipaalam ang tunay kong nararamdaman para sakaniya. Sinayang ko ang panahong magkasama kami para sabihin sakaniya ang totoo kong nararamdaman.

Nadatnan ko lang ang aking sarili sa tapat ng bahay nila Rosie.

"ROSIE!" sigaw ko

Nakailang tawag pa ko ng bumukas ang pinto ng bahay nila umaasang si Rosie ang makikita ko, pero nabigo ako. Isa sa mga katulong nila ang niluwa ng pintuan nila.

"nako hijo. Aba'y nahuli ka ata. Kanina pang umaga nakaluwas ng bansa sina Mam Rosie," ani ng katulong.

Tumalikod ako. Tila nalawan ako ng pag-asang Makita siya dahil sa nalaman ko. Ang tanging paraan nalang para makausap siya ay ang messenger niya. May kung anong sumibol na pag-asa mula sa puso ko dahil sa naisip ko.

Agad akong sumakay ng sasakyan at nilisan ang bahay nila Rosie. Umuwi ako sa bahay ng sagayon makapag-isip ako ng tama kung ano ang sasabihin.

Kinuha ko ang phone ko at dali daling sinearch ang pangalan ng Rosie sa messenger.

Walang lumabas. Baka mahina lang ang internet ko. Rinefresh ko paulit ulit. Pero walang lumabas. Kaya naman pinagtyagaan kong iscroll ang inbox para Makita ang pangalan ni Rosie. Hindi nagtagal ay nakita ko iyon. Agad kong binuksan. Pero ganon nalang ang gulat ko ng Makita ko ang..

You can't message or call them in this chat, and you won't receive their messages or calls.

Bigla akong nanlumo sa nakita ko.

Lahat ng social media accounts niya blocked ako.

Siguro nga nakatakda na talagang mangyari ito. Sapat na sigurong nalaman kong mahal niya din pala ako. Kahit hindi ko ipinabatid ang tunay kong nararamdaman sakniya. May kung anong saya din ang naidulot sakin nang malamang iisa lang ang nararamdaman namin.

Alam kong nasaktan ko siya. Kaya siguro pinutol niya lahat ng koneksyon na meron sa aming dalawa. Pero hindi ko siya masisisi. Dahil ako mismo ay nagkamali. Masyado akong naging duwag para umamin sakaniya. Masyado ko ding tinuon ang pansin ko kay Ash. Sakatunayan, matapos kong malaman ang tungkol sa pangagagamit ni Ash, hindi ako nakaramdam ng sakit. Marahil hindi pa ganon kamahal si Ash. Nasasapawan padin ng pagmamahal ko para kay Rosie.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo Rosie...

____________________________________________________________________________________

ROSIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now