3

46 21 0
                                    


Natapos ang klase namin sa araw na 'yon kaya umuwi na ako.

Dahil sa sinabi ni Ash kanina, din a siya natanggal sa isip ko. Hindi din nawawala ang ngiti sa labi ko.

To : Bansot

Tapos kana mag review? Usap tayo sot.

From: Bansot

Open ka messenger. Paexpired na ko

Agad-agad naman akong nag open ng messenger sa phone ko.

Sot

:Op?

Wala naman tayong mga assignments diba?

:Wala bakit?

ML tayo

:Lag ako

:tapos na pala ako sa proj naten sa Earth sci. Baka magpasa agad ako tom. SKL

Kanina lang binigay tapos mo na agad.

Hayp talaga.

Most punctual amp

:gawa kana din pasa tayo bukas

Send hehe

Seen. Anu ba naman yan. Andamot sa project niya. Kala mo naman maganda talaga ginawa niya.

Bago ako magbukas ng ML. Sinubukan kong hanapin si Ash sa facebook. Hindi naman ata ako mahihirapang hanapin siya, baka may mga mutual friends din kami.

Tnype ko ang Ash.

Andaming lumabas. Pero may nakakuha ng pansin ko.

Ash Ali Lopez

Natawa naman ako sa pangalan niya. Pwede naming Ashley nalang. Ash Ali HAHAH.

Inopen ko ang profile niya. Naka private ang account niya kaya Display profile niya lang at cover photo ang kita. Hays

"i-aadd ko ba?" tanong ko sa sarili ko. Dumapa ako sa higaan ko.

Ash Ali Lopez

+add friend|message

Ayoko ng mag aksaya ng oras. Kaya ianadd ko na siya.

Pumunta ako sa study tale ko para gawin ang project ko. Para sabay na kami ng bansot magpasa bukas. Binuksan ko ang laptop ko.

*ring ring

Rosie is requesting you to video call...

Kakabukas lang ng laptop ko eh. Bago ko sagutin, tinignan ko muna ang notifications ko sa phone ko kung naaccept na ko. Pero hindi pa.

Sinagot ko na ang VC ni bansot.

"Oy payatot!," nakadapa siya sa higaan niya ngayon.

"inadd ko pala si Ash sa facebook," nakangiti kong sabi kay Rosie.

"oh?" biglang nagbago ang reaction ng mukha niya. Hindi lang ako sigurado kung nagulat siya sa sinabi ko o hindi. "anyway, kaya nag vc ako kase may ipapakita ako sayo,"

"ano?"

Umalis siya sa kanina niyang pwesto. Bitbit niya ang laptop niya papunta sa...sa balcony ng kwarto niya.

"pikit ka tots. Bibilang ako ng tatlo tsaka mo ididilat yung mata mo ha,"

"anak ng...ang daming arte,"

"pumikit kana kase!"inirapan ako

"eto na...siguraduhin mong worth it yang iapapakita mo ha," at pumikit na ko

"1...2...3," at dumilat ako

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"holy..cow!"

May hawak siyang balikbayan box na puno ng libro.

"Pocket books! Pero English. Pinadala ni Daddy para sayo," Nakangiti niyang tugon.

Biglang nag ring ang notification ng facebook ko. Kaya chineck ko muna.

Shet. Inaccept na niya ako.

"Inaccept na ko ni Ash!" bigla naman akong napatayo sa inuupuan ko. At nakita kong nawala ang ngiti ni Rosie.

"Nino?"

"Si Ash. Inaccept ako,"

"aaaaaah. Goods yan," tumatango tangong sagot ni Rosie.

"Bat ang lungkot mo jan?" bumalik ako sa upuan ko. "Di kaba Masaya para sakin?" kunwaring nagtatampong tanong ko. Yinuko ko pa ulo ko para effective ang pagpapanggap ko.

"masaya...Masaya ako para sayo," sagot niya.

"Masaya ako, pag nakikita kitang Masaya," napaangat ang tingin ko sa screen ng laptop ko kung saan kita ko ang mukha niya. Nangaasar na ngiti ang pinakita ko sakaniya.

"Kaya mahal kita eh!" sagot ko.

"Mahal din naman kita," nakangiting sagot niya.

"Bilang kaibigan," sagot ko. At nawala ulit ang ngiti niya.

Tumango-tango siya "Bilang ka-ibigan,"

Biglang nag end call.

________________________________________________________________________________   

ROSIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now