15

18 15 0
                                    


"Hoyt, Weller Jay, Salutatorian!" Anunsiyo ng emcee sa graduation namin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinanaw ang magulang ko papalapit saakin. Abot langit ang mga ngiti na makikita sa mga mukha nila. Kitang kita ang saya, excitement at paghanga sakanilang mga mata. Agad akong bumeso sakanila bago umakyat ng entablado.

"thank you," paulit-ulit kong sabi sa mga importanteng tao na nasa entablado at paulit-ilit na nakipagkamay.

Agad sinuot saakin ni mom ang medal at ibinigay sakin ni dad ang certificate. Yinakap ko sila at nagpasalamat. At humarap sa dagat ng mga tao sa gymnasium ng school namin.

Nakakatuwang isipin na makitang Masaya para sakin ang mga taong nasa paligid ko ngayon. Hindi ko mapigilan luminga sa mga kklase ko sa pwesto ng mga parents, sa faculty members. Tila may hinahanap ang mga mata ko. Agad napawi ang mga ngiti sa labi ko ng mabigo ako sa sariling ginawa. Sabay sana tayong kukunin ang award ung nandito ka.

"Weller! Smile!" sigaw ni kuya sa harap sa baba ng entablado. Pumustura si kuya na kukuhaan kami ng picture. Kaya ngumiti ako kahit alam kong peke ito.

Hindi ako sumunod na bumaba sa entablado dahil ibabahagi ko pa sa lahat ang speech ko.

Inumpisahan ko sa pagbati ang aking speech. Tila talambuhay ang aking speech. Inalala lahat ng mga importanteng pangyayari na nagbigay skain ng aral sa loobng paaralan. Lahat ng pagkakataong nalate dahil nasobrahan ng tulog, umabsent dahil may tinatapos na project, nagcutting para kumain ay hindi nawala sa speech ko. Narinig ko ang mga halakhak ng mga nakikinig kaya pati ako ay natawa. Pero sa kabila ng mga kalokohang yon ay nagawa ko padin maging Salutatorian.

Lahat ng alala na meron ako sa paaralang ito si Rosie ang kasama kong binuo ito. Siya ang nagturo sakin ng napakaraming bagay na hindi magawang ituro ng mga guro. Kasama na don ang magmahal.

Tinapos ko ang speech ko sa pasasalamat sa mga guro, kapwa ko mag-aaral, sa aking magulang at sa aking mahal na kaibigan.

Humakbang ako pababa ng stage, namalayan ko nalang na tumutulo pala ang luha ko kaya agad ko itong pinahid. Alam kong maiintindihan ng lahat ang pagiging emosyonal ko sapagkat pagtatapos ito ng buhay namin sa highschool. Pero sadyang iba ang dahilan kung bakit patuloy lang sa pagtulo ang aking luha.

"Quinto, Rosie, Valedictorian," narinig ko ang palakpakan ng lahat. Humarap ako sa entablado, umaasang makikita ko siya. pero bigo ulit ako.

Pinaigting ko ang panga ko para mapigilan ang luha ko. Pero walang tawad ang aking mata sa pagpatuloy ng luhang lumalabas sa aking mata.

Walang nagpakitang Rosie. Walang tumanggap ng medalya at certificate niya. Nakakapanlumo.

Pagkatapos ng seremonyas ay nagkaroon ng salu-salo sa bahay. Kaming apat lang sa pamilya pero andaming pagkaing nakahanda.

"Where do you want to go to college?" tanong ni papa.

"Dito lang ako sa Pinas. Pagigising architect ang gusto ko. Nakapasa na ako sa prestihiyosong paaralan sa lungsod dad," nakangiting tugon ko. Sabay kaming pumasa ni Rosie. Pero hindi kami sabay na mag-aaral. Bumagsak ang balikat ko dahil sa naisip.

"Iba talaga ang talino na meron tong anak natin Jack at magandang kurso din ang iyong pinili" maligayang tugon ni mom. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Tumalino yan dahi kay Rosie mom. Haha," singit ni kuya. Kaya napalingon ako sakniya. "Si Rosie nagtatyagang turuan at sabayang magreview yan. Iba ang epekto ni Rosie jan,"

"Ikaw kaya magkaroon ng bestfriend na kasing talino ni Einstein, kaya pinagbuti ko na din no. nakakahiyang pumalya," nakangising sagot k okay kuya. Totoo, hindi naman ako matalino nung hindi pa kami magkaibigan. Iba talaga ang naging epekto sakin ni Rosie.

"Oo nga pala. Wala si Rosie. Why?" tanong ni mom. Kilala nila si Rosie dahil madalas siyang yayain ni mom pag umuuwi sila dito Pilipinas.

"Nag-aaral na siya. sa ibang bansa," hindi maitatanggi ang lungkot sa boses ko.

Natapos ang hapunan ng Masaya. Puno ng kwentuhan at biruan. Dahil minsan lang silang umuwi, sinulit na namin. sa makalawa, luluwas ulit sila ng bansa.

Pero hindi ko kayang itago ang lungkot na nararamdaman ng puso ko. Kahit anong saya, ramdam kong mayroong kulang...

Rosie.

____________________________________________________________________________________

ROSIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now