8

26 19 0
                                    

Hindi ko mapigilan ang tuwa. Parang kalian lang nakita ko lang siya sa library. At ngayon, kami na. hindi man ako pormal na nagtanong kung pwede akong manligaw sakniya. Pero mas hindi ko inaasahang iisa lang ang tinitibok ng puso namin.

Kasalukuyang magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Ash papasok sa restaurant na napagusapan naming ni Kuya Webber.

Sinalubong ako ng waiter. "reservation for?"

"Webber Hoyt,"agad niyang tinignan ang screen para hanapin ang reservation ni kuya

"come this way sir, ma'am." Hinatid niya kami sa uupuan namin. Wala pa si kuya at Rosie.

Napasapo ako sa noo ko ng marealize na hindi kop ala nasabihan si Rosie.

"What's the problem?" tanong sakin ni Ash. Hawak niya ang kamay ko na nakapatong sa hita niya.

"I forgot to invite Rosie."

"Then text her to come over."

Kukunin ko na sana ang phone ko sa bulsa ko pero nakita kong nagbukas ang pintuan ng entrance.

Tanaw na tanaw ko na parating si kuya kasama si Rosie.

"she's here na," bulong sakin ni Ash. Nginitian ko nalang siya at tuluyan kong kinuha ang phone ko at pinatong ito sa ibabaw ng table.

Tumayo kami ni Ash nang tumapat silang dalawa sa table namin. Bumeso si Ash kay kuya at kay Rosie.

"Hi Weller" pormal na bati sakin ni Rosie. Nginitian ko siya at akmang bebeso kaso bigla siyang umupo.

Naupo nalang din kami. Nakapag order na si Kuya at hinihintay nalang naming dumating ang mga pagkain.

"Introduce your girl Weller," pagbasag ni kuya sa katahimikan. Seryoso ang mukha ni kuya ganon din si Rosie. Kaya medyo nanuyo ang lalamunan ko sa kaba.

"This is Ash, my girlfriend. Ash this is my Kuya, Kuya Webber and I know you already knew Rosie," Pinigilan kong hindi mautal. At nagbigay ng magandang ngiti sa kanila.

Nakita ko namang naglahad ng kamay si Kuya at tinanggap yon ni Ash. "Nice to meet you Ash," maligayang tugon ni Kuya. Don ako nakahinga ng malalim dahil base sa reaksyon niya Masaya siya para sakin. Ngayon lang ako nakapagpakilala ng babae kay kuya, maliban kay Rosie na bestfriend ko.

Nagshake hands din si Ash at Rosie. Nakita kong hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rosie. Marahil hindi makapaniwala na kami na ni Ash. Hindi ko naikwento sakaniya dahil wala na kaming pagkakataon para magkapagusap.

"Kamusta studies nyo? Weller?" tanong ni kuya, lumingon din siya kay Rosie.

"Ganon padin. Dumoble ang requirements. Malapit na mag graduation, buti na nga lang nagtutulungan kami ni Ash," sabay lingon kay Ash. Ngumiti naman ito kaya ngumiti din ako. Inspirasyon ko.

"Kaya pala nakalimutan na ang kaibigan, dahil may ka-ibigan na," humagalpak naman si Kuya kakatawa matapos niya yon sabihin. Nakitawa nalang din ako at narinig kong tumatawa din si Ash.

Napalingon ako kay Rosie, hindi maipinta ang mukha niya.

"Busy din kase si Rosie sa research nila para sa Science Fair. Next next week na yon diba sot?" ganon padin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Uy bansot," nakita kong kinalabit ni kuya si Rosie kaya agad siya natauhan.

"Ha? Ano?"

"Next next week na Science Fair nyo diba?" paguulit ko sa tanong ko.

"Ah...Oo sa Iloilo gaganapin." sagot niya.

"Walang pasok yon. Lahat ata ng faculty members aattend ng Fair," sagot naman ni Ash.

"So, pwede pala tayong pumunta Ash. Panoorin natin presentation ni Rosie,"

"Kung balak niyong manood sumabay nalang kayo sakin. Ihahatid ko ang mga laruan para sa mga bata sa charity," sagot ni Kuya

"Hindi kami pwede ni Weller eh," biglang singit ni Ash. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"May family dinner kami. Dumating sila mom kaya balak ko sanang ipakilala si Weller," nakatingin lang ako sakniya habng sinasabi niya iyon kay Kuya at Rosie. Hindi ako makapaniwala na ipapakilala niya ako sa pamilya niya. Nakakataba ng puso.

"Well that's good," sabat ni kuya.

"Hindi naman importante yung presentation ko, kaya okey lang kung di ka manood Weller," bakas sa tono ng pananalita niya ang lungkot at panghihinayang. Pero alam ko naming naiintindihan ni Rosie. Kaya ayos lang.

Wala ng may nagsalita dahil nilalapag na ng waiter ang mga pagkain sa table namin.

Tuloy padin ang kwentuhan habang kumakain. Hindi nawawalan ng topic si Kuya. At naaaliw siya kay Ash dahil talagang mahilig makipag kwnetuhan si Ash.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ni Ash. Oo na, ambabaw na ng kaligayahan ko. Iba lang talaga epekto sakin nito dahil alam kong seryoso din si Ash sakin. Hindi ito ang unang beses akong nagmahal pero ngayon ko lang sinabi sa taong mahal ko ang nararamdaman ko.

Yung unang taong minahal ko, hindi alam ang tunay na nararamdaman ko para sakaniya, dahil bawal. Hindi pwede. Ayokong masira ang samahan na binuo naming. Yung pagkakaibigang binuo naming na napakaraming alaala. Natatakot akong pag inamin ko, baka maglaho lahat. Natatakot akong pag inamin ko, magbago siya. natatakot akong mawala siya sakin kung aamin ako. Kaya pinili kong huwag nalang. Kaya eto, sinubukan ko ulit magmahal.

Pero hindi magbabago ang pagmamahal ko sakaniya.

Rosie

____________________________________________________________________________________

ROSIE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon