9

30 19 2
                                    


Isang linggo na ang nagdaan simula nung pinakilala ako ni Ash sa mga magulang niya. Lalong tumaba ang puso ko nung nalaman kong tanggap ako ng magulang ni Ash. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Ash dahil tinutulungan ko siya sa studies niya kaya matataas na grades ang nakukuha niya.

Kakauwi ko lang galing sa date namin ni Ash. Hangga't may free time kami nagdadate kami. Pero kadalasan sabay kaming nagrereview, gumagawa ng assignments or projects. Buong atensyon ko umiikot nalang sa pag-aaral at kay Ash.

"kakauwi mo lang?" bungad ni kuya pagpasok ko sa kusina.

"Nagdate kami ni Ash," pumunta ako ng ref at kumuha ng Pitchel ng tubig.

"Baka naman pinapabayaan mo studies mo ha,"

"Tss. Sabay na nga kaming nagrereview eh," nagsalin ako ng tubig sa baso.

"Eh si Rosie?" ininom ko ang tubig sa baso. "balak ko sanang ligawan si Rosie eh,"

Nasamid ako sa sinabi ni kuya.

"Oh? Ayos ka lang," bigla namang lumapit sakin si kuya.

"Bat mo liligawan?" nagtatakang tanong ko.

"Bat naman hindi?"

"Hindi yon magpapaligaw," Kilala ko si Rosie. Andaming nagtakhang manligaw sakaniya. Walang sinoman ang inentertain niya. Kahit ang anak ng may ari ng DMall Chains hindi niya binigyan ng pagkakataon.

Mayron daw siyang hinihintay. Hindi niya nakwento sakin dahil hindi din daw siya sigurado kung parehas lang silang naghihintay. Makikilala ko din naman daw sa tamang panahon kaya hindi ko na pinilit na magkwento. Dahil don, nalaman kong wala akong pag-asa kay Rosie dahil meron ng taong nakalaan para sakaniya. Tsaka magkaibigan lang kami.

"Kilala ko yun. Hindi yon magpapaligaw dahil may hinihintay yon," dagdag ko

"Malay mo, ako pala yung hinihintay niya," natigilan ako sa sinabi ni Kuya. Nang nakarecover ako, tinawanan ko nalang siya.

"Don't waste your time. Andaming babae sa States," tinalikuran ko siya palabas ng kusina.

"Why? May Ash kana. For sure hindi mo na mahal si Rosie kasi mahal mo na ngayon si Ash," Tumigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Ipaubaya mo nalang sakin si Rosie. I really like her," umiling nalang ako.

"Kung talagang si Ash na mahal mo, suportahan moko para kay Rosie. Well, it's up to you." Nilampasan ako ni kuya. Dumeretso nalang ako sa kwarto.

Hindi pwedeng ligawan ni kuya si Rosie.

Hindi naman magpapaligaw si Rosie. Oo. Kilala ko si Rosie. Hindi siya magpapaligaw.

Bat ba masyado kong iniisip to. Dapat wala akong pake alam. Dapat suportahan ko nalang si Kuya. Tama. Susuportahan ko nalang si kuya.

Kahit ikadurog ko.

____________________________________________________________________________________

ROSIE (COMPLETED)Where stories live. Discover now