IWTS 24

1.8K 86 4
                                    

Chapter 24

Rhian’s POV

HINDI ko pinansin ang nagtatakang tingin nila Manang at Tita Joy. Basta lang akong umalis sa harapan ni JL dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatuon lang ang isip ko sa gusto kong gawin at ‘yon ay lumapit sa mahabang lamesa ng pagkain.

Well, I’m not Rhian if I will not tease JL.

Kumuha ako ng isang plato na nakahanda sa mahabang lamesa tapos ay lumapit ako sa mga nilagang itlog na nakahain. Ito talaga ‘yong kumuha sa atensyon ko e, hindi ko nga alam kung bakit may ganitong nakahanda dito. Maybe, nakatadhana ito para magamit ko. Evil laughed.

“Nagutom si Rhian sa confession mo, JL,” komento ni Mike na medyo malapit lang dito sa buffet. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi n’ya e, mukha tuloy ako ditong patay gutom. Though, hindi naman para sa akin ang kinuha kong dalawang itlog.

“Rhian, what are you doing?” nagtatakang tanong ni JL.

Lumakad na pala ito palapit sa akin. Pinatay na rin n’ya ang mic na hawak n’ya. Hindi ko maipaliwanag ‘yong itsura n’ya dahil parang pahiyang-pahiya ito sa ginagawa ko, tapos ay kunot na kunot pa ang noo. Hindi ko alam kung tatawa ako o maaawa sa kaniya e. Iwanan ko ba naman daw habang naghihintay ng sagot, malamang sa malamang napahiya talaga ito.

“Here…” inabot ko sa kaniya ‘yong plato na nilagyan ko ng dalawang itlog. Gusto ko ng matawa dahil mas bumakas sa mukha n’ya ang pagtataka.

“Anong namang gagawin ko dito? Hindi pa ako gutom…at higit sa lahat hindi pa oras ng kainan,” bakas ang iritasyon sa bawat pagbigkas n’ya ng salita.

“Iyan ang sagot ko sa tanong mo…” malumanay kong sabi kahit deep inside ay gusto kong matawa sa ka-corny-han ko.

“Itlog? Nasaan ang sagot mo dito?” takang tanong n’ya. Tiningnan n’ya pa ang hawak n’yang itlog tapos ay ibinalik ang tingin sa akin, nakakunot pa rin ang noo.

“Hindi ko alam na may pagka-slow ka pala. Hangga’t hindi mo nakukuha ang meaning n’yan…hindi mo malalaman ang sagot ko,” sabi ko habang may ngisi sa aking mga labi.

Dahil sa sinabi ko ay nabalik ulit ang tingin n’ya sa itlog. Pinakatitigan n’ya iyon na para bang makukuha n’ya ang sagot kung titingnan n’ya ‘yon. Naroon at kunot pa rin ang noo n’ya, pinaka-iisip kung ano ang ibig sabihin ng dalawang itlog na ‘yon.

“Dalawang itlog…” aniya tapos ay tumingin sa’kin, tumingin ulit sa hawak n’ya tapos ay ibinalik ulit sa akin ang tingin n’ya. “Dalawang bilog, dalawang letter ‘O’, meaning…oo,” dahan-dahang aniya habang nakatingin sa akin.

“So, it means, yes?” tanong n’ya.

“Uhuh…”

“Yes! Thank you, Rhian! Thank you for saying yes!” aniya na may kasama pang pagsuntok sa hangin. Tuloy ay napatawa ako ng mahina dahil sa reaksyon n’ya.

“Pre, pinayagan ka palang manligaw. Hindi ka pa sinagot…maka ‘yes’ ka d’yan, wagas,” komento ni Carl. Tuloy ay nagtawanan ang lahat.

“Alam mo pre, epal ka,” ungot sa kaniya ni JL.

“Ooppss…tama na ‘yan,” pigil ni Tita Joy na ngayon ay nakalapit na pala sa amin kasama nila Manang Leonor at Mang Rolan.

I Want to Sleep (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora