Kabanata 9

28 0 0
                                    

Kabanata 9

"Kailan ka ba uuwi dito?" Kuya Kein asked. 

Magulo ang buhok niya. Para tuloy itong pugad ng ibon. Katulad ko ay nasa study table rin siya. Himala nga at naisip pa nitong makipag-video call.

Kita ko sa likod niya ang mga naka-display na medicine books. Makakapal ang mga ito.  Harrison's Principles of Internal Medicine. Isa sa mga libro na naka-display. Naalala ko tuloy nang sinubukan kong basahin 'to. Kaya hindi ako sumunod sa kanila at kumuha ng med. Nakakalula ang kapal at laki ng mga libro nila. At hindi lang talaga ako interesado. Sapat na sigurong ang mga magulang ko at si kuya ang doctor sa pamilya.

"Nagtitipid kasi ako."

Pero ang totoo niyan ay tinatamad akong umuwi sa Ilagan. Tapos kapag gusto ko namang umuwi, saka naman sila pupunta dito.

Nilaro ko ang ballpen sa aking kamay. Pinipindot-pindot ko ito.

"Tigilan mo ako. Kain ka nga ng kain sa labas."

"Paano mo alam?"

"Post ka ng post ng pagkain. 'Di ka naman tumataba."

Anong magagawa ko? Kahit anong kain ko ay hirap akong tumaba. 

"Birthday mo na sa sabado. Di ka pa rin uuwi?" tanong niya.

Ngumiti ako. Miss niya lang ako eh.

"Uuwi ako, Kuya! Alam ko namang miss mo ako eh." 

"Huwag ka na pala umuwi. Feeling ko only child ako dito kasi wala ka eh."

"Epal," sabi ko sa kapatid ko. Mangiyak-ngiyak nga siya nang sinabi kong dito ako sa Tuguegarao mag-aaral. 

"Pero seryoso, huwag ka nang umuwi," seryosong sabi niya.

"Bakit?"

"Itinatakwil ka na namin," humalakhak siya. Sa sobrang tawa niya ay nabitawan niya ang phone niya. Ang kisame tuloy ng kwarto niya ang nakita ko sa camera. Pinulot niya rin kaagad ito.

"Kami na kasi ang pupunta diyan. Check lang namin kung may nilalandi ka diyan," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano? May boyfriend ka na diyan?" he wiggled his eyebrows. Umirap ako sa kaniya.

"Wala! Sige na. I-end ko na 'tong tawag. Matutulog na ako," mabilis kong iniba ang topic. Ayaw kong pag-usapan ang ganiyang bagay kay kuya. Feeling ko kasi ay hindi niya ako seseryosohin.

"Wow! Matutulog ng maaga! Bright ka, sis?!" 

"Sige na! Bye na!" Sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag.

Kahit na loko-loko si Kuya ay na-miss ko siya. Lalo na at minsan na lang siya tumawag sa akin dahil busy siya sa acads. Atsaka madalas na siyang nasa ospital dahil malapit na siyang mag-graduate.

Naging tahimik ang apartment ng pinatay ko ang tawag. Tumingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas dose na. 

Naalala ko ang nangyari 'nung pumunta dito si Luke na lasing ng ganitong oras. Kinabukasan kasi 'nun ay nagising na ako na wala na siya. Naka-tiklop na ang pinag-higaan niya. Ang ikinagulat ko ay may naka-handang pancit canton at pritong itlog sa mesa. Napa-iling na lang ako kasi nag-abala pa siya. Pero kung sabagay 'yun lang naman ang kaya niyang lutuin.

Naalala ko rin ang mga messages sa akin ni Aziel 'nun. Isang okay with smiley at good morning with yellow hearts ang bumungad sa akin. Napagtanto ko na baka nga hindi alam ni Aziel ang tungkol sa aming dalawa ni Luke. Pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko. 

Playing HeartsWhere stories live. Discover now