Kabanata 2

54 1 5
                                    

Kabanata 2

Abala ako sa pag-aayos ng mga libro at reviewers nang tumunog ang notification bell ng cellphone ko. Pinabayaan ko lang ito at nagpatuloy sa pag-aayos nang tumunog pa ulit ito ng dalawang beses. Iritado kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung tungkol saan ito.

INSTAGRAM: azldfrnc_ started following you

TWITTER: AZIEL followed you

FACEBOOK: Aziel de Franco sent you a friend request

Kumunot ang noo ko. Anong trip ng lalaking ito? Hindi porket hinatid niya ako 'nung biyernes ng gabi ay automatic friends na kaming dalawa. Kung hindi lang ako nahihilo 'nun ay hinding-hindi ako magpapahatid sa kaniya.

Kahit na ayaw kong i-accept ang friend request nito ay ginawa ko na lang. Nagfollowback na rin ako sa Instagram at Twitter. Baka sabihin pa nitong snob ako. Sobrang himala nga na hindi ko siya masyadong nasungitan 'nung Biyernes dahil naaalala ko ang gagong kapatid niya kapag nakikita ko siya.

Last year pa ang break up namin ng kapatid niya pero mukhang hindi pa ako nakakamove on. Hindi naman madaling magmove on lalo na sa ginawa niya sa akin. Relationship can be tough but it's not an excuse to cheat. Kung nagsawa na siya sa akin, sinabi na lang sana niya. Kaysa sa makita ko siyang may kahalikang iba. 

I'm still sulky about it but then he was my first boyfriend. That's why.

Pinatay ko ang mobile data para hindi na ako maabala. Nagdadalawang isip pa ako kung mag-aadvance reading na ako. Dahil wala naman akong gagawin ay nagbasa na lang ako.

Kinuha ko ang Intermediate Accounting 1 ni Millan at nagsimula na sa pagbabasa. Mas mabuti na rin kung magbasa ako dahil baka magpaboardwork si Ma'am Valencia. Ang hirap pa man ding basahin ni Ma'am. Kahit kasi kakatapos lang ng exam ay hindi malabong magpa-activity na siya. Kailangan ko pa man ding bumawi.

I spent two hours studying. Napangiti ako nang makita na may highlight ang libro ko. Feeling ko ang sipag sipag ko kapag nakikita ko ang mga highlights. Kahit hindi ko pa masyadong maunawaan ang Notes Receivable lalo na ang Amortization table ay okay lang. May highlights naman na ang chapter na 'to.

Nag-unat ako bago umalis sa study table at pumunta sa kama.

I usually sleep around 12 am so I decided to check my sns accounts before going to sleep. Alas onse pa lang naman. Kakabukas ko lang ng data ay sunod sunod ang natanggap kong notifications. Kumunot ang noo ko nang makita na halos lahat ay galing kay Kuya Aziel. I have forty posts in instagram at lahat 'yun ay ni-like niya.

Kinabahan ako at baka makita niya ang mga posts ko na kasama ang kapatid niya pero nawala rin ang kaba nang maalala na nagdelete na pala ako. Napailing ako sa sarili ko. 

Ano naman kung sakaling makita niya? Issue ba 'yun, Kirsha?

At teka, ano talagang trip nito? Ako? Type ba ako nito? Gago ba siya? Ayaw ko na sa de Franco.

Naisipan ko tuloy magtweet nang dahil dito.

KIRSHA @kvillaluz . 3s

Anong trip mo?

Kung makita man niya ang tweet ko sana maramdaman niyang para sa kaniya 'yun.

Napabuntong hininga ako saka yumakap sa unan. Mas mabuting matulog na lang ako at baka mamaya ay maisipan ko pang i-stalk ang account niya o 'di kaya i-stalk ang account ng ex ko. Both are not good ideas.

***

Nagising ako nang maaga para makapagluto ng breakfast. Kahit na 8:30 pa ang first subject ko ay umalis na ako sa apartment pagkatapos kumain. Medyo may kalayuan ang apartment ko sa College of Saint Agnes, kung saan ako nag-aaral, kaya palagi akong nagcocommute. Mabuti na lang at walang uniform sa CSA kaya hindi hassle.

Playing HeartsWhere stories live. Discover now