Kabanata 5

34 0 0
                                    

Kabanata 5

 Ang bilis ng araw kapag second sem. Parang kailan lang 'nung hirap na hirap ako sa Prelim Exam tapos ngayon, we're already preparing for the finals. 

 It's nerve wracking. Lalo na at ang coverage sa mga exams namin ay from prelims to finals. Hindi ko alam kung paano ko aaralin lahat. Siguro ay magfofocus na lang muna ako sa finals. Matatandaan ko pa naman siguro ang mga topics 'nung prelims at midterms.

 "Hindi ka pa uuwi, Kirsha?" Tanong sa akin ni Lillian. Pinipindot niya ang calculator niya na para bang may sinasagutan siyang accounting problem.

"Hinihintay ko si Aziel. We'll study mamaya sa The Breakfast Club," sagot ko. 

Habang naghihintay ay naisipan naming dito muna kami sa Celestrina Hall. Si Lillian ay hinihintay ang kaniyang sundo. Si Everly naman ay tinatamad pang umuwi. Si Uno ay nauna nang umuwi dahil birthday ng tita niya. Feeling ko nga ay palaging may okasyon sa pamilya nila.

 Malawak na ngumiti si Everly. Kung anu-ano nanaman siguro ang naiisip nito. 

"Wala ng Kuya? Aziel na lang?" Napansin pa talaga niya 'yun?

The reason why I'm not calling him kuya anymore was when we were studying. Nag-aasaran kaming dalawa tapos natawag ko ang pangalan niya ng walang kuya. Hindi naman issue 'yun sa kaniya. Kaya simula noon, hindi ko na siya tinatawag na kuya. Paminsan-minsan na lang. Kapag naiinis ako sa kaniya.

"Bakit ikaw? Russel at Ambrose lang ang tawag mo sa mga kaibigan ni Aziel? Ginawa ko bang issue 'yun?" Pagbalik tanong ko sa kaniya. 

 "Syempre tropa ko sila!" 

 "Exactly!" I said. 

"Weh? Tropa mo lang si Kuya Aziel?" Mapanuri ang tingin sa akin ni Everly. Ito 'yung ayaw ko kapag wala si Uno eh. Na-hohotseat ako tungkol kay Aziel. 

 "We're just friends," giit ko. 

 "You sure? Napapadalas kaya labas niyo. Study dates?" Lillian giggled. 

Talagang pinagtutulungan ako ng dalawang ito!

 "Isa ka rin! Sure ka bang friends lang kayo ni Uno? Napapadalas kayang mag-aral kayo ng sabay. Study dates?" Namula ang pisngi ni Lillian sa sinabi ko. Tumawa naman si Everly at nakipag-apir sa akin. 

Kung nandito lang si Uno, baka hindi na talaga ako aabot ng fourth year. 

"Come on guys. We're just friends. And we're studying, not dating. Atsaka wala namang masama kapag lumalabas kami. Friends do that," mahabang paliwanag ko.

"Kami ba 'yung kino-convince mo na friends lang kayo. O sarili mo kino-convince mo?" Nanahimik ako sa sinabi ni Everly. 

Because honestly, I don't really know if we're just friends. But what I do know is that I enjoy going out with him. Study with him. Talk with him. With Aziel, I enjoy the little things. 

"Kirsha, hindi naman masama na---" Hindi na itinuloy ni Everly ang sasabihin niya kasi nakita namin ang iba naming kaklase na nandito rin sa Hall. Sabay-sabay silang nagsialisan at para bang may pupuntahan.

Bakit? Tapos naman na ang klase namin ah.

Tinawag ni Everly ang isa naming kaklase. Lumingon naman ito. 

"Bakit nagkakagulo?" Tanong ko.

"Ewan ko. Sabi nila, si Kelsey sinabunutan si Chaerin," sagot niya sabay kamot ng ulo.

Napangiwi ako. Ganun din ang reaksyon ni Lillian. Sinabunutan? That's so immature. Hindi pa ba nakakamove on si Kelsey sa ginawa sa kaniya ni Chaerin? I guess Kelsey really wants some trouble. 

Playing HeartsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt