Kabanata 7

30 0 1
                                    

I edited the previous chapters. may mga info na nadagdag. minimal changes lang naman. i don't know. kababalik ko lang kasi sa pagsusulat kaya parang hindi ako satisfied sa mga sinusulat ko. but i guess, we will never be satisfied with our own works. or maybe it's just me? ewan haha.

pero kahit na ganun, salamat sa pagtuloy na pagbasa. votes and comments are appreciated. 

anyways, Team Aziel or Team Luke?

Kabanata 7

Aziel's eyes looked so tired. Kahit na sinabi ko nang matulog na siya at magpahinga ay hindi niya pa rin binababa ang tawag.

Itinigil ko na ang pagbabasa at pinili na kausapin siya. Ang unfair naman para sa kaniya. Pinipilit niyang kausapin ako kahit pagod na siya sa training niya. 

Advance reading lang naman ang ginagawa ko dahil wala namang announcement kung may drill sa mga subjects namin bukas. Magdadasal na lang ako na sana walang surprise drill.

"I miss you," his voice was hoarse. A soft smile formed on my lips.

"Walang sagot?"

"Hindi pa ba halata?" sambit ko. Humiga ako sa kama at inayos ang hawak sa cellphone. Tinanggal ko ang salamin na suot ko at ipinatong sa mesa na katabi ng kama ko.

Ngumuso siya. Ang hilig talaga nitong magpa-cute. Maybe he knows that I find him cute. Kaya madalas ang pagpapacute niya sa akin. Sa aming dalawa, parang siya pa 'yung mas bata.

Wala nang nagsalita sa aming dalawa. Nagtititigan lang kaming dalawa. Kagaya ko ay nakahiga lang din siya sa kama niya. Dahil may bahay sila sa Manila ay doon siya tumuloy. Kasama niya si Ate Hayley, ang nakatatanda niyang kapatid na isang CPA. Sina Ate Adelaide at Kuya Russel naman ang magkasama. Hindi ko lang alam kung paano ang set-up nilang dalawa.

Unti-unting sumarado ang kaniyang mga mata. I watched him fall asleep. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Mukha talaga siyang kupido. I suddenly want to touch his face. But I can't do that on facetime.

Hindi ako nagsalita at hinayaan na siyang makatulog. Kahit na marami pa talaga akong gustong sabihin, gustong tanungin. I want to ask him if it's true. Pinakiusapan ba niya si Luke para bantayan ako? Kung oo, bakit? At anong ibig sabihin ni Luke 'nung sinabi niyang marami siyang narinig tungkol sa akin na nanggaling sa kaniya? Nagkwekwento ba siya tungkol sa akin sa kapatid niya? Close na sila? Alam ba niyang ex ko ang kapatid niya?

But then even if I will be given the chance to ask these, I will not ask them. I don't know why but I'm afraid of his answers. Takot ako na baka ang mga iniisip kong sagot ay 'yun din ang sagot niya.

Masaya na ako sa ganito. 'Yung simple lang. 'Yung walang iniisip na Luke. Kung kailan handa na akong buksan ang puso ko, saka pumasok ulit ni Luke sa eksena.

"Good night," I whispered. "I miss you too."

I ended the call.

***

Nakakatuwang pagmasdan si Chaerin habang nagwawalis. She's not wearing her usual attire. Naka-maong at itim na shirt siya ngayon. But still, she looks expensive. 

In another life, I want to be Chandra Erin Castelblanco.

Hindi siya maarteng magwalis, sadyang halata lang na hindi siya pinagwawalis sa bahay nila. Hindi siya sigurado kung ano ang tamang paghawak sa walis. Palipat-lipat ang walis sa kaliwa at kanang kamay niya.

"Tol, tulungan ko na ang prinsesa," bulong ng isa kong kaklase sa kaibigan niya. Napataas ang kilay ko. Tingnan ko lang kung makakalapit siya kay Chaerin.

Playing HeartsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum