Kabanata 3

48 0 0
                                    

Kabanata 3

Naiiyak na ako habang nagsosolve ng problems. After discussing Notes Receivable for two days, Ma'am Valencia announced that we're going to have a departmental quiz tomorrow. Sabay-sabay lahat ng sets ng accountancy na kukuha ng quiz.

Ilang deptals na ang napagdaanan ko pero never pa akong naging confident.

Naintindihan ko naman ang concepts ng Notes Receivable. Hindi lang ako ganun kaconfident sa pagsolve ng problems lalo na sa amortization table. Kapag kasi mali na ang amount ng isa, paniguradong mali na ang mga susunod.

Pero mukhang ako lang naman ang nahihirapan pagdating sa topic na 'to. It made me feel dumb.

I decided to study at The Breakfast Club. Maganda kasi ang ambiance dito at hindi masyadong ma-tao. Katulad ngayon, ako lang na nag-aaral at isang magkasintahan ang customers nila.

Sa dulo ako nakapwesto para hindi mapansin lalo na kapag nagbrebreakdown ako. Kagaya ngayon, mangiyak ngiyak na. Bukas na ang quiz. And I am not yet prepared. I feel like a hopeless case.

Nagulat ako ng may inilapag sa table ko na peaches and cream waffle.

"Ate, hindi po ako nag-order niyan," sabi ko kay Ate Mireya, ang may-ari ng The Breakfast Club. Kilala na niya ako dahil madalas akong nandito para kumain at mag-aral. Malapit lang kasi sa apartment ko at masarap ang mga pagkain.

My favorite food here is Chilicon Sausage.

"Libre ko na 'yan. Pampawala ng stress," she smiled. Ngumiti ako pabalik at nagpasalamat.

I ate the half of it before solving again. I heard the sound of bells chiming. May bagong customer. Inayos ko ang sarili ko baka akalain pa ng ibang customers na nababaliw na ako. I look like a fool, crying while solving. Medyo nababasa na nga ng luha ko ang page ng libro.

"Hindi mo talaga masasagot 'yan kung iyak ka ng iyak," Kahit na hindi ako tumingin sa nagsalita ay alam ko na kung sino iyon, si Kuya Aziel.

Pinaglalaruan siguro ako ng tadhana. Hindi pa ba sapat na nakapasok na sa buhay ko ang isang de Franco? Kailangan pati 'yung isa?

Hindi na ako umimik. Wala akong ganang sungitan siya ngayon. Pagod na utak ko kakaintindi, masakit na mata ko kakaiyak. Huwag na siya dumagdag.

Umupo siya sa table ko. I didn't bother telling him to go away.

"I'll help you," He offered. Nakangiti siya sa akin, nagpakita ang malalim niyang dimples.

"I'm okay. I don't need help," I answered. I wiped off my tears and heavily sighed.

"Kirsha," Malumanay ang pagkabanggit niya sa pangalan ko. "Hindi masamang tumanggap ng tulong. Let me help you."

Bumagsak ulit ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Mukhang nagpanic siya ng tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko.

Ang iyakin ko talaga.

"Fine. Just this once." 

"Just this once."

Lumipat siya sa tabi ko. Naging conscious ako dahil malapit siya sa akin. Naaamoy ko pa ang matamis niyang pabango. Kinuha niya ang libro at binasa ang problem.

I looked at him. Seryoso siya habang nagbabasa. Nang matapos ay tumingin siya akin. Kumunot ang noo ko 'nung kumuha siya ng tissue. Inilapit niya ito sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. 'Di na ako nakaiwas dahil biglaan ito.

He smiled again. And suddenly it made my heart flutter. It's because his smile is genuine. Nakakagaan sa loob. Alam mong walang halong malisya.

Maybe he really wanted to help. Ako lang itong matigas ang ulo na ayaw tumanggap ng tulong mula sa iba.

Playing HeartsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant