XXV | UNTANGLING STRINGS

Magsimula sa umpisa
                                        

"Kuya! Natapos ko na! Nakita ko na, nakita ko na yung sinasabi mo," nanlaki ang aking mata at mas napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Nikole.

Syempre, hindi ko binitawan kanina. Pakapalan na 'to ng mukha.

"We're on our way now there." I hanged up the call for a while at tumingin sa iba kong kasama. "Lid already finished his job. Puntahan muna natin siya saglit."

"Kuya, nand'yan ka pa? Kumusta kayo? Nahanap niyo na ba yung kakambal ni Sinuelle?" bakas ang pag-aalala ni Lid sa kabilang linya.

Lahat kami ngayon ay naglalakad na papunta sa parking lot ng Piazza Venezia at patungo na sa ospital kung nasaan sila Lid.

"I'm sorry, Lid. We're trying our best, pero wala talaga kaming nakikita pa."

I heard a lonely sigh of him before uttering words, "Sana talaga makita na natin 'yun..."

"We all really hope so. Ibababa ko na ah?"

"Sure. Adieu."

"Adieu."

Lahat kami ay papasok na sa kotse, nauna ako sa backseat habang si Kairo at Ririe ay nasa passenger seat, si Kairen ang driver namin.

Sumunod umupo si Iza at ang kambal nahuli si Nikole kaya ngayon ay wala na siyang maupuan.

"Tol, 'di kami kasya." anunsyo ni Kuya Steph kaya napalingon si Kairen sa posisyon namin.

"Shit, nakasakay nga pala 'ko sa kotse ng mga guards ko kanina," napasapo ng kaniyang noo si Kairen dahil sa naisip niya.

Paano si Nikole?

"Ikandong mo na lang, Iko. Wala na tayong oras." Utos ni Kuya Ei sa'kin kaya bahagya kaming nagulat pareho ni Nikole.

"Oo nga, Iko. 'Wag na kayong pabebe d'yan. Dali-dali, arangkada na tayo."

"Dali naa!"

"Pfft, fine." Dahil na rin naman nasa tapat ko si Nikole ay agad kong hinalit ang beywang niya papalapit sa'kin at pinaupo sa hita ko.

Pautang ina.

"Naks, ayos! Tara na!"

-︎☾︎ꨄ︎☽︎-

"Tol, kumusta?" Bungad ko kay Lid noong marating namin ang kwarto sa ospital ni Sinuelle.

Nakita kong may nakabit na dextrose habang nakaratay sa higaan si Sinuelle. 'Di tulad kanina, hindi na siya namumutla at mukhang ayos na ang lagay nito.

"Kuya, heto na nga. Exactly April 21, 2048, 19:58:56pm, dalawa kayong tao ang nahagip nitong mga camera. Isa dito sa Italy, sa tapat ng building kung saan yung condo namin ni Iza." Panimula ni Lid habang pinapakita sa'min yung video mula sa laptop na gamit niya.

The Entangled StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon