"Pero paano natin mahahanap kung hindi pa natin nakikita yung tao?" Kairen added, with a hint of curiosity in his voice.
"Tayo hindi pa, pero si Iko nakita niya na," Kuya Ei answered.
"Pero pa'no natin malalaman kung anong itsura niya? Hindi naman natin pwedeng makita yung utak ni Nikola, 'di ba?"
"Fortunately, artist 'yang nilalang na 'yan at with the help of his photographic memory, naidrawing niya ang taong kamukha ni Sinuelle," Iza gave my drawing to Kairen, lahat kami ay may sari-sarili nang litrato niyon sa aming mga cellphone. "Nakakatawa nga dahil noong ginamit namin yung isang app na may filter effects na gagawin ang picture mo as opposite sex mo ay naging weird tingnan yung picture. AHAHA!"
Matapos ng tagpong iyon ay agad namang tinawagan ni Kairen ang lahat ng agents niya upang hanapin ang taong 'yon. Pati kami ay lumabas na rin upang magtanong-tanong na, maliban kanila TeDa, SaMo at Mayi na pinagpahinga muna namin sa opisina ni Kairen.
Una naming pinuntahan ang lugar kung saan ko siya nakita, sa maze. Pero ni isa sa kanila ay wala raw nakakita, tiningnan na rin namin kung nahagip ba siya ng mga CCTV sa lugar na iyon pero anak ng tinupa, ni anino niya wala kaming nakita.
"Puta, ang init." Reklamo ni Kairen, namumula-mula na rin ang maputi niyang kutis habang tagaktak na ang pawis niya.
"Sino ba naman kasing matinong tao ang nakasuot ng formal attire tapos magbibilad sa araw?" natatawa kong sabi sa kaniya habang umiinom ng tubig. Pagod na kaming lahat, oo, alam kong mahigit isang oras pa lang kaming nagtatanong sa kung sino-sinong tao dito. Alam naman nating lahat na lahat kami dito ay lumaking mayaman, pati si Nikole noong nasa Raeth pa siya.
Hindi ko alam, pero simula noong dumating si Nikole, nabago lahat ang buhay namin. Ngayon ay mas naging mahaba na ang pagsasama naming pamilya, unti-unti nang nawawala ang pagiging germaphobic ko, at napagtanto ko rin na mas mabilis at maganda rin pala kung magtutulungan kaming lahat. Sabi nga nila, no man is an island. Dati akala ko kaya ko lahat ng ako lang mag-isa, pero ngayon ko naappreciate ang bawat kahinaan ko, at kakayahan ng iba.
"Guys, magtatanong-tanong lang ako sa banda ro'n," paalis na sana si Nikole pero agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. "Sasama ako."
"Malapit lang naman-"
"Kung hindi mo 'ko isasama, 'wag kang pumunta," mariin kong sabi. "Hindi ko maatim na mawala ka ulit sa tabi ko, Nikole."
"Wow, what a word. Maatim! Gano'n ka ba talaga 'pag humaharot ka, Nikola? Lumalalim yung pagtatagalog?" Kairen teased me. As expected, tumawa na naman silang lahat.
"Pfft. Shut the fuck up."
"Kapag nagagalit naman, napapaenglish!" Ririe exclaimed, at imbis na huminto sila sa pagtawa ay mas lalo itong lumakas.
May mangilan-ngilan na ngang tinititigan kami ngunit lahat sila ay hindi kami matitigan ng ayos. Nasa rules kasi ng Italy na bawal kaming pagkaguluhan kung makikita kami sa kahit anong public places.
"Samahan mo na 'ko." napatayo ako agad at pinagpag ang suot ko ngunit akmang aalis pa lang kami ay may narinig kaming tawag mula sa phone ko.
☏︎ 𝑳𝒊𝒅 𝑩𝒘𝒊𝒔𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝒄𝒂𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈...
YOU ARE READING
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XXV | UNTANGLING STRINGS
Start from the beginning
