"Fucking cut those laughs. Kuya, nasaan na bang lupalop ng Italy yung medic na sinasabi mo?" asik ni Lid habang buhat-buhat ang walang malay na si Sinuelle.
Hindi ko alam na kapag pala nagagalit si Nikole at Lid ay kahit hindi sila gaanong close nung tao ay mumurahin na nila. Lesson learned, 'wag silang gagalitin kung ayaw mong puro fucking at kung ano-anong mura lang ang madinig mo.
"Oh, shit. Anong nangyari d'yan?" napapunta bigla si Kairen sa posisyon nila nila Lid at binalak hawakan ang nakaladlad na kamay ni Sinuelle but syempre, inilayo ito ng pinsan ko.
"Fucking. Hands-off."
Pfft. Kahit kailan talaga walang originality 'tong si Lid eh.
Naagaw ang atensyon naming lahat noong biglang dumating ang medic at agad tiningnan kung maayos ang kalagayan ni Sinuelle bago nila ito ilagay sa stretcher.
"Tito, kumusta po ang lagay niya?" nag-aalalang bungad ni Kairo sa doktor na kakarating lang. Mukha siyang halong Amerikano at Italian.
Teka, tito?
"Ayos lang s-siya-" huminto ang doktor o tito nila Kairo noong mahirapan itong magsalita ng tagalog. "She's fine, Kairo. Don't worry, ako na ang bahala."
"Kuya Kairen at Kairo, sasama na 'ko sa tito niyo. Para habang ginagamot nila si Sinuelle ay ginagawa ko na rin ang pinapagawa ni Kuya Iko," I know, tinutukoy niya ang pinapahack kong cams sa kaniya, kay Lid.
"Sige, ako na ang bahalang tumulong sa kanila. Mag-iingat kayo, tawag-tawag na lang tayo."
Matapos no'n ay pinagmasdan namin silang umalis kasama ang mga guards at assistant namin sa kwartong ito. Ilang minuto rin kaming tulala habang nakaupo, lahat kami'y kapwa nag-aalala kay Sinuelle at kay Lid na rin. Ngunit ilang saglit pa at nadinig ko namang nagsalita si Kairen.
"Guys, ano bang nangyari kay Sinuelle?" napatanggal ng kaniyang shades si Kairen dahil sa pagtataka. Ngunit ni isa sa'min ay walang nagsalita. "Don't worry, walang cameras ngayon dito. Wala ring makakarinig sa inyo. Now spill."
"Kuya, we actually have a hypothesis about that actually. We all think na may kinalaman 'yun sa pagiging taga-Raeth niya. Tingin namin ay nararapat siyang maitabi lamang sa counterpart niya dito sa mundo natin or else magkakagano'n ang case niya the more na nalalayo siya sa taong iyon." Nabitawan bigla ni Kairen ang hawak niyang baso dahilan upang tumapon ang laman nitong kape.
"K-Kagaya nung kapatid ni Tita Valentina? Si Tita Drimia na counterpart pala sa Raeth ay si Tito Dmitri?"
"Yes."
"Wait- so, hahanapin natin ang... counterpart ni Sinuelle?" pinagsalikop ni Kairen ang dalawa niyang kamay sabay ng pagkunot ng kaniyang noo.
"Yes, so please, Ren. Help us," pagsusumamo ni Nikole na katabi ko ngayon. I saw her hands trembling that's why I held it up to calm her.
Gano'n talaga, para-paraan lang. Hokage moves yata ang tawag do'n noon.
"Malaki ang Italy, at alam kong alam niyo yun." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kairen, in fairness mabango hininga niya. "Pero hindi ko naman kakayanin na makita ang mga kabigan ko na ganiyan habang nakaupo lang ako dito kahit alam ko naman na may kapangyarihan din ako dito sa bansang 'to, so tutulungan ko talaga kayo."
Sumilay agad ang ngiti sa aming mga labi, mabuti na lang talaga at hawak din namin ang Villesiá na 'to. Bawat isa sa amin ay nagpasalamat kay Kairen.
YOU ARE READING
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XXV | UNTANGLING STRINGS
Start from the beginning
