Chapter 71

72 8 2
                                    

• Chapter 71 •

Kyske's PoV

Tahimik na nakatingin ako sa langit habang nakahiga sa damuhan. Kanina pa ko nandito, madilim ang kalangitan nagbabadya ng pagbagsak ng malakas na ulan. Sabagay, ilang araw na rin naman makulimlim at panay ang ulan, may bagyo sigurong parating kaya ang grupo ni Daemon ay malayang nakakalabas ng bahay ehh.

Vampire's can go outside as long as there is no sunlight.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinimulan pakiramdaman ang paligid.

"Dad, where are you going? Where's Mom?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya. Lahat sila nag mamadali at hindi mapalagay.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero wala ni isa man sa kanila ang nag sasabi kung anong meron.

"Just stay here with Serada" aniya nito bago ako hinawakan sa ulo at ngumiti.

"What's happening?" Tanong naman ni Serada.

Hindi sumagot si Daddy at tumingin kay Kuya.

"Take care of them for me, Kaifer" tumango naman si Kuya at hinawakan kami pareho ni Serada ng akmang susunod kami.

Ilang oras na ang nakalipas mula sa bintana na kinatatayuan ko kung saan hinihintay ko ang pag babalik nila lumapit sakin si Serada.

"Let's follow them" seryosong sabi nito na ikinagulat ko. "Hindi pa nauwi sila Mommy at Daddy, Paano pag may nangyari sa kanila na masama?" Hunarap sya sakin at nakikita kong naiiyak na sya.

Tumingin ako sa paligid para tignan kung nakabantay si Kuya pero wala sya, mukhang nasa kwarto nya.

Maulan at panay ang kulog at kidlat sa labas.

"Tara" yaya ko kay Serada at dahan dahan kaming lumabas ng bahay at mabilis na tumakbo sa loob ng kagubatan.

We both transform into our wolf forms para masundan namin ang amoy nila Dad. We're both young but they did trained us how to control our self into our true form. Matapos ang mahabang pag takbo sa loob ng kagubatan nahinto kami pareho ni Serada ng makaamoy kami ng dugo. Sariwang dugo. Inawat ko si Serada at hinila patago para hindi nila kami mapansin.

And then we saw my Dad with his Pack, napapalibutan sila ng mga Hunters na may iba't ibang armas na hawak. Nanlambot ako ng makita ang maraming bangkay sa paligid, Tao at mga kasamahan namin. Mga wala ng buhay.

"N-No!" Sambit ni Serada. Agad kong tinakpan ang bibig nya at nakita ko ang tinuturo nya, Ang mga magulang nya na wala ng buhay habang may mga panang nakatusok sa mga katawan nito, dilat ang mata pareho.

Mula sa pag liwanag ng buwan at mga kidlat nakikita ko ang mga mukha nilang lahat, Ang grupo ni Daddy ay puro sugatan. At this rate they don't have a chance to win.

"Where's my wife?" Sigaw ni Dad.

My mom! Where's my Mom?

"Are you looking for your Alpha?" The man with a katana on his hand asked.

I'm With The VampiresWhere stories live. Discover now