Chapter 9

146 25 0
                                    

Chapter 9 •

Aera's PoV

Imbis na sa Hospital kami dumaretso nagulat ako ng pumunta kami sa isang Lumang Building.

"Bakit dito?" Takang tanong ko. Hindi sya sumagot sa halip ay iniwan nya ko at si Tiffany. Maya-maya bumalik sya at tinulungan akong akayin si Tiffany nagulat ako ng makakita ng isang Elavator.

Pumasok kami doon at pinidot nya ang B7. Hindi ko alam kung nasaan kami dinala ni Elizabeth pero ang mahalaga magamot na si Tiffany may mga galos sya sa katawan sinyales na nanglaban sya pero wala naman kaming nakitang kagat o ano sa katawan nya dahil yun agad ang tinignan ni Elizabeth sa sasakyan kanina. Pagbukas ng pinto bumingad samin ang isang malaking pasilyo na may mga nakasabit na iba't ibang Armas sa pader iilang larawan ng tao na may hawak ng mga armas halos lahat ng Litrato ay makikita mong Luma na at mga pintuan ng mga kwarto na sa dami eh hindi ko alam kung saan talaga kami papasok.

Tatlong lalaking nag tatawanan ang natigilan ng makita kami lumabas ang mta ito sa isa sa mga kwarto agad sila yumuko at kinuha samin si Tiffany.

"Tawagin nyo si Dr. Sanchez bilis" utos ni Elizabeth tumango naman ang isa sa kanila at dali daling umalis pumasok kami sa isang kwarto na sa tingin ko ay Room for patient dahil madaming Hospital bed sa loob nito ngunit wala namang tao.

"What happened?" Tanong nung isang lalaki.

"Long story. Take care of them for me, Frank. I have to report to Mr. Gauche" tinapik ako ni Elizabeth bago sya umalis at iniwan ako kasama ang dalawang lalaking to. Alanganing ngumiti ako sa kanila.

Nakahiga ako ngayon katabi ng kama ni Tiffany. Wala pa din syang malay pero natignan naman at nagamot na sya ng doctor na dumating kanina. Nakapagpalit na din ako ng damit at kasalukuyan akong nagpapahinga ang sabi sakin ng dalawang lalaki kanina hindi daw ako pwedeng umalis hanggat hindi nakakabalik si Elizabeth kasi mayayari daw sila. Nakakatakot pala sa Elizabeth dito. Saka naitext ko naman na sila Mama at Papa para hindi sila mag alala syempre gumawa ako ng ibang rason hindi naman pwedeng sabihin ko ang tungkol sa nangyari sakin ngayon maghapon.

"Nerd! Nerd!" Napabalikwas ako ng bangon ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan. It was Shawn kasama nya so Vinx.

Nakita naman nya ko at agad lumapit sakin.

"Are you okay? May masakit ba?" Tanong nito.

"Okay lang ako.. t-teka nga nahihilo ako" sabi ko kasi hawak nya ko sa ulo ko tapos inaalog-alog nya. Adik ata to eh tsk

"Mabuti naman, Nasaan ba si Elizabeth! Ang babaeng yun. Humanda sya sakin!" Tumingin tingin sya sa paligid sa pag aakalang kasama namin dito si Elizabeth

"She's not here. Umalis sya kanina pa hindi pa sya nabalik"

"Who is she?" Turo naman ni Vinx kay Tiffany. Nagulat naman si Shawn ng makita ang dalaga.

"Tiffany Dien? Anong ginagawa nito dito?" Si Shawn na tinignan ang mga galos sa katawan ni Tiffany.

"We accidentally met her on that Mansion" sagot ko "Nagpunta kami ni Elizabeth sa Gubat kanina ang alam ko kayo ang hinahanap ni Elizabeth pero hindi namin kayo nakita, May nakalaban syang Bampira tapos dumaretso kami sa Mansion at dun namin nakita si Tiffany. Ang sabi nya dinala sila doon at pinatay ang mga kaibigan nya, sila Kristine" malungkot na kwento ko.

"Then paano kayo nakaalis? Sabi mo nay nag dala sa kanila doon. Panigurado nandoon pa ang mga nagdala sa kanila" Vinx na nakakunot ang noo. "Well Elizabeth is pretty strong but She can handle them kung madami sila"

"Yun na nga. May dumating na dalawang bampira pero may isa pang dumating. Isang malaking lobo, Sila ang nagtuos kaya kami nakaalis ng hindi na kailangan lumaban ni Elizabeth" tumingin ako kay Shawn. Nag salubong ang kilay nya

"Lobo?" Tanong nito.

"Dude, Werewolf. Hindi kaya...?" Nagkatinginan silang dalawa bago dali-daling umalis at iniwan akong  nagtataka.

Elizabeth PoV

Natapos akong mag report kay Mr. Gauche ng makita ko sila Shawn at Vinx.

"Where the fuck the two of you have been?" Galit na bungad ko. "Do you have any idea what I've been through just to protect that two Woman?"

"She said there's a Wolf" Seryosong sabi ni Shawn. Natigilan ako. So nakausap na nila si Aera.

Bumuntong hininga ako tumango.

"H-how come? I thought they leave?" Vinx na naguguluhan.

"Well I must say, They're back" sagot ko at tumingin sa kanilang dalawa.

Yeah. Werewolves do also exist. But in our town werewolves left without any particular reason. Hindi ko masasabi na isa silang kakampi o kaaway pero iisa lang ang masasabi ko we have the same enemy THE VAMPIRES. Wala pa naman kaming nababalitaan maski nung bata pa kami nila Shawn na werewolves harms human pero if they did we are here to hunt them down also.

5 years na simula nung umalis sila dito. The Alpha and his Pack and the werewolf earlier na tumulong samin I can say na isa yun sa mga Beta ng taong iyon well thanks to him we managed to escaped. Pero hindi pwedeng pakampante dahil di natin masasabi kung bakit sila nagbalik.

Pinaalam ko naman sa nakatataas ang nangyari at kung sino ang nakita namin. Sila man ay nagulat din kaya agad agad mag papatawag sila ng meeting para ipaalam sa lahat ng Hunters.

"You think this time kalaban natin sila?" Si Vinx.

"Hindi natin masasabi yun, Basta kailangan natin mag ingat" si Shawn na magkasakubong ang kilay..

"I need to rest, kasalanan nyo to bakit nangyari samin to ngayon" angil ko sa kanilang dalawa.

Sabay naman silang tumingin sakin na naguguluhan.

"What do you mean?" Shawn.

"We followed the woman and when we came back wala na kayo pati ang kotse ni Shawn" Vinx na nagtataka.

"Patawa ka, Vinx? You called me! Ang sabi mo nandoon kayo!" Galit na binatukan ko sya.

"WHAT?? I did'nt called you. Saka nawawala ang Phone ko kahapon pa!" Pasigaw nyang sabi at napaupo dahil napalakas ata batok ko. "ang sakit!"

Agad kong nilabas ang phone ko at pinakita ang call logs. Kasi boses talaga ni Vinx ang narinig ko at kausap ko kanina. Nagulat si Vinx, inagaw naman ni Shawn yun.

"They planned this. They want to kill you alone, Elizabeth" Shawn.

"I'm not that easy to be killed, Shawn. I'm alive so Am I considered myself lucky?" Ngumiti ako. Hindi ako natatakot pero nice try.

"Be careful, Elizabeth. Tanga ka pa naman" muli binatukan ko si Vinx kaya napahawak sya sa ulo nya at sumigaw.

I'm With The VampiresWhere stories live. Discover now