Chapter 63

69 6 1
                                    

• Chapter 63 •

Elizabeth PoV

Panay ang mura ko habang kinakaladkad ako ng kung anong nilalang na ito. Ang sakit sa likod dahil may mga bato akong natatamaan.

Nang tuluyan ng lumabas ang Buwan sa pagkakatakip dito ng mga ulap nakita ko ang isang malaking Wolf na kasing laki ng Wolf form ni Kyske na kagat-kagat ako sa paa. Binitiwan naman nya ang paa ko at malakas na umalulong kaya napatakip ako sa tainga ko.

Tinitigan ko ang mata nya, Pulang-pula iyon. So sya ang Alpha na hinahanap namin? Tatayo palang sana ako ng biglang sumulpot si Andrew. Inatake nito ang malaking Wolf na nasa harap ko.

Nagsimula silang magbunong dalawa kaya napaatras ako palayo. Andrew is just a Werecayote, wala syang laban sa Alpha wolf na doble ang laki sa kanya. Hinanap ng mata ko ang armas ko and then I saw my gun tinakbo ko iyon para kuhanin at agad tinutukan ang Alpha. Hindi ko sya matyempohan dahil sobrang likot nya, isa pa baka si Andrew ang matamaan ko.

"Andrew! Wag kang malikot!" Inis na sigaw ko. Tumingin sakin ang werecayote na si Andrew at isang malakas na putok ng baril ang kumawala.

That's not me! Si Vinx ang bumaril, asintado ito at natamaan sa katawan ang Alpha, umungol ito sa sakin at mabilis na tumakas. Susundan ko sana kaso hinawakan ako ni Vinx sa braso.

"Don't. Andrew need us first" seryosong sabi nito. Agad naman akong napatingin kay Andrew na nakahandusay sa lupa into his Werecayote form.

May mga galos ito at kagat, sabi na ehh wala syang laban sa Alpha na iyon.

"This is my first time to encounter an Alpha" nakangiti pa nitong sabi bumalik na ito sa anyong tao nya pero hindi parin sya natayo. "Ang lakas pala talaga nila" tumawa ito kaya kusang gumalaw ang kamay ko at binatukan sya.

"Mas malaki sya sayo, bata" Vinx helped him to stand. "Next time wag kang basta basta susugod. Team tayo diba?"

Nakabalik kami ng HQ at nakasalubong namin sila Rolli at Vermon. Mukhang galing din mula sa misyon, ngumiti si Rolli ng nakakaloko samin bago huminto sa harapan namin.

"Maybe you should team up with us, Elizabeth. Ilang araw nyo ng ini-imbistigahan kung sino ang Alpha pero wala parin kayong nakukuha" Rolli.

"Rolli, Let's go" tawag dito ni Vermon.

"I'm not in the mood, Rolli" maikli pero may diin sa salita ni Vinx kaya napatingin ako sa kanya. When Rolli came here palagi ng seryoso si Vinx, well ako rin naman nabu-bwisit sa mukha ng asul na ito.

"Pag nakikita kita parang gusto ko ng Gatorade" sabat ni Andrew kaya natawa ako. Nakita ko naman ang reaksyon ni Rolli sasagot pa sana sya pero tinawag sya ulit ni Vermon.

"Ahh. Saka nga pala, hinahanap ko kung nasaan si Cruz. Nakakapagtaka kasi" sa sinabi nyang yun sabay-sabay kaming tumingin sa kanya na ngumiti ng nakakaloko bago kami tinalikuran.

"This is bad, Elizabeth" Andrew.

Rolli. Talagang inuubos mo pasensya ko.

Aera's PoV

Halos isang linggo na din na narito kami sa Reeves University. Sa mundo ng mga Elves, Hindi kami nakikipag usap o contact sa kahit na sino man sa kanila maliban kay Casper. Wala din kaming balita tungkol sa Kruls at kay Florence hindi pa kami naalis sa lugar na ito simula nung dumating kami.

"Talo ka, wag kang madaya Chris!" Sigaw ni Drey. Busy sila sa pag lalaro ng Chess na dalawa.

"Tanggapin mo ng talo ka, Drey" Amanda.

I'm With The VampiresWhere stories live. Discover now