Chapter 52

78 4 1
                                    

• Chapter 52 •

"A Vampire killed my Mother and I saw it with my own eyes"

Hindi ako kumibo dahil sa sinabi nya. Paano nga naman nya matatanggap ang sitwasyon nya? Kung katulad na sya ng mga pumatay sa Mommy nya.

"Kaya naging Hunter ako kahit kontra si Dad. I've spent my life to killed Vampires and now I'm one of them!"

"But not all Vampires are bad, Shawn" hinawakan ko sya sa kamay nya. He's shaking. "I'm sorry about what happened to your Mother. But turning you into a Vampire is the only way for you still stay here with me. I don't want to lose another important people in my life in front of me again"

Tumingin sya sakin. He stared at me and bigla nya kong niyakap sa lakas nya napasubsob ako sa dibdib nya.

Vampire na nga pala sya! Kahit hindi sya gumamit ng pwersa malakas na talaga sya.

"Let's go back" I smiled at him so he smiled back. "Paunahan makabalik sa Mansion"

Pag hahamon ko sa kanya.

"Heh. Tingin moba mauunahan mo ko?" Pang asar nya bago nag unat kunwari.

"Just try me"

"Well then lets start!" Pag kasabi nya nun mabilis na nawala sya sa tabi ko.

Aba ang madaya!

Sinundan ko din sya. Nakita ko naman sya agad na tumatakbo kita sa expression ng mukha nito na namamangha ito sa nakikita. I know the feeling of that, Yung unang maging vampire ako lahat nakikita at naririnig ko kahit mismong pag tulo ng tubig sa dahan, Mga insektong maliliit, mga busina ng sasakyan sa Hi-way at ingay ng mga ibon. Lahat yun nakikita at naririnig ko kahit nasa malayo ako. And I don't need to wear my eye glasses anymore sa sobrang linaw ng mata ko kahit librong binabasa ni Daemon na nakalagay sa Shelves nakikita ko ang mga title kahit nakaupo lang ako.

Nabusy ata ako sa iniisip ko at hindi ko nakita si Shawn na nakatayo sa unahan. Huli na para makapag pigil agad naman akong sinalubong nito. Hawak nya ko sa bewang at tumawa sya ng malakas.

"Anong trip mo sa buhay?" Hinampas ko sya.

"Nothing. I just want to hold you" bulong nya sa tenga ko. Yakap nya ko mula sa likod ko. Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

Tunahimik sya kaya hindi ako nag salita nasa ganoon lang kaming posisyon. Nakatayo sa gitna ng gubat.

"As long as I am with you. Wala akong magiging problema sa mga kaibigan mo" aniya.

Natawa naman ako sa sinabi nya. Oo nga pala nag kainitan nga pala sila kanina.

"Just try to be friends with them. Mababait sila, hindi sila pareho ng ibang bampira"

"Tss. I'll try"

Hinawakan ko naman ang braso nya na nakapulupot sa bewang ko. Naalala ko bigal ng maputol ang braso nya

Watching Florence cut his arm in front of me is almost killing me. The same scene when she killed my parents. Akala ko mawawala na din sakin si Shawn.

Nakabalik kami sa Mansion na naabutan namin si Daemon na nakaupo sa Sofa sa Sala. He was reading a book again at halatang hinihintay nya ko bumalik.

"Where have you been?" Tanong nito bago binaba ang hawak na libro.

"Wala ka na doon kung saan sya galing" sabat ni Shawn.

"I'm not talking to you, Kid" seryosong sabi nito. Binalik nya ang tingin sakin. "We need to talk. In my room, now" pagkasabi nya nun nawala na lang sya bigla.

I'm With The VampiresWhere stories live. Discover now