Chapter 12

146 18 1
                                    

TIFFANY DIEN.

• Chapter 12 •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


• Chapter 12 •

"Kasama kayo? Hindi kayo Estudyante dito diba?" Takang tanong ko ng makita sila Elizabeth, Vinx at Andrew. Yes kasama nila si Andrew.

Meron kaming  Camping ngayon.

"What? Hindi pwede?" Vinx na nag suot ng Shades at ngumiti "Ayaw mo ba kami na nandito?"

"We're going to make sure the security of all student at that Camping" sagot ni Elizabeth.

"And we're not just us. Maraming nagkalat na Hunters sa Camping site nyo, Aera" tuloy naman ni Andrew.

"Hindi mo ba alam? That Shawn father Mr. Drake the owner of this school is also a Hunter like us? So nag iingat lamg sya para sa siguridad ng mga Estudyante nya" dugtong naman ni Vinx.

Ehh? Pati ang Daddy ni Shawn? Edi alam nya pala lahat? Shit! Shawn is from the Hunters Family.

"One bus per each" si Shawn na kadadating lang. "6 bus lahat ng Estudyanteng sumama sa Camping. We're going to split up. Na inform ko na din ang iba"

Tumango naman silang lahat at nagkanya kanya ng sakay sa iba't ibang Bus.

"What bus are you?" Turo ko sa Bus na nasa harap namin. "Kasali ba ko sa One bus per each nyo?"

Pinagtaasan nya ko ng kilay "Bakit Hunter ka ba?"

Ayy. Ba malay ko ba. Akala ko kasali ako eh.

"Hindi ba kayo aakyat?" Sumulpot naman si Kyske sa tabi ko. Sa gulat ko hinila nya ko sa Braso ko paakyat sa Bus. Napatingin ako kay Shawn na gulat na nakasunod ang tingin samin.

"What do you think you're doing?" Si Shawn na hinabol kami dito sa Bus.

"Taking Aera inside the bus" maang na sagot ni Kyske.

"I don't have anyfriends so sa kanya ako tatabi" Kyske.

"As if I'll let you sit next to her" Shawn.

"Uhhh..." Napapakamot na ko sa inaasta ng dalawang to. Napatingin naman ako kay Tiffany na nakangiting umakyat ng Bus hinawakan nya ko sa Braso at hinila papunta sa dulo ng Bus.

"Sorry boys, But Aera is Mine" nag wink sya sa dalawa at umupo kami sa dulo.

Natigilan naman ang dalawa kaya umupo na lang sila. Take note magkatabi sila dahil nag siakyatan na lahat ng estudyante kaya wala ng ibang bakanteng upuan.

"Are you hungry?" Tanong ni Tiffany "I brought snacks" ngumiti sya bago nilabas ang dala nyang pagkain.

Sya nga pala simula nung bumalik si Tiffany she kept clinging on me. Ang bait bait na nya sakin. Hindi na sya gaya ng dati na binubully ako. After that incident nagbago sya siguro nabagok ang ulo nya ng gabi na iyon. Pero okay na din to kahit medyo ilang gusto ko ang ugali nya ngayon na pinapakita sakin.

Nakatulog ako sa byahe pero pag gising sakin ni Tiffany nasa Camping site na daw kami. Nakita ko namang sama-sama sila Shawn at Sila Vinx na para bang may pinag uusapan sila. Si Tiffany ang kasama ko at nasa likod namin si Kyske.

"Okay, Okay. Listen" pag agaw sa atensyon namin ng mga Teachers. Lahat sila nasa unahan at nakapila naman kami ng ayos per section.

"I need you all to set up your Tent" tinuro nila ang mga Tent na nasa gilid "Maghanap kayo ng makakasama nyo sa Tent. Dalawa lang"

"Hindi pwedeng mag sama ang Lalaki at Babae sa iisang tent, So alam nyo na? Boys to boys, Girls to girls"

Agad tumingin sakin si Tiffany. Kaya alam ko na ang ibig nitong sabihin kaya tumango na lang ako.

Binigyan nila kami ng Tent at nagsimula ng iset up yun, Pero dahil si Tiffang ang Partner ko hindi ko maitayo ng ayos ang Tent dahil puro kapalpakan lang ginagawa nya nag iinsist sya na tumulong kaya wala akong magawa.

"Ayusin mo, Doon ka!" Sabay kaming napalingon ni Tiffany sa sumigaw. At hindi ako nagkamali si Shawn yun at kabangayan si Kyske.

"Bakit? Ikaw ang umayos hindi maganda pag kakakabit mo" angil din ni Kyske. Si Elizabeth naman napapailing na tinitignan ang dalawa samantalang si Vinx at Andrew tapos na sa pag set up ng Tent nila.

Natapos kaming mag ayos ng Tent ngayon naman ay nautusan mag luto ang mga babae, Kasama ang mga babaeng teachers tinuturuan nila kami kung paano magluto samantalang ang mga lalaki ay kumukuha ng mga Sanga na pwedeng ipang-siga.

"My eyes" arte ni Tiffany habang nag hihiwa ng sibuyas. Natatawa ako na tinitignan sya kasi naiyak sya habang nag hihiwa pa din. Si Elizabeth naman sa sobra nyang bilis maghiwa lahat na ata ng Rekado eh naubos na nya lahat,  kahit ang mga karne nahiwa na nya.

Dahil first night namin at pagod na lahat sa byahe maaga kaming pinagpahinga ng mga guro at bukas na daw kami mag sisimula para sa mga Activity namin. Inayos ko ang higaan namin ni Tiffany bago lumabas ulit dahil nasa labas si Tiffany nakita ko syang may mga kausap na ibang Estudyante kaya hindi na ko nag abala na lapitan pa sya. Nag lakad lakad ako sa paligid ang sarap ng simoy ng hangin dito parang ang sarap sarap matulog.

"Kyske?" Takang napatingin ako kay Kyske na nag mamadaling papasok sa masukal at mapunong lugar na iyon sa di kalayuan. Para syang hindi mapakali at palingon-lingon sa paligid.

Dahil sa medyo may pagka-tsismosa ako sumunod ako sa kanya ng dahan-dahan para hindi nya ko mapansin. Isa pa, Si Kyske lang naman yan.

Nakita ko syang nakatayo sa pinakagitna. Kitang-kita ko sya dahil bilog na bilog ang Buwan sa sobrang liwanag nun. Napatakip ako sa mata ng mag hubad sya ng damit, Anong gagawin nya?

Muli nagmulat ako ng mata at nagulantang sa nakita ko pero bago pa ko makasigaw may isang kamay ang nagtakip sa bibig ko at hinila ako.

Napatingin ako sa tao sa harap ko. Si Shawn. Takip pa din nya ang bibig ko pero nakasandal ako sa isang puno at halos magdikit na kami.

"Don't make any noise, Nerd" bulong nya bago tinanggal ang kamay nya sa bibig ko.

Tumango ako at tinignan ko ulit si Kyske. Unti-unting nagkakaroon ng balahibo ang katawan nya hanggang sa di nagtagal nag anyong wolf ito. Kyske turned into a Wolf. A fucking freaking Big Wolf!

"Tama ako ng hinala" sambit ni Shawn.

"Its him" biglang nagdatingan sila Elizabeth, Vinx at Andrew ng hindi ko man lang namalayan. Ni hindi ko narining ang yabag ng mga paa nila.

"Him what?" Tanong ni Andrew.

"The one who helped us on that Mansion" pagkasabi ni Elizabeth nun tumingin sya sakin. Kunot noong tumingin ako ulit kay Kyske at dun ko lang naalala ang Wolf ng gabi na iyon.

"Sya nga yun" wala sa sariling sambit ko. Naalala ko pa ang mga mata nya. Those eyes na alam mong safe ka sa kanya na hindi ka nya sasaktan.

So sya pala ang nagligtas sa amin that Night? Pero paano? Paanong naging Wolf si Kyske?

"Check the area, Vinx. Baka may ibang Students dito. You too, Andrew" utos ni Shawn. Agad naman umalis ang dalawa.

Lumingon-lingon sa paligid si Kyske bago umalis sa lugar na iyon.

"Hahayaan lang natin sya?" Takang tanong ni Elizabeth

"Oo, Because I knew that guy will never hurt anyone here in the Camp" seryosong sabi ni Shawn bago ako hinila paalis sa lugar na iyon.

I'm With The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon